Kabanata 2

12 1 1
                                    

Kabanata 2
Flashback

"Ayoko nito! Masyado pa akong bata para sa lahat ng 'to!"

Pumikit ako saka sumigaw ng sumigaw sa utak ko. Please, kung panaginip lang ito, gisingin niyo na ako! Gising, Via! Gising!

Dumilat ako pero wala pa rin. Shit. Ayoko nito. Pumikit ulit ako saka ulit sumigaw sa utak ko. Rewind, please. REWIND!

At ang sobrang nakaksilaw na liwanag ay unti-unting naglalaho. Unti-unting dumidilim. Ang nararamdaman kong saya at pagmamahal kani-kanina lang ay unti-unting nawawala. Napapalitan ito ng pighati, kalungkutan, sakit, pagsisisi... Hanggang sa maramdaman ko ulit ang saya at pagmamahal. Lahat ng klase ng emosyon, nararamdaman ko ulit ng sabay-sabay. Ang nakikita kong liwanag kanina, nawala na ng tuluyan. Napunta ako sa kadiliman.

Nakita ko ulit ang malaking orasan. Kung kanina ay mabilis itong gumagalaw, ngayon ay tumatakbo siya pabalik. Ang araw at ang buwan ay mabilis nanamang naghahabulan sa langit pero pabalik. At lahat ng nararamdaman ko kanina, nawala. I feel so empty... but free.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. At ang umaandar na orasan ang una kong nakita. 7:12am

"Fudge! Late nanaman ako sa klase ko!"

Nagmadali akong nag ayos ng sarili ko. Hindi na din ako nakakain sa sobrang pagmamadali ko. Lumabas na ako ng bahay at hinatid na ako ng driver namin sa school.

"Ma'am anong oras ko po kayong susunduin mamaya?" Tanong niya.

"I don't know. Baka magcommute na lang ako." Sagot ko.

Ilang sandali pa'y nakarating na ako sa school. Nagmadali akong bumaba ng sasakyan at halos tumakbo na ako papunta sa first class ko.

Lumiko ako sa corridor nang makabangga ako ng isang lalaki. Nahulog ang mga dala kong libro. Nagkalat ang mga papel na nakaipit sa libro ko. Oh great. This is so cliché.

Pinulot ko ang mga 'yon at napansin kong tinulungan ako ng lalaki sa harap ko. Hindi ko siya masyadong makita dahil sa buhok na humaharang sa harap ko. Pinagpatuloy ko ang pagpupulot ng books ko. Nang matapos ay tumayo na ako at tinignan ko ang lalaki kahit na nakaharang ang mga buhok sa harap ko.

"Eto oh. Sorry, hindi kita nakita." nakangiti niyang sabi sa akin sabay bigay ng mga papel ko. SI KENT!


Teka, papanong nangyari 'to? Totoo ba ito? Nandito ba talaga si Kent? Nagpakita na siya sa akin. Pagkatapos ng dalawang buwan, nagpakita na siya sa akin! Nakakaiyak.

Yakap-yakap ko ang mga libro ko habang tinitignan ko siya. Lumapit siya sa akin saka hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko. Tuminding ang balahibo ko nang maramdaman ko ang kamay niya na lumapat sa may tenga ko.

Dun pa lang ako nakaramdam ng kaba. Pwede bang wag nang matapos 'to? Pwede bang pahintuin ko ang oras at ganito na lang kami? O kahit pabagalin ko lang.

"Miss?" Dun lang ako tuluyang nabalik sa sarili sa tawag niya sa akin. Lalo siyang nangiti nang mapansing nagulat ako sa tawag niya. "Natulala ka."

"Ah, sorry. Sige alis na ako." Sabi ko at agad ako naglakad palayo. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ako kilala ni Kent? Nagka-amnesia ba siya? Anong nangyari? Saka kung makangiti siya sa akin parang walang nangyari.

"Oy, Via!" Kinalbit ako ni Joy.

"Omg, Joy!" Napasigaw ako at napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

"Miss mo na agad ako?" Natawa siya. Hindi ba may nagawa akong masama sa kanya? Bakit parang wala siyang alam sa nangyari? Nakalimot rin ba siya? "Tara na nga, late nanaman tayong pareho!"

Nagkaroon kami ng quiz sa unang subject namin. Nakakapagtaka kasi parang nangyari na ito dati. Alam ko lahat ng sagot. Maski yung ibang tanong parang alam ko na. Parang nangyari na ito dati.

"Oh, Via. 39/50. Saka yung date mo mali. 2014 pa lang ngayon. Papunta ka na sa end of the world." Ani kaklase ko na kaklase ko noong Grade 11 ako. Ala, tama. Grade 11 itong pinapasukan ko. Anong nangyayari?

"Wow, Via. Minamani mo na ngayon ang History?" Bilib na bilib sa akin si Joy.


Oo nga no? Bakit ngayon ko lang narealize? Bumalik ako sa nakaraan!

The Time ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon