Tiffany
Napakagat nalang ako sa dulo ng nga kuko ko dahil sa kaba.
"Steph, wala sya sa loob eh."
Napalingon ako kay Harold na lumabas mula sa men's cr. Sabi ko na nga ba eh..
"Saan naman kaya nagpunta yon?" di mapakaling sabi ko. Napahawak ako ng mahigpit sa suit coat ni Luhan na iniwan nya sakin. Mas lalong lumalamig ang paligid dahil na rin siguro sa nababalot na ang buong katawan ko ng kaba.
"Tara, hanapin pa natin. Wag kang masyadong kabahan, baka nagpahangin lang si insan." sabi nya kaya tumango nalang ako.
Nagsimula na kaming maglibot ni Harold sa buong hotel, pero wala si Luhan. Umakyat na rin kami sa room na nakareserve para samin ni Luhan dito pero walang tao doon.
Mabilis ang paglalakad namin pero napahinto ako agad nang may nahagip ang mata ko. Dahil sa glass walls, kitang-kita mula dito sa loob ang garden ng hotel. Alam ko ring hindi ako nagkakamali, kahit nakatalikod ang lalake at medyo malayo sa amin ay sigurado akong si Luhan yon... si Luhan na may kasamang babae. Nakatalikod din yung babae pero tandang-tanda ko ang damit na yon. Sya yung babaeng kanina ko pa tinitingnan sa venue.
"Teka, si insan yon ah."
Napalingon ako agad kay Harold dahil sa sinabi nya. Nakita nya rin pala. Lagot, siguradong magtataka to. Anong sasabihin ko sa kanya?
"Si Lim Weina yon ah.." sabi ulit ni Harold na ikinagulat ko naman. Napalingon ako ulit sa gawi nila Luhan. Naka-side view na ngayon ang babae kaya malinaw na malinaw ang mukha nya. Kanina ko pa alam na si Weina yun, ang babaeng mahal ni Luhan. Pero bakit kilala sya ni Harold?
"Steph.."
Lumingon ako ulit kay Harold nang tawagin nya ang pangalan ko. Sigurado rin akong halatang-halata na ang panlulumo sa mga mata ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nadudurog ang puso ko.. bakit ngayon pa Luhan?
"The secret is safe with me.." nakangiti nyang sabi na ipinagtaka ko naman. Nakikita ko sa ngiti at mata nya na sincere ang sinasabi nya, at hindi pagbibiro.
"Anong secret?" taka kong tanong sa kanya.
"Kanina ko pa nahahalata pero di ko pinansin kasi akala ko nagkakamali lang ako. Pero ngayon, sigurado na ako. Close kami ni Luhan mula bata. Mula high school kami patay na patay na sya kay Weina, at nung 4th year college kami nakuha nya ang oo nito. Kaya siguro nandito si Weina dahil kaclose din ng papa ko ang pamilya nila. Steph, alam kong na-arranged marriage lang kayo.." sabi ni Harold kaya napangiti nalang ako sa kanya nang mapait. Muli kong ibinaling ang tingin ko kila Luhan at kitang-kita ko kung gano sila kasaya. May isang butil ng luha na nakatakas mula sa mata ko kaya agad ko naman itong pinunasan.
"Pero kitang-kita ko sa mga mata mo. Alam kong mahal mo sya.." dagdag pa ni Harold habang pareho kaming nakatitig lang sa dalawa.
BINABASA MO ANG
She's Hurt (LuFany FF.)
FanfictionCan she manage to endure all the pain that he'll cause? Because unrequited love is never easy. do not plagiarize written by: tinkerbellu_