"A little warning would be fucking nice next time." narinig kong sabi ni Knox dun sa Greg.
Nakaupo siya sa couch habang hawak ang tagiliran nya kung saan siya nabaril. Pagkadating sa bahay, agad pinakuha sakin ni Greg yung first aid kit na nasa kitchen. Siya ang gumamot kay Knox, nilinis niya yung sugat at binendahan narin. I saw some painkillers sa isang drawer kaya pinainom ko narin sa kanya.
I'm sitting beside Knox, ngayon palang nagsisink-in lahat ng nangyari kanina.
"You know what would happen." Greg shrugged. Nakaupo siya sa harap namin habang naninigarilyo. Bigla siyang tumitig kay Knox, sabay tingin sakin.
"Paige." biglang tawag sakin ni Knox.
"Hmm?"
"Akyat ka na sa taas, pahinga ka na."
I want to roll my eyes, I know when I'm not wanted. Pero dahil pagod na ko at wala ng lakas makipagtalo sa kanya, tumayo nalang ako at iniwan silang dalawa.
Dumiretso ako sa shower. It felt nice to clean myself up and just relax under the warm water. When I was done, I changed to a simple tanktop and shorts tapos diretso na sa kama.
I'm so exhausted pero di ko alam kung bakit di ako makatulog. I closed my eyes and willed myself to sleep pero gising na gising ang diwa ko.
I found myself just staring at the ceiling.
Are they still downstairs?
Ano kayang pinag-uusapan nila?
Are they both involved in this whole illegal drug dealing fiasco?
Of course! What kind of question is that? Siguradong pareho silang involved dito.
Dahil di narin naman ako makatulog, I decided to go downstairs.
I heard voices, mukhang nag-uusap parin sila. I didn't wanna eavesdrop pero di ko mapigilan.
"Lots of casualties on both sides. Marami ring nakuhang drugs dun sa raid. It's all over the news." Kalmadong sabi ni Greg.
"They publicized it?" tanong ni Knox.
"Yeah, mahirap itago dahil puro prominenteng tao ang sangkot."
"None of them were arrested though."
"As usual, maraming kapit ang organisasyon. Siguradong naglabas ng malaking pera si Luis." Sabi ni Greg sabay kuha ng mga litrato sa gilid niya. He spread the pictures on the table between them.
"Ilan lang to sa mga naka-transaksyon ng grupo ngayong gabi."
Kumuha ng isa si Knox, tinaas niya ito para titigang mabuti.
"This one's familiar." Kahit na nakatago ako sa pader sa likod ni Knox, medyo naaninag ko parin ang litratong hawak niya.
"Naglabas ng 20 million yan kanina, one of the highest bidders."
Bumalik ang tingin ni Knox sa mga litrato at kumuha pa ng isa.
"What was he doing with Paige?"
Di ko napigilan ang sarili kong humakbang palapit para makita ng maayos yung litrato. It was me with the guy who asked me to dance earlier.
"Yohan?" I whispered to myself.
Agad akong nakita ni Greg, napalingon naman sakin si Knox. His eyebrows drawn, his lips a thin line.
"You know this guy?" Tila galit na tanong nya sakin.
I nodded.
"He asked me to dance kanina, it was rude to say no kaya I agreed."

BINABASA MO ANG
Her Romeo Has a Gun
RomanceI stared wide-eyed at the scene in front of me. A guy wearing a black jacket with its hood covering half of his face shoots a man in his chest. Nakita ko kung paano napahiga yung lalaking naka-business suit dahil sa tama ng bala. Hawak nito ang dibd...