Mabagal umusad ang panahon sa akin dahil sa kakabagal at kakahinto ko ng oras. Katulad ngayon, binagalan ko ang oras habang hinahatid ako ni Kent sa bahay. Napili naming maglakad pauwi sa amin. Siguro tulad ko rin, gusto niya rin akong makasama ng mas matagal. Para bang alam namin na patapos na ang araw at sa ganitong paraan, mapapatagal at malalasap namin ang oras.
"Parang kailan lang..." Simula ni Kent habang naglalakad kami. "Nabangga kita sa may corridor. Hindi ko akalain na kasama kita ngayon sa paglalakad." Sinipa niya ang bato sa harap niya. "Ang bilis ng oras." Binagalan ko na nga, Kent, e.
Tahimik lang ako. Habang nakapikit ay ramdam ko na naglalakad ako, pinapanood ang slow motion moment naming dalawa. Para bang kusa lang na gumagalaw ang katawan ko. Katulad ng pagkukusa ng emosyon ko sa pagbuhos.
"Via..." Bulong niya.
"Hm?" Nanatili akong nakayuko, nakatingin sa batong sinisipa niya.
"Uh," unti-unti ay nararamdaman ko ang kamay niyang bumabangga sa kamay ko. Hanggang sa maramdaman ko na ang mga daliri niya sa palad ko. Dinadahan-dahan niya lang. Para bang binibigyan niya ako ng tsansang bumitaw kung yun ang gusto ko. Pero hindi ako umilag. Hinayaan ko hanggang sa tuluyan nang magsalikop ang mga daliri namin.
Nanatili kaming ganon ang posisyon. Tahimik lang na naglalakad habang magkahawak-kamay. Ramdam ko na parang pinagpapawisan ang palad ko dahil sa kaba. Ramdam ko 'yon dahil 'yon ang nararamdaman ko sa nakaraan.
Dinama't sinulit ko ang mabagal na oras na mayroon kami. Pero kahit na ganon pala, kahit na inulit at pinabagal ko na ang oras, kulang pa rin. Parang walang sapat.
Sa pagmulat ko ng mga mata ay nakita kong wala na ang kahawak ko. Nasa kwarto na ako mag-isa. Madilim. Nakaramdam ako ng kaba. Para bang nasa kasalukuyan na ako. Agad-agad kong sinilip ang phone ko at nakita ang text ni Joy.
Joy:
Im home! U home? Inuwi ka ba ni Kent o inuwi ka ni Kent? Wait ano raw? Hahaha!Mas pinagtuonan ko ng pansin ang date ng text niya. October 12, 2014. Nakahinga ako ng maluwag. Okay nasa nakaraan pa ako.
Nagtipa ako ng text kay Joy.
To Joy:
Inuwi ako ni Kent...sa amin!"Via..." Nakita ko si Kuya Loiue sa may pinto. "Sino yung lalaking naghatid sayo?"
Agad akong napatingin sa kanya at kinabahan.
"Uh, schoolmate, Kuya." Nag-iwas ako ng tingin at kunwaring inabala ang sarili sa phone.
"Talaga? Tandaan mo, bawal ka pang magboyfriend, ha. Pag-aaral muna. Magagalit sila Mama't Papa kapag sunuway ka." Ani Kuya. Alam ko naman yun.
Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatingin sa phone ko kahit yung wallpaper ko lang naman na abstract ang naroon.
Ilang sandali pa'y umalis na rin si Kuya. Hindi kami masyadong close ni Kuya dahil malayo ang agwat namin. Tapos na siyang mag-aral samantalang ako naman ay grade eleven pa lang. Wala kaming masyadong quality time dahil madalas ay busy siya. Nung studyante pa siya'y busy siya sa pag-aaral. Ngayong graduate na siya, busy naman siya sa trabaho. Busy siya sa pagpapaimpress kila Mama at Papa.
Aware rin naman ako tungkol sa bilin nila Mama. Pag-aaral muna. Nag-aaral naman ako pero sakto lang akong pumapasa sa klase. Hindi ako kasing talino nila. Kaya hindi rin nila ako masyadong napapansin. Napapansin lang ako dahil sa mga flaws ko.
Pero this time... Halos mabago ang standing ko. Halos maperfect ko lahat. Mapansin na kaya nila ako? Matuwa kaya sila sa akin kapag nakita nila ang grades ko? Omg. Papayagan na ba nila ako kay Kent gayong matataas na ang mga marka ko?

BINABASA MO ANG
The Time Manager
FantasyHumiling ka na ba na sana bumalik ka sa nakaraan para mabalikan ang mga alaalang alam mong hindi na mangyayari pa? O para itama ang mga pagkakamaling nagawa mo noon? Naranasan mo na bang maisip na sana bumagal o huminto ang oras dahil ayaw mo pang m...