Tiffany
Bumuntong hininga muna ako, tapos ay iniyukom ko ang palad ko at inangat ang kamay kong nanginginig. Kumatok ako ng tatlong beses.
"L-Luhan.." hindi ko napigilan ang nginig sa boses ko. "Kakain na."
"Ayoko." matigas at walang emosyon nyang sabi. Napa-pikit naman ako at napa-buntong hininga. Ano pa bang bago? Araw-araw naman syang ganito. Ewan ko ba kung bakit pinagtiya-tiyagaan ko paring magluto araw-araw at katukin sya para yayaing kumain kahit araw-araw rin naman syang tumatanggi.
"H-hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ko. Inantay ko ang sagot nya pero wala akong narinig. Napa-buntong hininga ako ulit. Imposible naman kasing hindi nya ako narinig kasi nilakasan ko naman ang boses ko, siguro hindi nya lang talaga ako pinakinggan, hays.
I decided to let him be. Wala rin namang patutunguan ang pagsuyo ko sakanya eh. Naglakad nalang ako pababa sa hagdan ng naka-tungo ang ulo. Tinitigan ko ang mga paa kong mabagal at dahan-dahan ang paghakbang.
Agad akong napa-tunghay sa gulat nang makarinig ako ng mabilis na paghakbang pababa sa hagdan. Naunahan nya pa akong makababa.
"Saan ka pupunta?" hindi ko napigilang itanong. Mukha kasing nagmamadali sya.
"Wala ka nang pake dun." ang sagot nya bago tuluyang makalabas ng bahay. Hindi man lang nya ako nilingon, hays.
Nang tuluyan na akong makababa, dumiretso ako sa dining area. Naghain na naman ako para saming dalawa. Bakit ba sa tuwing nagluluto ako parang bigla ko nalang nakakalimutan na hindi ko na sya dapat paglutuan at paghainan? Di rin naman kasi sya kakain at ang laging bagsak ay mag-isa akong kakain. Sadlife.
Umupo ako at nagsimulang kumain. Sanay narin naman akong kumain ng mag-isa eh.
Napaka-tahimik ng bahay kaya naisipan kong kunin yung cellphone ko at nagpatugtog nalang. Tapos kumain nalang ako ulit. Galing no? Parang solong-solo ko na yung bahay, hahaha.
Napa-tingin ako sa ilalim ng lamesa nung may naramdaman ako sa paa ko. Napa-ngiti ako. Si Prince lang pala, aso kong maltese. Cute yan, yieee.
"You want?" sabi ko habang may hawak na hotdog. Funny tho, ipapakain ko yung hotdog sa aso ko. Hahaha.
Ibinigay ko sakanya yun at kinain naman nya. Napa-ngiti nalang ako. Hindi pala ako lonely.
Nang matapos akong kumain, niligpit ko na yung pinagkainan ko at naghugas ng pinggan habang kumakanta-kanta.
Pagtapos kong maghugas, pumunta ako sa sala at nakita kong nakahiga si Prince sa sahig. Mukhang inaantok. Binuhat ko sya at dinala sa kwarto ko tapos nilagay ko sya sa bed nya.
"Sleepwell, my baby~" Naka-ngiti kong sabi. Sya naman ay natulog na nga. Hahaha, ang cute.
Bumalik ako sa sala at nagbukas ng tv tapos umupo ako sa sofa. Palipas-oras lang muna. Spongebob yung palabas, paborito ko. Hahaha.
Nung matapos yung spongebob, nilipat ko naman sa ibang channel. Adventure Time naman, huehue. Hindi naman halatang childish ako no?
Nang matapos naman yun nagpalipat-lipat ako ng channel para maghanap ng mapapanood, kaso walang magandang palabas kaya minabuti kong patayin nalang yung tv.
Tumingin ako sa wall clock. 3 pm na pala. Saan kaya nagpunta si Luhan? Hindi man lang kasi sya nagsabi kung saan sya pupunta para naman di ako mag-aalala. Siguro nagpunta lang yun sa Exo. Pero pwede ring hindi. Baka kasi pinuntahan nya na naman si-- hays, sana nga kasama lang sya ng Exo.
![](https://img.wattpad.com/cover/66819438-288-k400960.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Hurt (LuFany FF.)
FanfictionCan she manage to endure all the pain that he'll cause? Because unrequited love is never easy. do not plagiarize written by: tinkerbellu_