Ginala ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. It has a simple couch, king sized bed, and an ensuite bathroom.
Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko at inilalagay ang mga ito sa drawer. Bigla kong narinig ang pagtigil ng tubig sa bathroom. Mukhang tapos na si Knox, buti naman. I really need to convince him to get another room.
Nakatalikod ako sa pinto pero ng narinig kong bumukas ito ay nagsalita na ko.
"Knox naman, hindi tayo pwedeng magsama sa isang kwarto. I'm not comfortable with..." napatigil ako ng lingunin ko siya.
"With what?" tanong niya habang nakangisi. He only has a towel draped on his lower body, there are droplets of water running down from his hair. His abs, oh my god... his abs..
And he's standing a few meters away from me. Napalunok ako.
"Cat got your tongue?" Ngumisi siya at dun palang ako natauhan.
"Huh?" takang tanong ko.
"What were you saying, Paige?"
"E-ewan ko. May sinabi ba ko?" Bigla siyang humalakhak. Hala siya, tuluyan na yatang nabaliw ang isang to.
"You were saying you weren't comfortable sharing a room with me, remember?" Shit! Oo nga pala, nakakahiya.
Linagpasan niya ko para kunin ang luggage niya. Binuksan niya yun at kumuha ng mga damit.
"Ah oo, can you book another room? Please?" dinaan ko na sa pagmamakaawa.
"No Paige, we're both staying here and that's final. We don't want to catch unwanted attention from Luis, he's got eyes everywhere."
"Bakit kasi sinama mo pa ko? Eh kung pinakawalan mo nalang ako? Sana wala kang problema ngayon."
He faced me, "Remember my promise? After all of this, I'll let you go. Pero sa ngayon, I need to keep you safe. And in order for me to do that, you need to cooperate."
I sighed. I guess I need to trust him then.
Bigla niyang tinanggal ang buhol ng towel niya at akma itong tatanggalin ng napasigaw ako.
Holy mother of @#$&!
"Ano ba Knox!" I yelled while covering both of my eyes. "Stop it, go to the bathroom to change! Bastos!"
"Problema mo?" nagtatakang tanong niya. Nakatakip parin ang mga mata ko. Problema? Di niya ba alam na natetempt ako?
I mean, natetempt akong saktan siya! Tama, bastos kasi eh.
Damn.
"Don't get naked in front of me, you asshole."
"Who said I'll get naked? I have my boxers on, Paige." After hearing that, I opened my eyes. He was already buttoning up his shirt.
"It didn't look like you have anything on kanina." I said defensively.
"Utak mo, Paige. Madumi." he said cooly sabay harap sa salamin at ayos ng buhok niya. Aba't!
"Just don't go parading yourself with just a towel on next time! May babae ka pong kasama!"
"Oh talaga? Nasaan?" kumulo ang dugo ko sa narinig.
"Shut up! Just don't do it again."
Di na siya nagsalita. He busied himself with his phone again. Next thing I know, tumatawag na siya ng room service para sa dinner namin.
"What do you want?" tanong niya habang nakalagay sa tenga yung telepono.
"Can't we go out to eat?" It's my first time here, gusto ko namang lumabas at makapaglibot kahit papano.

BINABASA MO ANG
Her Romeo Has a Gun
RomanceI stared wide-eyed at the scene in front of me. A guy wearing a black jacket with its hood covering half of his face shoots a man in his chest. Nakita ko kung paano napahiga yung lalaking naka-business suit dahil sa tama ng bala. Hawak nito ang dibd...