Chapter 6: Thoughts

217 13 9
                                    

Luhan


9 pm na at kararating lang namin ni Weina sa condo nya. Nagshopping at namasyal lang kami ngayon kasi trip nya talaga ang pagshashopping.

Tinulungan ko sya sa pagbitbit ng mga paper bags kasi marami syang nabili. Well, wala naman akong nabili kasi sinamahan ko lang talaga sya hahahaha.

"Uuwi ka na agad?" tanong nya agad sa'kin pagkapasok namin sa unit nya. Binaba ko na yung mga paper bags at tumingin ako sa kanya, halatang napagod sya at inaantok na.

"Yes baby, gabi na kasi tsaka you need to rest na." sagot ko at ngumiti tapos nilapitan ko sya at hinalikan sa noo nya, kaya napangiti rin sya.

"Okay, ingat ka sa pagd-drive. I love you." Hinalikan nya ako sa pisngi dahilan para mapangiti ako ng abot tenga. Yun oh!

"I love you too." tugon ko tapos nagpaalam na ako sa kanya at umalis na 'ko. Gabi na kasi, ayoko sanang magpaabot pa ng gantong oras kaso ayaw pa naman umuwi kanina ni Weina kaya wala na akong nagawa.

Naka-uwi na kaya si Stephanie? Tss, sa bagay, ano bang pake ko dun.

Nagdrive na ako pauwi sa bahay, buti nalang di na gaanong traffic kasi pagod narin ako at gusto ko nang matulog.

Nang makarating ako sa bahay, bumusina ako para pagbuksan ako ng gate. Pero nagtaka ako kasi naka-tatlong busina na ako pero walang nagbubukas ng gate tsaka andilim at antahimik ng bahay. Teka, hindi pa ba umuuwi yung babaeng yun?

Naiinis akong bumaba nang sasakyan at sinusian ang gate at binuksan ang garahe tsaka ko ipinarada ang sasakyan ko. Pagpasok ko sa pintuan ng bahay, binuksan ko ang mga ilaw kasi wala ngang tao. Pasado 9 pm na pero wala pa si Stephanie? Babae tas may asawang tao, tss.

Napatingin ako sa puting asong lumapit sa'kin. Si Prince, aso nya. Kawawa naman 'to, gutom na siguro.

"Kawawa ka naman, asan na ba yung amo mo?" Yumuko ako at hinimas ang balahibo nya. Tsaka ko naisipang lagyan ng dog food yung kainan nya kasi mukhang gutom na nga.

Hinayaan ko lang munang kumain yung aso, umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Magbibihis na ako at matutulog, bahala na sya, may susi naman yung babaeng yun.

Umupo muna ako sa kama at nagtanggal ng sapatos. Maghuhubad na sana ako ng tshirt pero bigla akong napahinto at napatingin sa cellphone ko. Argh! Ewan ko ba, parang may naguudyok sa'kin na kunin yung cellphone ko at tawagan yung babaeng yun.

Di ko nalang pinansin pero ewan ko ba, parang may bumabagabag talaga sa'kin. Napapikit nalang ako sa inis sabay kinuha ko na yung cellphone ko. Aish! Bahala na nga.

Steph
Calling..

Tss! Asan ba yung babaeng yun? Ba't antagal sumagot?

Ibababa ko na sana pero eksakto, sumagot na sya.

"Gabing-gabi na, asan ka ba?" Naiinis kong tanong.

"H-Hello? L-Luhan?"

Nagtaka ako kasi ibang boses yung narinig ko. Babae rin pero sigurado akong di boses ni Stephanie.

"Hello? Sino 'to?"

"Ah, Luhan, si Taeyeon 'to. Buti napatawag ka." Ah, si Taeyeon lang pala. Kilala ko rin sya kasi kaibigan din sya nila Sehun at girlfriend ni Baekhyun. Magkasama siguro sila ni Steph.

"Kasama mo ba si Tiffany?"

"Oo, andito kami sa **** bar."

Napakunot agad yung noo ko dahil sa narinig ko. Bar? Anong ginagawa nila sa bar?

She's Hurt (LuFany FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon