Tiffany
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako agad at nagunat-unat tsaka sumulyap sa wall clock. 10 am na pala? Napasarap ata ako ng tulog dahil di ko na rin alam kung anong oras ako nakatulog sa lalim ng iniisip ko.
Naghilamos ako at nagsipilyo sa cr sa kwarto ko bago lumabas ng walang suklay suklay.
Habang pababa ako sa hagdan naririnig kong may nag-uusap sa bandang sala ata. Sino kaya yon? May bisita ba?
Pagkatungtong ko ng sala, napanganga agad ako sa nakita ko. Napatigil si mama at yung kausap nya, sabay silang tumingin sa akin at parehong ngumiti. Anong ginagawa nya dito?
Tumayo si mama at humakbang palapit sa akin.
"Anak, gising ka na pala. Kanina ka pa inaantay ni Luhan eh, 8 palang andito na yan pero ayaw ka nyang ipagising sa akin." nakangiting sabi ni mama kaya di ko naman alam kung anong isasagot ko.
"W-Wait lang.." Di ko alam pero yon lang ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko kasing magsuklay at magbihis muna bago sya harapin. Jusko naman kasi di ko to inaakala!!
Sumulyap muna ako kay Luhan na nakatingin sa akin bago ako pumunta sa kwarto ko.
Mabilisan akong nagbihis dahil naka-pangtulog lang ako kanina tapos ay nagsuklay. Bakit kaya sya andito?
Bumaba na ako ulit at andoon pa rin silang dalawa sa sala, nagkekwentuhan habang naka-upo sa sofa.
"A-Asan si papa, ma?" tanong ko kay mama at umupo sa tabi nya.
"Ahh pumasok na, anak. Nag-almusal na kami ni Luhan kaya kumain ka na muna at aantayin ka namin."
"Hindi na ma, di pa ako nagugutom. Sasabay nalang ako sa lunch nyo." sagot ko habang di mapakali.
Tumingin ako kay Luhan at naglakas loob na tanungin sya. "Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka."
Napanganga ako sa sagot nya. Luhan wag mo namang paglaruan yung puso ko.
"H-Ha?"
"Nagtext kasi sa akin si Luhan anak, hinahanap ka. Eh syempre gusto ko ring magkaayos na kayo kaya sinabihan ko syang pumunta dito." sabi ni mama. Hays, no choice. Kakalimutan ko nalang siguro ang nangyare nung isang araw.
"Atsaka anak, nakumbinsi ko na rin si Luhan na bukas na kayo umuwi." dagdag pa ni mama kaya napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam kung anong himala ang meron at bakit may kakaiba kay Luhan ngayon.
"Ay saglit lang at may aasikasuhin ako saglit. I'll leave the two of you muna, ah?"
BINABASA MO ANG
She's Hurt (LuFany FF.)
FanfictionCan she manage to endure all the pain that he'll cause? Because unrequited love is never easy. do not plagiarize written by: tinkerbellu_
