Kabanata 1
Foreshadow"Via, kumain ka muna," ani Joy, bestfriend ko.
"Wala akong gana," matamlay kong sagot habang nakatunganga pa rin sa TV.
Hindi ko alam kung ano ang title ng pinapanood ko. Pero sa itsura nito, halata itong makaluma.
"We can do this," ani bidang lalaki sa bidang babae habang nakasandal ang noo nila sa isa't isa at ang dalawa nilang kamay ay magkahawak sa may tapat ng dibdib nila. "I'll fight for you. We'll fight together."
"We can't fight forever. They're our family." Sabi naman ng babae habang umiiyak.
"Let me be part of your family, then. Marry me." Halatang nagulat ang bidang babae sa sinabi ng lalaki.
"What?"
"Runaway with me," bulong ng lalaki.
"Sumama ka sa akin, Via. Lumayo tayo sa kanila. Kaya natin to. Mahal natin ang isa't isa diba? Kaya makakaya natin lahat to." Sabi niya sa akin habang pinupunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. "I love you, Via. As long as mahal natin ang isa't isa, makakaya natin lahat 'to. Trust me. I love you." Naiyak ako lalo at lalo ring napailing. Kanina pa ako iling ng iling sa sinasabi niya."Hindi pwede to, Kent. Hindi natin kakayanin to ng wala sila." Basag ang boses ko habang sinasabi 'yon.
"Via, anong sinasabi mo? Kaya natin to. Akong bahala sayo." Paninigurado niya sa akin. "Via, once na nagkahiwalay tayo ngayon, magkakahiwalay na tayo habang buhay. There's no chance for us after this, Via. No chance. Ito na ang last. Kaya umalis tayo ng magkasama. Via..." Lalo akong naiyak. Lalo niyang pinunasan ang luha ko.
"Kent..." Umiling ako.
"Bakit, Via? Diba mahal mo ako? Mahal din kita! We love each other. Love endures all things diba? O baka naman hindi mo na ako mahal?" Natigilan si Kent sa tanong niya. "Via, mahal mo ako diba?"
"Of course, mahal kita Kent!" Buo ang boses ko nang sabihin ko yun. "Pero mali ito, Kent. Mali. Wag tayong lumaban sa ganitong paraan. Hindi ka ba natatakot?"
"Hangga't kasama kita, Via, wala akong katatakutan." Matapang ang boses niya. Umiling ako. "Come on, Via. Konting oras na lang ang meron tayo! Come with me." Puno na ng pagmamakaawa ang boses niya.
Gustong-gusto ko nang sumama sa kanya. Umiling ako para makaiwas sa nakakatukso niyang anyaya. Alam ko mali itong gagawin namin. Mahihirapan kami kapag umalis kami. Mahihirapan siya. Lalo na't mahal na mahal niya ang mama niya. Ayokong pagsisihan niya lahat ng to. Ayoko. Ayokong makitang nahihirapan at nasasaktan siya. Kahit na alam ko, nasasaktan ko siya sa desisyon ko ngayon.
Napapunas ako ng luha nang maghalikan ang dalawang bida. Sumama yung babae dun sa lalaki. At nagkatuluyan sila. Nalagpasan nila lahat ng pagsubok.
Ganyan din kaya ang mangyayari sa amin ni Kent kung sumama nun ako sa kanya?
Naluha ako. Magkayakap kaya kami ngayon kung sumama ako sa kanya? Umiiyak kaya ako ngayon kung sumama ako sa kanya?
BINABASA MO ANG
The Time Manager
FantasíaHumiling ka na ba na sana bumalik ka sa nakaraan para mabalikan ang mga alaalang alam mong hindi na mangyayari pa? O para itama ang mga pagkakamaling nagawa mo noon? Naranasan mo na bang maisip na sana bumagal o huminto ang oras dahil ayaw mo pang m...