Chapter 7: Hopes

254 15 8
                                        

Tiffany

8:30 ng umaga at kasalukuyan akong nagluluto ng almusal, hmmm omurice! Mahilig dito si Luhan, sana naman kumain sya.

Mukha namang normal na araw lang ang araw na 'to. Back to normal na naman, kung saan paglulutuan ko sya tapos hindi sya kakain. Gaya ng parating nangyayare, pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na kakain sya. Well, kahapon, hindi ko sya napaglutuan ng almusal kasi nga may hangover ako, after kong uminom ng kape nung umaga kahapon, umakyat ako sa kwarto ko at 'di ko sinasadyang makatulog, kaya ayun, nagising ako nun 2 pm na tapos nakapag-tanghalian na pala sya.

Hinain ko na yung almusal sa dining table tapos umakyat ako para katukin sya sa kwarto nya. Alam kong gising na sya kasi bumaba sya kanina pero bumalik din agad sa kwarto nya.

Bumuntong-hininga muna ako bago kumatok. Kahit halos araw-araw ko na 'tong gawain, hindi parin nawawala yung kaba sa dibdib ko tuwing kakatok ako sa kwarto nya.

"L-Luhan? Kakain na.." sabi ko, pagtapos kong kumatok ng tatlong beses.

Nag-antay ako ng ilang segundo pero hindi sya sumagot kaya aalis nalang sana ako, kaso tsaka sya nagsalita.

"Susunod nalang ako.."

Nanlaki naman ang mata ko. Ano daw? Susunod sya? Ibig sabihin kakain sya? Sasabay sya sakin? Hindi ako nakapagsalita at naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko expected.

Mas lalo akong nagulat nang magbukas ang pintuan nya. Mukha namang nagulat sya nang makita akong nakatayo parin sa tapat ng pintuan nya.

"Sabi ko susunod nalang ako eh.." sabi pa nya tapos nilagpasan ako at nauna na syang bumaba ng hagdan. Sumunod nalang ako pero hindi ko parin maalis yung gulat sa mukha ko.

Naabutan ko syang nakaupo na sa dining table kaya umupo narin ako sa harap nya. Nagtaka ako pagtingin ko sa kanya kasi nakatitig lang sya sa nakahain na pagkain.

"Omurice?" gulat nyang tanong. Hindi ko alam kung bakit sya nagulat. Akala ko pa naman isa 'to sa mga paborito nya, sabi sakin yun ng mama nya eh.

"A-Ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya. Medyo na-disappoint ako kasi akala ko pa naman matutuwa sya, ngayon lang kasi ako nagluto ng omurice dito.

"Gusto.." tugon nya. Nahuli ko ang maliit na ngiti sa labi nya kaya napangiti rin ako. Akala ko ayaw nya eh, buti naman.

Nagsimula na syang kumain kaya kumain narin ako. Gaya ng inaasahan, tahimik lang kaming kumakain at walang nagsasalita. Di ko mapigilan, natetense ako. Ganto naman parati ang nararamdaman ko kapag kasama ko sya o kaya pag malapit ako sa kanya, kinakabahan ako pero at the same time, masaya rin ako.

Tahimik parin ang atmosphere hanggang sa matapos kaming kumain. Nagligpit na agad kami ng pinagkainan. Ako yung naghugas tapos si Luhan naman, nasa sala ata.

Pagtapos na pagtapos kong maghugas ng pinggan, may nag-doorbell kaya nagtaka ako. Sino kaya yun?

Pumunta agad ako sa gate at pinagbuksan ang bisita na dalawang beses nang nag-doorbell. Napangiti ako nang makia kung sino. Si ate Emy pala. Sinalubong ko agad sya ng mahigpit na yakap. Sya yung housekeeper namin dito na once or twice a month lang pinapapunta. Dati namin syang housekeeper sa bahay nila mama kaya close namin sya at pinagkakatiwalaan. Nasa late 30s na sya, baka 37 siguro or 38; maputi sya at medyo chubby tapos maikli ang buhok.

She's Hurt (LuFany FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon