Lust: 14

127 8 2
                                    

Athena Sasha's Pov

Hindi ko mapigilan magtatalon sa tuwa, matapos ng pag-uusap namin ni Madam sinabi nya sakin na hindi ko na daw kailangan mag perform bilang si Dark Angel dahil opening ko lang naman daw yun para sa pagbubukas ng Club na ito😊


Para naman akong nabunutan ng tinik sa katawan nung sinabi nya iyon. Hooo! Meaning... hindi ko na gagawin ang ginawa ko noon na sumayaw sa harap ng mga lalaki, habang naka suot ng lingerie at naka mask. At binigyan pa ako ng panibagong trabaho ni madam sa club na ito. Waitress na ako ngayon. Mas Ok na rin yun. Atleast doon sa trabahong iyon kumportable ako at hindi ko na kailangan gawin ang bagay na ginawa ko noon.


Kaya nga lang hindi pa rin ako naka iwas sa susuotin ko. Pang sexy pa rin yung uniform ng mga waitress pero ayos lang. Feeling ko nga mas lalong lumitaw ang ka sexy-han ko eh😂✌ haha!


Nag seserve ako ngayon sa mga costumer at hindi ko maiwasan mailang dahil sa malalagkit nilang tingin sa akin. Para bang hinuhubaran na nila ako sa mga tingin nila. Eh kung pinagdudukot ko kaya ang mga mata nila!


Hays.😧 sabagay. Sa club nga pala ako nagtatrabaho. Kaya hindi maiiwasan ang ganitong sitwasyon kahit na sabihin nyo pang isang high class itong club na ito. Hindi ka pa rin makakaiwas sa mga mata ng manyak😑




"Hey, miss!"






Napatingin ako bigla sa tumawag. At may nakita akong lalaki na nakataas ang kamay na para bang sumesenyas na lumapit doon. Napakunot naman ang noo ko dahil sa gawi ko sya nakatingin. Napatingin ako sa paligid ko, ako lang naman ang tao dito. Nasa may gilid lang kasi ako dahil wala pa masyadong umo-order, tsaka marami-rami din naman kaming waitress dito.



"Hoy! Bakekang."






"Ay bakekang!"


Jusme naman itong si Seff, bigla bigla na lang lumilitaw! Parang kabute😑 aatakihin ako nito sa puso eh. Pero wala naman akong sakit sa puso. Echos lang!😂

"Ano na naman ginagawa mo dyan sa sulok? Ayun oh baka may oorder."

Napatingin naman ako dun sa tinuro ni Seff at nakita ko yung lalaking tumawag kanina. Nagpaalam na ako kay Seff at umalis pero bago ang lahat.



"Sa susunod wag kang bigla bigla na lang susulpot Seff ha, para kang kabute eh."




"Si bakekang ka naman." Hahampasin ko na sana ng hawak kong papel at ballpen si Seff pero may isa din lumitaw mula sa likuran nya.




"Ehem. Baka makabuo kayo nyan." Kaibigan pala ni Seff. Si Chris. Magkaibigan nga sila. Parehong basta basta na lang lumilitaw😂

Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon