16 | Complicated

1.8K 84 7
                                    

I woke up with Knox still hugging me.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya para di siya magising. Now, this is a first. Tuwing magigising kasi ako, laging wala na siya sa kama.

I opened my bag and grabbed my essentials. I looked at Knox's sleeping face before I went out of the room.

Pagkasara ko ng pinto, nagulat ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

"Geez! You scared me!" Tinignan ko siya ng mabuti. "Sino ka?"

"Ako dapat ang magtanong niyan. Dito ako nakatira, who are you?" He said.

Matangkad siya, moreno at matangos ang ilong. Siguro ay kasing-edad ko lang ito. Naalala ko naman bigla yung sinabi ng matandang babae kagabi, nandito raw yung isang anak niyang lalaki.

I stood straight and held out my hand. "I'm Paige. Sorry, nakitulog kami dito ng kasama ko. We're tourists pero nasiraan kami sa daan."

He shook my hand then after staring at me for a few minutes, he finally smiled.

"Di na siguro nasabi ni mama kagabi sakin. Ako nga pala si Miguel."

I nodded. Naalala ko naman bigla na kailangan ko nga palang pumunta ng banyo.

"Uhm, san nga pala banyo dito?"

Sinamahan niya ako at tinuro iyon sa akin. I washed my face, brushed my teeth, and changed into a simple gray v neck shirt and denim shorts. Sabi naman ni Knox ay aalis agad kami mamaya, siguro ay sa hotel nalang ako maliligo.

Pagkalabas ay nakita kong nasa hapag na sila Mang Andoy at Miguel habang ang matandang babae naman ay abala sa pagluluto ng almusal.

Nahihiya akong lumapit at ngumiti. "Tulungan ko na po kayo."

Ngumiti lang sakin ang babae. "Naku ineng wag na, maupo ka na lang dyan at malapit ng matapos 'to."

Nginitian ako ni Miguel kaya dun ako umupo malapit sa kanya.

"Ano nga palang nangyari sa inyo kagabi? Saan kayo banda nasiraan?" Tanong ni Mang Andoy.

"Bigla nalang pong tumirik yung sasakyan namin kagabi, kaya nilakad nalang po namin. Ito yung unang bahay na nakita namin kaya di na kami nagdalawang isip na makitulog muna."

Nilapag ng matandang babae ang pagkain sa lamesa.

"Di pa ba gising ang nobyo mo?"

Namula ako sa tanong niya. Do we really look like a couple to them?

"Tulog pa po eh."

Sa kagustuhang ibahin ang usapan, tinanong ko nalang kung may kape ba sila. Nag-alok narin akong ipagtimpla sila Mang Andoy at Miguel. Di pala mahilig sa kape ang matandang babae na napag-alaman kong Aling Linda ang pangalan.

"Onga pala, sainyo ba yung pulang kotse sa labas?" Tanong ni Mang Andoy habang sumisimsim ng kape.

"May kotse sa labas, Pa?" Tanong ni Miguel. Tumango naman ang matanda.

"Uh opo sa amin. May tinawagan po kasi kagabi yung kasama este nobyo ko para ayusin yun at ihatid dito."

"Pano nalaman ng nagdala ang bahay namin?" Takang tanong ni Aling Linda.

"May gps po kasi sa phone ni Knox, siguro ay pinatrace niya."

Nakita ko ang naguguluhang mukha ng matanda. Tumawa naman si Miguel sa gilid ko.

"Modern technology yun, Ma."

"Ay sus, di na talaga ako makasabay sa mga kabataan ngayon."

Tumatawang bumulong sakin si Miguel. "Ayaw niya kasing matuto ng cellphone. Mas okay na raw sa kanya yung sulat." Natawa din ako.

Her Romeo Has a GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon