"Now what?! Tititigan mo na lang ba ako?"
Nabalik ako sa katinuan ko at pinaningkitan ko sya ng mata.
"Excuse me, bingi ka ba?"
At biglang kumunot ang noo ko. Sya pa may ganang sabihan ako ng bingi!"Excuse me din, pero hindi ako bingi. Tsaka isa pa pakihinaan mo kaya yang music sa loob ng kotse mo." Totoo naman eh. Ang lakas-lakas nya mag patugtug tapos sasabihin nyang bingi ako. Ako pa bingi ngayon ha.
"Why not? Besides it is my own car. I can do whatever I want! You bitch."
"Hoy Mr. Antipatiko, sumusobra ka na ha! Ikaw na nga itong may kasalanan ikaw pa yung mayabang."
"Kilala mo ba kung sino ngayon ang kinakausap mo?"
"Hindi. At wala akong pakealam!"
Nako! Nakakaimbyerna! Makaalis na nga. Yabang-yabang akala mo kung sino. Pwe!
Nagsimula na akong maglakad at tinalikuran ko na yung antipatiko na yon. Wala akong mapapala sa kanya.
"Hey bitch! You'll pay for this!"
Nye! nye! nye! Ang sungit akala mo naman kung sino. Bakit sino ba sya ha?! Antipatiko! Naka kotse lang sya kaya wag syang mayabang.
Bagay pa naman sa kanya yung music na narinig ko kanina. Paano ba naman ang lakas nga nung music nya sa kotse nya parang kahit nakasarado yung bintana ng kotse nya rinig pa rin yung music nya hanggang labas eh.
Inaamin ko, gwapo yung lalake, ang lakas nga ng impact nya eh lalo na nung binababa nya yung bintana ng kotse nya kasabay ng maangas na music na pinapatugtug nya.. parang nag slowmo. Kaso dahil sa ugali nya BINABAWI KO NA LAHAT NG MGA SINABI KO!
Minsan na nga lang ako magwapuhan, sa isang arogante at antipatiko pa, kung hindi naman, sa isang bakla pa. Jusko! Umiinit ang dugo ko pag naaalala ko yung nangyare kanina sa Heaven night club. Wag kang papakita sakin Seff. Hayup ka!
Idagdag pa yung siraulong bigla-bigla na lang bumusina sa harapan ko, akala mo naman sa kanya yung daan. Bwiset!
********
Pagkauwi ko sa bahay nadatnan ko ang mga kapatid ko na hindi pa natutulog. Anong oras na ah.. "Rachel bat hindi pa kayo natutulog?"
"Eh ate hindi kami makatulog, hindi pa kasi kami kumakain."
"Ha? Anong oras na ah, bakit hindi pa kayo kumakain? Nasaan ba si mama?"
"Di ba ate magkasama kayo kanina ni mama?"
Oo nga naman. Pero naiwan na sya sa may Mariposa nung hinayaan nya ako na sumama kay Seff. Saan naman kaya nagpunta yun?
"Pasensya na Rachel, wala pa talaga akong pera eh, hayaan nyo bukas, pag nag simula na ako sa trabaho may pangkain na tayo."
Tinanguan lang ako ni Rachel. Ano pa nga bang ibang magagawa ko. Gustuhin ko man na hindi na ituloy yung pagtatrabaho ko sa club na yon, kaso kapag ginawa ko iyon, baka mamamatay ang mga kapatid ko sa gutom. Hindi ko na alam ang gagawin ko. T_T
Kinabukasan...
"Ano Sasha? Natanggap ka ba?" Napatingin ako kay mama, ilang sandali akong natigilan.
BINABASA MO ANG
Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOING
RomanceWARNING:(SPG) Itong story na ginawa ko ay para lamang sa mga open minded. Kung hindi ka ganon exit mo na lang:) READ AT YOUR OWN RISK. Jasper Caleb Buenavista Sex is the opposite of laugh. Because laugh is HAHAHA and sex is AH! AH! AH...