Chapter 5: Breakdown

211 17 5
                                        

Tiffany



Tahimik lang kaming kumakain ng tanghalian. Walang nagsasalita. Bago pa man kami matapos kumain, binasag niya ang katahimikan.


"Aalis ako mamaya."


Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang tanungin kung san siya pupunta kaso ayoko ring marinig, alam ko naman kung sino ang pupuntahan niya eh.


"Ingat ka." sagot ko sa kanya.


"Gagabihin ka ba?" dagdag ko. Napatingin naman siya sakin.


"Siguro." sagot niya bago nagpatuloy sa pagkain. Tinapos ko na rin yung kinakain ko.


"Baka umalis din ako." sabi ko. Naisipan ko kasi kanina na puntahan si Taeng, parang nasa mood akong uminom ngayon eh.


Napatigil sya sa pagkain at sandaling tumingin sa'kin, "San ka naman pupunta?" halata sa boses nya na parang nainis sya. Ano namang nakakainis sa sinabi ko?


"Kila Taeyeon lang." simple kong sagot.


"Wag kang magpapagabi, walang tao dito sa bahay." tugon nya at tinapos nya na yung kinakain nya tapos nauna na syang tumayo.


Nagligpit na ako ng pinagkainan namin at naghugas ng pinggan.


Paglabas ko ng kusina, naabutan ko syang nanonood ng tv sa sala. Hindi pa ba sya aalis? Baka inaantay na sya ng girlfriend nya.


"Anong oras ka aalis?" Hindi ko napigilan yung bibig ko. Ayoko sanang magtanong kaso ang hirap pigilan.


"Maya-maya." sagot nya habang nakafocus parin sa panonood ng tv. Tumango nalang ako kahit alam kong di naman sya nakatingin, tapos umakyat na ako sa kwarto. Hindi pa nga pala alam ni Taeyeon na pupuntahan ko sya, baka mamaya wala pala sya sa apartment nya eh.


To: Taengoo
Taeng, can i come over?


Pagka-send ko ng text ko, hindi naman inaasahan na magrereply sya agad. For sure nakatutok nanaman yun sa cellphone nya.


From: Taengoo
Omg! Punta ka na bilis! Eksakto andito ngayon sila Jessica, Hyoyeon at Yuri



Napangiti ako nang makita ang reply nya. Perfect timing pala, madalas kasing busy sa kanya-kanyang work ang mga kaibigan ko kaya minsan lang kami makapagsama-sama.


To: Taengoo
See you in an hour


Humilata muna ako sa kama at maya-maya magbibihis na ako para puntahan sila Taeng. Gusto ko kasi munang makapag-relax at makapag-isip-isip. At gaya ng sabi ko kanina, nasa mood talaga ako uminom. Ilang months narin mula nung huli akong uminom eh.


Napatingin ako kay Prince na nakatingala ngayon sa akin at mukhang gustong sumampa sa kama kaya binuhat ko sya at nilagay sa tabi ko. Isasama ko na sya ulit pabalik sa bahay namin kapag binisita ko sila mama. Hiniram ko lang kasi sya panandalin, doon ko sya iniiwan sa bahay nila mama kasi atleast doon maraming nag-aalaga sa kanya, di kagaya dito, kaming dalawa lang naman dito ni Luhan.


Dito sa bahay, wala kaming kasamang katulong dito. Ako lang naglilinis-linis at gumagawa ng gawaing bahay na madali lang naman. Kahit mayaman kami, pinalaki ako ni mama na marunong sa bahay para hindi daw mahirapan pag nag-asawa na. Weekly lang, may nagpupunta ditong housekeeper at gagawa nung mga heavy work sa bahay.


She's Hurt (LuFany FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon