Lust: 2

312 10 3
                                    

*chapter 2*

Athena Sasha's Pov

"Hoy! Sasha! Gumising ka na! Lintek tanghali na!"

Napabalikwas ako sa kamang hinihigaan ko ngayon nang biglang kalampugin ni mama yung pinto ng kwarto ko. Dali-dali akong tumayo at binuksan agad yung pintuan at bumungad sakin ang muka ni mama na ngayon ay galit na galit.

"Mama ba-bakit po?"

"Anong bakit? Tanghali na Sasha! Mataas na sikat ng araw nakahilata ka pa rin! Wala ka na ngang ginagawa dito! Dagdag palamunin ka pang hinayupak ka!" Napangiwi na lang ako sa sobrang lakas ng sigaw ni mama. Pakiramdam ko ay sasabog ang tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw nya.

"Hala Sige! magbihis ka! maghanap ka ng mapagkakakitaan. Wala akong raket ngayon! Kaya ikaw naman ang maghanap ng side-line tutal wala ka naman ginagawa eh."

HINDI PWEDE !

Gusto ko sanang isigaw yan kaso baka tamaan ako mamaya nyan sapakin pa ako ni mama pag sinigawan ko sya.

"Pero mama mag-eenroll po ak--- aray!"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng bigla na lang pitikin ni mama yung bibig ko. Ang sakit!

"Mag-aaral ka? Hindi pwede! Wala kang mapapala dyan sa eskwelahan na yan! Tingin mo ba pag nag aral ka matutustusan nyan ang pangangailangan natin? Hindi! Dagdag pa yan sa gastusin dito sa bahay."

"Pero ma..kaya nga po---"

"Magtigil ka nga Sasha! Ayaw mo lang tumulong dito sa bahay eh! Kaya gusto mong mag-aral para takasan ang responsibilidad dito sa bahay!"
Galit na sabi ni mama sa akin.

"Mama hindi po sa ganun----"

"Tumigil ka Sasha! Mama mo ako kaya ako ang susundin mo!"

Yun na nga eh..mama kita kaya dapat pipiliin mo yung mas makakabuti sakin at susuportahan mo ako sa isang bagay na gusto ko.

Gusto ko sana yang sabihin pero hindi ko masabi. Ayoko ko nang dagdagan pa ang galit sa akin ni mama.

Hindi na naman ako pinatapos ni mama sa sasabihin ko. Kahit naman anong gawin ko hindi ako magtatagumpay sa gusto kong gawin. Gaya nga nang sabi nya..mama ko sya at dapat sundin ko sya.

Pero gusto ko rin makapag-aral, gusto kong makatapos para matupad ang mga pangarap ko. Para sa kanila rin naman iyon eh. Para matulungan si Mama. Pero paano ko magagawa iyon kung mismo sya..ang sarili kong mama ay tutol sa gusto ko.

***
Nag-ayos na ako.. gaya ng sabi ni mama kailangan kong humanap ng mapagkakakitaan. Walang raket ngayon si mama at ibigsabihin nun...wala kaming makakain mamayang gabi.

Pagkatapos ay pumunta ako nang kusina para kumain kahit kaunti. Kakailanganin ko ng lakas para maghanap ng mapagkakakitaan . Mahirap na pag walang laman ang tyan.

Nakita ko si Rachel, Sabelle, Anne ang mga kapatid ko at si mama na kumakain... pagkatapos ay dumeretso ako malapit sa may lababo para kumuha ng plato,baso at kutsara.

Uupo na sana ako sa tabi ni Rachel ng biglang nagsalita si mama.

"Anong ginagawa mo?"

Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon