Lust: 9

132 9 0
                                    

Athena Sasha's Pov


"A-Aray! Mama, masakit!" Nakahawak ako sa buhok kung saan hila-hila ni mama. Napapapikit na lang ako sa sobrang sakit.

"Masakit?! Ha! Eh yung ginagawa mo kay Marvin, masarap ba?! Ha!"

Pakiramdam ko parang mabubunot lahat ng buhok ko sa anit, sa sobrang pagkasabunot sa akin ni mama.

"Wala akong ginagawang masama! Bakit hindi nyo tanungin yang magaling nyong BOYFRIEND!"

"Hindi totoo yan mahal, nakita mo naman di ba? Sya yung nasa ibabaw ko. Ayaw nya nga akong paalisin sa kwarto nya eh." Narinig kong sabi ni Marvin, habang pinapanood lang kaming dalawa ni mama.

Nagpantig bigla ang tenga ko dahil sa sinabi nya. Kaya naman nung nakawala ako sa pagkakasabunot ni mama lumapit ako sa kanya at pinagsasampal sya.

"Eh gago ka pala eh! Ikaw ang rapist! Bigla ka na lang pumasok sa kwarto ko! Tapos ako pa ngayon ang may kasalanan. Kasalanan ko pa ngayon kung tigang kang hayop ka! Pati mama ko niloloko mo! Manyak ka! Hayop ka!"

Agad naman akong iniharap ni mama sa kanya at sinampal ng malakas. Doon ako natigilan. Nakatitig lang ako kay mama, habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

"Kaya naman pala kinausap mo ako tungkol kay Marvin, yun naman pala eh! Gusto mong masolo!"

"Hindi totoo yan."

Sabi ko habang nakatingin ng deretso sa mata ni mama. Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko dahil sa malakas na pagsampal ni mama sa akin.

"Gusto mo naman palang maikama si Marvin, bakit? Wala bang ibang kakamot dyan sa kati mo."  Napayuko lang ako. Pinipigilan ang paghikbi. Tinutulak-tulak ako ni mama habang dinuduro. Pero hinayaan ko lang iyon. Mama ko sya, at may respeto ako sa kanya. Pero sana naman wag nyang ubusin.

" at pati ako, sarili mong magulang inaagawan mo? Ha! Katulad ka talaga ng----"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sawang-sawa na ako! Mama ko sya at nirerespeto ko sya, pero sana naman respetuhin nya rin ako. Anak nya rin naman ako.

"Ganyan mo na  ba pinagkakatiwalaan ang lalaking yan?! Ganyan mo ba kamahal yang lalaking yan kesa sakin?! Kesa sa sarili mong mga anak! Mama hindi mo ba naiisip na anak mo din ako! At kailangan ako ang paniwalaan mo kesa sa ibang tao! kesa sa lalaking ito!"

Wala na akong pakealam kung nasisigawan ko na si mama, kailangan ko din ipagtanggol ang sarili ko, lalo na kung alam kong wala naman akong ginagawang masama.

Kung hindi nya ako kayang ipagtanggol bilang anak nya, pwes ako, lalaban ako.

Hindi naman pwedeng lagi na lang ganito. Palagi na lang ako yung may mali! Nagawa nya pang kampihan ang lalaking halos gahasain na ako, kesa sa sarili nyang anak. Anong klase syang ina!

Hindi ko na pwedeng palampasin ito. Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang ako yung sinasaktan ni mama.

"Talaga bang mahirap para sayo na paniwalaan ako mama? Ma, kahit minsan naman maniwala ka sakin. Na yang boyfriend mo, na halos kasing edad ko lang ay halos gahasain na ako! Ano bang mahirap paniwalaan doon?! Rapist yang Marvin na yan!"

Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon