Tiffany
Argh! Mababaliw na ako! Hindi ko alam kung ano ba talagang susuotin ko. Anong kulay ba magandang suotin? White? Red? Pink? Gosh!
6 pm na, kakatapos ko lang mag-makeup at kasalukuyan akong nababaliw sa pagpili ng susuotin kong dress. May iilang dress akong nilabas para pagpilian pero parang hindi ako makapili! Hindi ko alam kung ano bang tipo ni Luhan, baka mamaya hindi niya magustuhan yung mapili kong dress. Baka mamaya mapangitan siya-- pero sa bagay, kailan ba 'ko naging maganda sa paningin niya?
Napa-buntong hininga nalang ako at napaupo sa kama ko kung saan naka-latag ngayon yung mga dress na nilabas ko. Pipiliin ko nalang yung pinakamaganda sa paningin ko at yung simple pero elegante.
Kinuha ko yung black dress na walang strap at below the knee, ito nalang yung susuotin ko. Simpleng-simple lang siya at plain black lang, pero para sakin elegante yung dating kaya perfect na 'to.
Sinuot ko yun at pinaresan ng silver glittered pumps. Nagsuot rin ako ng hikaw pero yun lang at wala nang iba, di na ako nag-kwintas o kahit bracelet at tanging yung wedding ring lang ang suot ko sa daliri. Ayoko kasing magmukhang OA dun sa party mamaya.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Light makeup lang yung nilagay ko sa mukha ko, foundation lang tapos konting eyeshadow, mascara, kilay atsaka lipstick. Nakalugay lang din yung buhok kong kinulot ko kanina. I guess i'm ready.. Ewan, physically ready siguro, pero mentally and emotionally, parang hindi pa. Kinakabahan ako.
I heaved a deep sigh, bago ko kinuha yung clutch bag ko. Sinulyapan ko muna yung sarili ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko. Lumalakas lalo yung kabog ng dibdib ko bawat paghakbang ko pababa ng hagdan. Sigurado akong nasa baba na si Luhan kasi narinig ko siyang lumabas ng kwarto niya kani-kanina lang.
Naabutan ko siya sa sala at nakatalikod sakin. Lalo akong kinabahan. Gusto ko sanang tawagin ang pangalan niya kaso walang lumalabas na boses sa bibig ko.
"Tara na--" Napahinto siya sa pagsasalita nang lumingon siya. Para bang nagulat siya nang makita ako. Pero ako, gulat na gulat din at di ko mapigilang mapatitig sa kanya.
Dug dug dug dug. Naramdaman ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Expected ko naman na 'to, kasi parati namang gwapo si Luhan sa paningin ko pero pakiramdam ko parang gumwapo pa siya lalo ngayon. Hindi ko alam na may igagwapo pa pala siya. Bagay na bagay sa kanya yung suot niyang suit and tie at nakataas pa ang buhok niya. Sobrang gwapo, omg.
Bigla niyang iniwas ang tingin niya sa'kin kaya napaiwas din ako ng tingin. Nawala rin ang ngiti sa labi ko na hindi ko namalayan kanina. Sa sobrang tulala ko sa kanya, napangiti pala ako ng di ko man lang namamalayan. Nakakahiya.
"Tara na." aniya at nauna na siyang naglakad palabas ng pinto kaya sumunod nalang din ako sa kanya. Gaya naman ng nakasanayan ko na, wala siyang emosyon kung makipag-usap sakin.
Tahimik lang kaming pumasok sa sasakyan niya at tahimik parin kami sa loob ng sasakyan habang papalayo na sa bahay. Binaling ko lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Hindi naman gaanong matraffic at maaliwas ang kapaligiran sa labas.
Sa gitna ng biyahe, kahit na iniiwasan ko sana, hindi ko parin napigilang ibaling ang tingin ko kay Luhan at palihim ko siyang pinagmasdan habang nagmamaneho lang siya. Napangiti na naman ako, sa tuwing kasama ko siya, parang ang gaan ng pakiramdam ko at parang wala na akong hihilingin pa.
Napadako ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa manubela, specifically, sa daliri niya kung saan nakasuot yung wedding ring namin. Hindi ko alam pero parang biglang nawala lahat ng sakit sa puso ko at wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang kakaibang saya.
BINABASA MO ANG
She's Hurt (LuFany FF.)
FanfictionCan she manage to endure all the pain that he'll cause? Because unrequited love is never easy. do not plagiarize written by: tinkerbellu_