Chapter 4: Weakness

231 15 3
                                    

Tiffany



"Good morning, baby girl"


Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang pinaka gwapong nilalang na nakilala ko na nakangiti sa akin.


"Good morning." Ngumiti ako pabalik sa kanya.


"I brought you breakfast." Ibinaling ko ang tingin ko sa dala-dala niya. Wow, breakfast in bed!


"Wow, ikaw ba ang nagluto nyan?" tanong ko habang naka-upo na sa kama at nagkukusot ng mata.


"Uh-huh! Kaya, kahit hindi yan masarap, sabihin mo pa rin sakin na masarap ah?" Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Ang sweet-sweet niya talaga, nakakakilig.


"Ang sweet-sweet talaga ng asawa ko!" sabi ko at bigla naman siyang napangiti.


"Syempre dapat may kasamang kiss para mas sweet!" sabi naman niya tapos pumikit at ngumuso. Natawa nalang ako sa kanya.


Palapit na ang labi ko sa labi niya nang bigla akong magising. Panaginip lang pala. Sa bagay, ano pa nga bang inaasahan ko? Napaka-imposible namang maging totoo nun.


Bumangon na ako sa kama at naghilamos. Nagulat ako pagtingin ko sa salamin kasi namamaga yung mga mata ko. Bakit ka-- oo nga pala. Hays, naalala ko na naman tuloy yung narinig ko kagabi.


Tinapos ko na ang paghihilamos tapos nagsipilyo ako tsaka lumabas na ng banyo at bumaba. Cereals nalang muna ang aalmusalin ko tapos mag-grocery ako dahil nagrereklamo na si Luhan, hays.


Saglit na nagtama ang tingin namin pagbaba ko ng hagdan pero agad din akong umiwas. Nakatayo kasi sya sa may sala. Ang aga niya talaga parating magising.


"N-Nag-almusal ka na ba?" tanong ko sa kanya habang iniiwas ang tingin ko.


"Oo."


Matapos kong marinig ang sagot niya, hindi na ako nagsalita pa ulit at dumiretso na ako sa kusina. Kumuha ako ng cereals at nilagay sa bowl tapos syempre nilagyan ko ng gatas atsaka kinain ko na. Mukhang cereals din ang inalmusal ni Luhan kasi kakabukas palang nitong box ng cereals eh.


Wala akong ganang kausapin siya ngayon, kahit tingnan man lang. Wala rin akong ganang pagsilbihan siya ngayon at pagtiyagaan. Hindi naman dapat ganito, pero nasaktan lang talaga ako sa mga narinig ko. Sanay naman na ako sa masasakit niyang salita, pero iba lang talaga yung kagabi.


Pagtapos kong kumain, hinugasan ko agad yung pinagkainan ko at mabilis na umakyat papunta sa kwarto ko. Iniiwasan ko rin talaga si Luhan. Naligo na ako at nagbihis, tapos kumuha ng maliit na bag, cellphone at wallet lang naman ang laman.


Pagbaba ko, nagulat ako nang makitang nakabihis rin si Luhan. Mukhang may pupuntahan kasi bihis na bihis eh. Oo, gusto kong tanungin kung saan sya pupunta, pero hindi ako magtatanong. Wala pa akong gana.


"Maggo-grocery lang ako." walang emosyon kong sabi at nilagpasan sya tapos lumabas na ako ng bahay. Wow, hindi ko alam na kaya ko pala syang tratuhin ng malamig. Dala lang talaga siguro ng sakit, haha.


Nagsimula na akong maglakad. Maglalakad ako palabas ng village namin dahil andun pa ang mga sakayan. Syempre, magcocommute lang ako, wala naman akong sariling sasakyan eh.


She's Hurt (LuFany FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon