Chapter 2: Devotion

506 31 9
                                    

Tiffany



Nagmamadali akong tumakbo papunta sa gate at binuksan ito.


"Lu--" naputol ang dapat sanay pagbanggit ko sa pangalan ni Luhan dahil agad akong napa-poker face. "Anong ginagawa nyo dito?"


"Good Afternoon din Tinafay! Bumibisita lang. Di mo ba kami na-miss?"


"Na-miss? Tigilan mo 'ko, Kim Jongdae ah. Kakagaling nyo lang dito nung isang araw tapos tatanungin mo ko kung na-miss ko kayo? Oo, na-miss ko kayo! Grabe. Miss na miss ko talaga kayo!" sarcastic kong sagot. Paano? Ine-expect ko pa naman na si Luhan na, tapos ang makikita ko, labing-isang lalakeng halos araw-araw nalang nandito at makiki-kain. Oo, ang Exo. Exo na si Luhan nalang ang kulang, tsk tsk.


"Aw, na-touch ako, Tinafay. Na-miss ka rin namin." sagot ni Chen. Ang daldal talaga ng camel na to.


"Pwede bang tigilan mo na yang kakatawag mo sakin ng 'Tinafay'? Ang pangit pakinggan eh!" reklamo ko. Para kasing tanga.


"Ang cute kaya!" depensa nya pa. Inirapan ko nalang sya.


"Alam mo Tiffany, mainit dito sa labas. Nabibilad ang kagwapuhan namin.." pagpaparinig ni Baekhyun kaya umirap naman ako. Gumilid ako ng konti, para maka-daan sila. Mahirap na, baka madaganan pa ako ni Kris.


Nang maka-pasok na silang lahat sa loob ng bahay, sinara ko na ang gate. At aba, ang ganda ng naabutan ko pagka-pasok ko ng bahay! Sina Chen, Baekhyun at Chanyeol, naka-hilata sa sofa at binuksan pa ang tv. Sina Xiumin, Tao at Kai naman ay sa kusina ang diretso. Ubos nanaman puds namin nyan, tsk tsk. Si Kris naka-upo rin sa sofa habang naka-earphones, halatang nagsa-soundtrip, pano, sumasayaw-sayaw pa kasi na akala mo nasa dance floor. Si Lay, Suho at D.O naman tinitingnan yung photo album ko nung bata pa ako; pinapabayaan ko nalang silang tingnan yan, ginagawa naman nila yan tuwing andito sila eh, tapos pagtatawanan yung mag epic face ko. Astig no? Pero teka, asan si Sehun?


"Nasaan si Sehun?" tanong ko. Tumingin sakin saglit si D.O at nagkibit-balikat tapos tinuloy na yung pagv-view sa album. Galing, nice talking sila.


Nasaan na kaya si Sehun? Kasama naman nila yun kanina ah. Tsk tsk, yung batang yun talaga. Siguro nasa kwarto ko nanaman yun, porket bestfriend eh.


Paakyat na sana ako sa hagdan para tingnan kung nasa taas si Sehun, kaso nakita ko na syang pababa sa hagdan galing sa kwarto ko at buhat-buhat nya pa si Prince. Hay nako, iba talaga ang trip nitong lalakeng to.


"Hoy, ano nanamang trip mo? Nananahimik si Prince don sa taas eh." sabi ko habang naka-pamewang. Tiningnan nya ako saglit tapos ibinalik nya ang tingin nya kay Prince at hinimas-himas ang balahibo nito.


"Pagka-pasok ko sa kwarto mo naka-abang lang sya sa may pinto eh. Gustong lumabas, kawawa naman yung baby ko.." sabi nya. Ediwow.


"Psh. Baby ko kaya yan!" sabi ko sabay irap. Inirapan nya naman ako pabalik. Hays, iba nga talaga si Sehun.


"Asan pala si Luhan, Tiffany?" tanong ni Xiumin na galing sa kusina at may dalang baozi. Kasama nya narin sila Kai at Tao.


"Hindi ko nga alam eh. Sainyo ko nga sana itatanong eh. Di kasi sya nagsabi kung saan sya pupunta. Akala ko nagpunta sa inyo, pero hindi pala." sagot ko at napa-buntong hininga. Lagi naman kasing umaalis si Luhan nang di man lang nagsasabi kung saan sya pupunta. Di ba nya naiisip na nag-aalala ako sakanya?


"Panigurado nambabae yun!" sabat ni Chen. Binato sya ng throw pillow ni Baekhyun.


"Gago, wag ka ngang ganyan. Sinasaktan mo si Tiffany eh!" sabi ni Baek sakanya. Tumawa naman si Chen.


"Uy, joke lang yun Tinafay ah? Wag mong seseryosohin. Hahaha!" tumatawang sabi ni Chen. Nginitian ko nalang sila. Di ko maitatanggi, nasaktan nga ako. Bakit ba ngayon ko lang na-realize? Hindi naman kasi imposibleng may babae si Luhan. O kaya baka hanggang ngayon sila parin. hays.


"Lagot ka Jongdae-hyung! Tingnan mo si Fany oh.." sabi naman ni Tao.


"Hahaha. Ano ba naman kayo. Paghahandaan ko nalang kayo ng maka-kain. Anong gusto nyo?" pang-iiba ko ng topic. Baka kasi mamaya maiyak pa ako eh.


"Ayun! Akala ko hindi ka mag-aalok eh." natawa naman ako sa sinabi ni Chen.


"Wag na Tiffany. Wag ka nang mag-abala pa.." sabi naman ni D.O.


"Hoy, hoy! Anong wag mag-abala ka jan? Bisita tayo dito! Dapat nya tayong paka-inin." sabat naman ni Chen. Kahit kailan talaga tong Jongdae na to eh, ang kapal.


"Sandwich at juice? Okay na ba yun sainyo?" alok ko. Tumango-tango naman silang lahat except kay Chen.


"Ayoko nun. Gusto ko pizza, spaghetti, carbonara, lasagna, empanada, granada, chihuahua, caldereta, afritada, kare-kare, ferrari, lamborghini asdfsghwjek.." daldal ni Chen pero di ko nalang sya pinansin dahil di nanaman ata sya naka-inom ng gamot. Pumunta nalang ako sa kusina para handaan ng pagkain yung mga 'bisita' ko.


Kinuha ko yung mga ingredients, pero napa-sigaw ako sa gulat nung lumingon ako. Sumunod pala sakin si Sehun at dala-dala parin nya si Prince. Sinamaan ko sya ng tingin dahil nagulat talaga ako.


"Anong ginawa ko?" taka nyang tanong habang naka-tuon parin ang pansin kay Prince. Umupo sya sa upuan sa counter at nakipag-laro kay Prince. Napa-iling-iling nalang ako.


Sinimulan ko na ang paggawa ng mga sandwich-- ham and cheese. Napa-tigil ako nung marinig ko ang pagdadal ni Chen mula sa salas.


"...fishball, kwek-kwek, squidball, kikiam, strawberry jam, durian, suman, upuan, lamesa, planeta, abrelata, kutsarita, tinidorita, poorita asdfsdgjdkwdklk.." napa-iling-iling nalang ako.


Pagkatapos kong gumawa ng sandwich at magtimpla ng juice dinala na namin ni Sehun yun sa salas. Andami ngang naitulong ni Sehun sakin sa paghanda ng pagkain eh. Andami talaga. Buti nalang tinulungan nya ako sa pagbitbit dahil kung hindi, sasapakin ko talaga sya.


Nakipaglaro nalang ako kay Prince habang kumakain sila.


"Tiffany, bakit di ka kumakain?" tanong ni Suho kaya napatingin ako sakanya. Nginitian ko sya.


"Busog ako. Kain lang kayo jan.." sagot ko. Nag-aalala parin kasi ako kay Luhan. San kaya nagpunta yun?


Sabay-sabay kaming napa-tingin sa pinto nang bigla itong magbukas. Si Luhan..


"Oh.. Andito pala kayo" nginitian nya ang mga kaibigan nya pero halata sa boses nya na parang malungkot at pagod sya. San ba sya nanggaling?


"San ka nanggaling, Luhan?" hindi ko napigilang itanong. Tumingin sya sa'kin saglit pero agad rin nyang ibinalik sa mga kaibigan nya ang tingin nya.


"Akyat na 'ko.." sabi nya at naglakad na paakyat. Sa pangatlong hakbang nya sa hagdan ay nagsalita si Tao.


"Hyung, ba't di mo man lang sinagot yung tanong sayo ni Tiffany?"


Lumingon si Luhan sa'kin. "May pinuntahan lang akong importante." walang emosyon nyang sabi at mabilis na umakyat at pumunta sa kwarto nya. Hays.


"Okay ka lang ba Tiffany?" tanong ni Lay. Nginitian ko sya.


"Sanay na ako jan kay Luhan.."


"Ganun mo talaga sya kamahal no?" napa-tingin naman ako kay Xiumin.


"Oo naman... sobra"






------------------

author's note:

ngayon lang nakapag-ud huehue. medyo maigsi tong chapie na to, and i know ang lame T . T

~tinkerbellu_

She's Hurt (LuFany FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon