Chapter 3: The Girl

516 28 13
                                        

Tiffany



Nilinis ko yung sala dahil naka-uwi na ang Exo. Alas syete na ng gabi, nag-enjoy kasi kami sa panonood ng tv kaya ngayon lang sila naka-uwi. At simula pagdating kanina ni Luhan, hindi parin sya lumalabas ng kwarto nya.



Tinapon ko sa basurahan yung mga basura at hinugasan ko naman yung mga pinagkainan tapos nilinis ko yung iba pang kalat. Nilinis ko rin yung kusina.



Pabalik na sana ako sa sala nang marinig ko ang boses ni Luhan. Bumaba pala sya. Pero mukhang may kausap sya sa cellphone. Bahala nang magmukhang chismosa pero nagtago ako sa gilid para marinig ko kung ano mang pinag-uusapan nila.



"Look, let's not fight over this again, please? Napag-usapan na natin to. Kaya nga ako nagmadaling pumunta dyan kanina diba? Binilhan naman kita ng pinapabili mong bouquet at chocolates. Bakit nagagalit ka parin?" Huh? Sino kaya yung kausap nya? Sino yung pinuntahan nya kanina at dinalhan nya ng bouquet and chocolates?



"Listen, listen. Magtiwala ka naman sa'kin, please? Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko diba? Kahit anong mangyari, hindi ko mamahalin si Stephanie. Ikaw lang ang mahal ko, Weina. Pag may pagkakataon, ididivorce ko na sya at magpapakasal tayo. Kaya wag ka nang mag-alala. Hindi ako mawawala sayo.." nag-unahan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kinaya ang narinig ko. Ang sakit-sakit. Sila parin pala hanggang ngayon. Si Weina parin pala..



Tahimik akong naglakad paakyat. Umarte akong parang wala akong narinig at minabuti ko na ring hindi na lumingon pa.



Pumasok agad ako sa kwarto ko at ni-lock yung pinto. Tumaob ako sa kama ko at umiyak. Masakit kasi. Lagi nalang akong nasasaktan, nakakainis!


- - -



Luhan



Alas syete na ng gabi, pero 'di pa rin ako lumalabas ng kwarto ko. Kanina pa ako nababagot. Pero ewan ko ba kung bakit ayaw kong lumabas ng kwarto ko kanina pa. Alam ko ring naka-alis na ang mga tropa ko, dahil inakyat pa nila ako dito kanina.



Pinulot ko ang cellphone ko sa gilid at dinala ito pababa sa sala.



Nadatnan kong malinis na ang sala, nilinis na siguro ng babaeng yun. Mabuti naman. Manonood nalang ako ng tv.



Kukunin ko palang sana ang remote, nang biglang magring ang cellphone ko.


Babe is calling..



"Hey baby.."



I smiled to myself. But my smile turned upside down upon hearing her response. Parang malungkot.



"Babe.."



"What's wrong baby?"



"Reconsider it. Hindi mo ba talaga mapagbibigyam ang hiling ko?"



Otomatiko akong napasapo sa noo ko. Ito na naman pala ang issue.



"Look, babe, alam mong hindi ko pwedeng gawin yun diba?"



"But you told me that you'll do anything for me."



"Please, not this, Weina."



"You called me by my name, wow. So naiinis ka? Ano ba kasing mahirap dun, Luhan? Magtatanan lang naman tayo. We'll fight for our relationship. Ayaw mo ba nun? Ayaw mo bang makasama ako?"



She's Hurt (LuFany FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon