Lust: 16

106 7 2
                                    

Athena Sasha's Pov

Nagseserve ako ngayon ng order sa may table 4 ng may biglang tumawag sakin.

"Hoy Dark Angel tawag ka ni Madam!"

Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko malapit sa may likuran ko si Tiffany. Isa sya sa mga katrabaho ko dito. Waitress din sya kagaya ko.

Napatingin naman ako sa kanaya at Binigyan ko sya ng makahulugang tingin, pero mukang hindi nya ata na gets dahil inirapan nya lang ako.

Maya-maya ay ibinalik ko rin ang tingin ko sa costumer na nasa harapan ko.

"Ahh y-yan lang po ba yung order nyo sir?"

Medyo kinabahan ako dahil sa kakaibang tingin nung lalaki sakin nung tinawag ako ni Tiffany.

Gusto ko na agad maka alis doon kaya naman hindi ko na hinayaan na magsalita pa yung costumer at dali-dali na akong umalis sa kinaroroonan ko ngayon.

Naramdaman ko naman na parang may sumusunod sa akin kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad papuntang counter pero may biglang humawak sa kamay ko. At pagharap ko kung sino iyon..

"Tiffany! Nakakagulat ka naman."

Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman na si Tiffany lang pala yung humila sakin.

"Sa susunod Tiffany wag mo na ulit akong tatawagin na Dark Angel kasi tapos na yung role ko dun."

"Bakit? Natatakot ka ba na malaman ng iba kung sino ka talaga?"

Natigilan ako saglit dahil sa sinabi ni Tiffany. Siguro nga tama sya, hanggang ngayon natatakot pa rin ako na may maka alam na iba na ako talaga si Dark Angel. Dahil walang sino man ang nakaka alam ang tungkol sa akin bilang si Dark Angel maliban na lang kina Seff, Chris at sa mga nagtatrabaho dito. Walang ibang costumer ang nakakaalam kung sino ba talaga si Dark Angel, dahil mas pinili ko na itago yung totoong pagkatao ko dahil hanggang ngayon natatakot ako sa pwedeng sabihin ng ibang tao tungkol sakin. Mas mabuti na yung palaisipan sa mga ibang tao kung sino ba talaga si Dark Angel, kung sino ba talaga ang nakatago sa likod ng mask na suot ko.

"Ano? Bakit bigla ka atang natahimik Dark Angel."

Mas diniinan nya pa yung pag tawag nya sakin ng Dark Angel, nakita kong ngumisi lang si Tiffany.

"Hindi ba sinabi na ni Madam ang tungkol dito. Tiffany please lang... hindi Dark Angel ang pangalan ko, Sasha..yun ang itawag mo sakin."

Tiningnan nya ako ng masama. "Sino ka para utusan ako kung ano ang dapat kong gawin?"

"Nasa trabaho tayo Tiffany kaya please lang ayoko ng gulo."

Alam ko kung saan na naman mapupunta itong usapan namin. Alam kong matagal ng may galit sa akin si Tiffany, ewan ko ba! Simula nung nag umpisa na akong magtrabaho dito, nung opening bilang Dark Angel doon na nag simulang kumulo ang dugo nya sakin.

Isang beses ko pa nga syang tinanong kung may nagawa ba ako pero wala naman akong nakuhang sagot kundi irap lang. Sabi naman ni Seff naiinggit lang daw sakin. Hello?! Ano naman ang dapat nyang ika-inggit sakin?

Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon