This house is freakin huge.
Ito ang una kong napansin ng tignan ko ang buong paligid.
I tried for the windows na kaya kong abutin, pero lahat yun naka-lock. Kaya naman dahan-dahan akong pumunta sa main door. Kahit na alam kong umalis na si Knox, ayoko paring gumawa ng kahit na anong ingay.
Feeling ko kasi bigla na lang siyang lalabas out of nowhere at kakaladkarin ako pabalik sa kwarto.
Pagkahawak ko sa door knob, dahan-dahan ko itong pinihit pero as expected, it's locked.
Yes, expected ko na talagang naka-lock iyon. Di naman tanga si Knox para iwan yung nakabukas pagkaalis niya.
Pero ewan ko ba kung bakit umasa parin ako.
Lakad-takbo kong pinuntahan ang kasuluk-sulukan ng bahay pero wala, lahat ng pintuan at bintana ay nakalock maliban lang sa kwarto kung san nya ko ikinulong.
Crap! Bakit ba ang malas ko masyado?! Hindi ako pwedeng makulong dito!
Sa sobrang inis ay dumiretso ako sa kwarto at sumalampak sa kama. I screamed and screamed at the top of my lungs because of frustration. Medyo matagal na mula ng umalis si Knox at kahit anong oras ay siguradong babalik na yun.
I suddenly felt a stinging sensation behind my eyes. Eff this! Namamaga na ang mata ko kakaiyak! Ni hindi ko alam kung nasaang lupalop na ko ng Pilipinas pero isa lang ang alam ko, I need to find an escape!
I went to the bathroom and looked at myself in the mirror.
"Why did you went to that effin alley? Ang tanga mo!"
I laughed bitterly then threw away all the things on top of the sink.
"Now I'm talking to myself! Mababaliw talaga ako dito!"
I fisted my hands and looked at the ceiling like it held all the answers I needed right now.
Di sinasadyang nahagip ng paningin ko ang maliit na bintana sa kaliwang parte ng banyo. Maliit lang yun, parang nilagay lang talaga for ventilation. Pero wala na kong pakialam, tinakbo ko agad ang bintana at binuksan ito.
Hindi naka-lock.
Yes! Thank you ceiling!
I stood on tippy toes at tinignan ang view sa labas. Namutla ako bigla ng makitang nasa second floor pala ako ng bahay. Pero sa tingin ko ay di naman ito masyadong mataas. Kaya ko naman sigurong talunin ito ng di nababalian ng buto sa katawan.
Sana.
I pushed myself up at pilit na pinagkasya ang sarili sa bintana. Masikip kaya ramdam ko ang mga gasgas na natatamo ko dahil sa pagpilit kong makalabas.
Matapos ang ilang minuto, kalahati na ng katawan ko ang nasa labas. Masikip pero di imposible.
Napangiti ako. Konti na lang.
Pero bago pa ko tuluyang makatakas, bigla kong naramdaman ang mga kamay na mahigpit ang hawak sa mga paa ko. Napaigtad ako dahil sa bigla.
"Damn it! Magpapakamatay ka ba?"
Sa sobrang focus ko na makatakas, di ko naramdamang nasa loob na pala siya ng kwarto! Hinila niya ko pabalik at napasigaw ako sa sakit dahil nagasgas na naman ang mga braso ko.
I was so close!
Pagkaharap ko sa kanya, parang gusto kong magtago dahil sa talim ng titig niya sakin.
Kinaladkad niya ko papuntang kwarto at binalibag sa kama. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong takot at kaba.
"Hindi ka ba marunong makinig? Di ba sinabi ko na sayong wag kang tatakas?"

BINABASA MO ANG
Her Romeo Has a Gun
RomanceI stared wide-eyed at the scene in front of me. A guy wearing a black jacket with its hood covering half of his face shoots a man in his chest. Nakita ko kung paano napahiga yung lalaking naka-business suit dahil sa tama ng bala. Hawak nito ang dibd...