This is really unexpected.
Sa lahat yata ng nakidnap, ako lang ang isinama ng kidnapper niya sa isang party. But I know it's not a normal one.
Upon entering inside, you'll be amazed at how fancy it looks. Halos lahat ng nakikita ko ay mga mukhang prominenteng tao na naka-formal suit pa, hindi mo talaga aakalaing involved ang mga ganitong klaseng tao sa mga drug dealings. Tama nga sila, you can't judge a person by its physical appearance.
"Remember what I told you, Paige. Sakyan mo lang lahat ng sasabihin at gagawin ko. Just pretend you're enjoying this party. You don't have a single clue on what's happening around you, okay?" bulong ni Knox sakin habang ako naman ay madiin na nakakapit sa braso niya.
Tumango ako bilang sagot,
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ngayong gabi. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay at nakakatakot isiping ang mga tao sa paligid ko ay puro illegal ang ginagawa.
Sinabi ni Knox sa akin kanina bago umalis ng bahay na kailangan kong mag-ingat ng mabuti sa ikikilos ko. Marami daw nagbabantay sa buong paligid at pag may napansin silang kakaiba sa kilos ko, I'm dead.
Well, that's what Knox said. I just hope that he doesn't mean it literally.
"Stay here, may kailangan lang akong asikasuhin. Mingle with others if you want to but be careful. And don't try to escape."
He said the last sentence like a threat. Humakbang siya papalayo sakin pero biglang bumalik at lumapit ulit. He leaned in, super close, that I could feel his breath on my neck.
"And please, don't do anything stupid. It's becoming your habit, Paige. " He whispered in my ear then walked away.
I felt the hair on the back of my neck stood up. Shit, di niya ba alam yung salitang 'personal space'?
I scanned the room and felt like a deer in the headlights. A lot of people were milling around and I don't know what to do now that Knox left me alone. I saw a bar stool on my far left and decided to just stay there for the mean time.
"One apple martini please." sabi ko sa bartender at agad naman itong tumalikod upang kunin ang order ko.
Pagkabigay sakin ng alak ay agad ko itong ininom. This whole thing is really making me nervous.
"Enjoying the party?" Sabi ng baritonong boses sa tabi ko. Di ko agad siya napansin kanina kaya naman gulat akong napatingin sa kanya.
"Uhm yes." He's older than me by a few years, matipuno ang pangangatawan at kumikislap ang asul nyang mata habang nakatingin sakin.
"It's one of the biggest events this year. Almost all of the wealthiest businessmen in our country is attending this party para mas mapalawak pa ang mga negosyo nila.."
So that is what this party is all about. Ito pala yung front nila para maitago yung drug dealings.
"...and here I am, wondering why your date left you here all alone. A pretty face like yours will attract a lot of hungry men within the vicinity." I blushed at what he said.
I'm wearing a black chiffon gown with a beaded halter top na nasa kama ko na pagkagising ko kaninang umaga, while my hair is in a simple bun. Di hamak na mas magaganda at mas revealing ang suot ng ibang mga babaeng guests pero di ko alam kung bakit ako ang napansin niya.
"Umalis lang siya saglit, may mga kinakausap na importanteng tao. You know, about business.." pagdadahilan ko.
"Hmm, so you won't mind if I ask you for a dance then?" biglang tumugtog ang orchestra sa harapan. It was a slow tune at agad namang may mga nagpuntahan sa harap upang sumayaw.

BINABASA MO ANG
Her Romeo Has a Gun
عاطفيةI stared wide-eyed at the scene in front of me. A guy wearing a black jacket with its hood covering half of his face shoots a man in his chest. Nakita ko kung paano napahiga yung lalaking naka-business suit dahil sa tama ng bala. Hawak nito ang dibd...