Chapter 11: Together

126 7 2
                                    

Tiffany

Kasalukuyang alas otso na ng umaga at kakaalis lang namin sa bahay. Nag-promise pa kami kay mama na babalik kami soon kasi mamimiss niya daw kami.

"Bakit magpupunta sa beach?" tanong ko kay Luhan habang nakatingin sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya. "Gusto lang siguro ng bonding ni tito Steven." sagot niya habang naka-focus pa rin sa pagd-drive kaya tumango nalang ako kahit na di ko alam kung nakita ba niya.

Tahimik lang ang naging biyahe namin at nakarating din kami agad sa bahay.

"Matagal ba tayo don?" naisipan kong itanong bago pumasok ng kwarto. Para alam ko kung gano karaming gamit ang dadalhin ko, hahahaha.

"Isang linggo." sagot niya na tinanguan ko lang. Pumasok ako agad sa kwarto ko para makapag-impake na agad.

Naglabas ako ng isang maleta na di naman gaano kalaki at naglagay ng saktong mga damit lang na magagamit ko sa isang linggo. Dinala ko rin ang mga skin care products ko at ilang make up. Nang matapos na ako mag-ayos ng mga gamit ay nagbihis na ako ng mas maayos na damit, nakaligo na kasi kami kanina doon sa bahay. Nagsuot lang ako ng maong shorts at puting blouse na pangbeach, tapos nagsuot ako ng shades at naglagay ng kaunting lip and cheek stain.

Napalingon ako nang may kumatok. "Steph, naka-ready ka na ba?"

Pinagbuksan ko siya agad ng pinto. Si Luhan yon syempre, wala naman akong ibang kasama dito, hahahaha.

"Ikaw ba?" balik na tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Aalis na ba tayo?" tanong ko ulit sabay sulyap sa wristwatch ko. 10:30 palang naman.

"Oo, dadaan pa tayo sa fast food eh. Almusal muna tayo tsaka bumili ng babaunin nating pagkain sa biyahe." Omg? Magdedate kami! Charr, echosera ka naman dyan Ppanyang. Di na kasi kami nakapag-almusal doon sa bahay dahil na rin nagmamadali na kami. Nagugutom na siguro siya.

"Sige, tara na." sabi ko at lumabas na hila-hila ang maleta ko.

Nagulat ako nang kunin niya ang maleta ko at binaba sa hagdan. Bago na naman to, hindi ganto ang Luhan na kilala ko. Ano bang nangyayare sa kanya?

"Oh ba't nakatulala ka pa dyan? Tara na." sabi niya bago tuluyang makababa ng hagdan. Kaya naman napabalik ako sa realidad. Tama, hayaan ko nalang muna at mag-go with the flow nalang ako. Wala naman sigurong masama kung susulitin ko habang ganto siya diba?

Habang inaayos niya ang mga gamit namin sa kotse, sinigurado ko munang nakaayos na ang buong bahay at naka-lock ang lahat ng pwedeng mapasukan. Nang maayos na namin ang lahat ay umalis na kami.

Tahimik lang kami habang nagd-drive siya pero wala pang 10 minutes ay pinark niya ang sasakyan sa McDonald's na malapit lang sa village namin. Nauna na siyang bumaba kaya naman sumunod na ako.

"Ako na ang oorder. Ano sayo?" tanong niya nang makapasok na kami, habang naka-tingin siya sa menu. 

"Kahit ano nalang, basta wag heavy meal." sagot ko naman na tinanguan niya. Iniwan ko na siya sa counter at umupo ako sa bakanteng table. Medyo marami ang tao ngayon  dahil masarap naman talaga ang breakfast ng McDonald's.

Makalipas ang ilang minuto ay napatingin nalang ako sa kanya nang dumating siya dala ang pagkain namin. Nagulat ako nang makitang rice meals ang dala niya at may kasama pang pancakes. 

"Wag ka nang umangal, mahaba ang biyahe natin." sabi niya bigla tapos ay umupo sa upuan sa harap ko. Napansin niya siguro ang pagtataka ko. Hindi ko alam kung anong naisipan niya, pero dahil siya ang may gusto nito, bakit ko naman aayawan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Hurt (LuFany FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon