Lust: 3

210 10 1
                                    

*chapter 3*

Athena Sasha's Pov


Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng dumukot sa akin patuloy pa rin sya sa paghila sa akin. Hindi na ako pumalag dahil sa sobrang pagod na rin. Pero pag ako talaga nakawala sa kanya... kahit wala na akong lakas sasapakin ko sya!

Pumasok kami sa may isang shop pero hawak-hawak nya pa rin ako at nkatakip ang kamay nya sa bibig ko. Pagpasok namin sa may entrance napatingin ako sa guard.

"Kuya guard tulungan mo ako dinukot ako nitong taong to!"

Napatingin naman si manong guard dun sa lalaking dumukot sa akin. At nakita kong tinanguan lang ni manong guard yung lalaaking dumukot sa akin.

"Seryoso! Di kaya magkasabwat sila? A-anong gagawin nila sa akin?"

Nang makapasok na kami sa loob tinanggal na nya yung kamay nya sa bibig ko.

At sumalubong agad sa ilong ko ang amoy ng kape. Biglang nagrambulan ang mga alaga ko sa tyan. Napatingin ako sa mga tao sa coffee shop. Tuluyan ng kumulo ang tyan ko ng makita ang mga kinakain nila. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganoon pagkain at mukang mahal pero masasarap. Napalunok na lang ako ng laway.

Sa sobrang lutang ng tyan ko hindi ko na namammalayan papasok na kami ng room.

*For VIP only*

Yung ang nakita kong nakasabit sa may pinto.

Bago pa ako makaangal ay naitulak na nya ako papasok ng room at agad na isinara ang pinto sa may likod nito.

A-anong gagawin nya sa akin? Hindi di kaya... No! Hindi! Hindi ako papayag na may gawin syang masama sa akin. Lalabanan ko sya!


"Bakit mo ako kinala---!"

Napatigil ako ng humarap sya sa akin at nakita ko ang muka nya.

"ba-bakit ang gwapo nya?"

Napailing ako sa naisip ko. Kailan pa naging malandi ang utak ko?

Nangmakabawi ako ay tumingin ako sa kanya at tiningnan ng masama.

"Bakit mo ako kinaladkad dito huh?! Anong gagawin mo sa akin?"

Sa halip na sagutin nya ako ay tiningnan nya lang ako na parang inosente at nilagpasan ako. Ang sarap sapakin nitong lalaking to ah! Matapos mo akong dalhin dito hindi mo ako kakausapin?!

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo huh?!"

Nakatalikod sya sa akin habang naglalakad papunta sa may ref.
Nagulat ako at nanigas nang mapansin kong unti-unti nyang hinuhubad yung t-shirt na suot nya kanina.

Putspa! Anong ginagawa nya?! Nababaliw na ang lalaking to?!

Napababa ang tingin ko at napako ang tingin ko sa 'sexy' nyang likod...wait! Anong sinabi ko? Sexy?

Erase! Erase! Wala akong sinabing sexy! Wala..wala!

Kumuha sya ng tubig sa may ref. at humarap sa akin habang iniinom ang tubig na kinuha nya. Ngayon nakita ko naman ang chest nya. At jusko! Yung abs! Kumikinang-kinang. Ewan ko ba kung ako lang to o ano!

Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon