Lust: 19

88 4 6
                                    

WARNING: Mahaba po itong chapter 19 dahil siningit ko po yung about sa father ni JC. At may BS din kaya *wang! wang!* alert tayo ngayon😂 so yeah! Enjoy Reading!!😄 btw uunahan ko na kayo, hindi ako magaling mag english kaya sorry sa grammar pati sa typo.







Zac's Pov,

"What the fvck?! Are you seriously going to put me in jail?!"

Nandito kami ngayon sa police Station. Isinama kami ng mga police dahil kay JC. Paano ba naman sinapak nya lang naman ang isa sa mga pulis kanina. Yan tuloy nagreklamo yung pulis, at ikukulong kami ngayon.

Hays. Ano bang pwede kong gawin kay JC para lang tumigil sya sa pagwawala nya? Ang sarap nyang isilid sa sako tapos ibitin ng patiwarik sa mga pinag-gagagawa nya, baka mas lalo pang lumala yung kaso dahil sa ginagawa nya eh.

Kanina pa nagwawala. Ayaw nya daw pumasok sa kulungan eh sya rin naman may kasalanan. Kung hindi nya sinapak yung pulis na pumigil sa kanya edi sana wala kami dito ngayon.

"JC..pwede huminahon ka? Wala naman tayong magagawa eh."

"Huminahon?! Sige nga Ken, how am I supposed to calm down eh gusto nga tayong ikulong ng mga gagong to! Huh!" Sigaw ni JC kay Ken nang magsalita ito.

"Sir magdahan-dahan kayo sa pananalita nyo."

Napatingin naman si JC sa isang pulis ng magsalita ito.

"Baka lalong bumigat ang kaso nyo."

Kahit naman anong sabihin nila kay JC mukang hindi rin uubra. You know, mahirap makipag usap sa isang isip bata at walang ibang pinapakinggan kundi ang sarili nya lang.

Tsaka iisa lang lagi ang pinapa-iral ng Buenavistang yan. Ang "talk to my fist" nyang ginagawa.

"Bakit ka ba nagagalit? After all... this is all your fault. Kung hindi ka nagpadala dyan sa galit mo at hindi ka nanuntok ng isa sa mga pulis eh di sana wala tayo dito ngayon." Bigla naman nagsalita si Niko na kanina pa tahimik kagaya ko. Minsan lang yan magseryoso si Niko pagdating sa mga bagay-bagay, knowing Niko...isang malupit na babaero.

Tuluyan na kaming naipasok sa kulungan. Habang si JC tuloy pa rin sa pagwawala. Halos ilang pulis din ang nagtulong-tulong para lang maipasok yang si JC. Sya pa may ganang magalit ngayon at ayaw makulong eh sya naman itong may kasalanan. Sabit lang kami dito.

"So it is about me now? Ako ang sinisisi nyo sa nangyare ngayon." Sabi ni JC habang nakatingin sa amin ng masama.

"Eh kayo? Kung hindi kayo nangealam kanina edi sana naligtas ko pa si Dark Angel!" Sigaw ni JC sa aming tatlo.

Habang ako... hindi pa rin ako nagsasalita. Ayoko ng makigulo pa sa kanila. Ang ingay na nga ni JC tapos dadagdag pa ako. Bahala sila dyan mag sigawan, wala naman kaming magagawa na eh. Besides..alam ko naman na hindi kami magtatagal dito sa kulungan. Nagtataka nga ako kung bakit kami ikinulong.

Ang Daddy ni JC ang isa sa mga maimpluwensyang tao dito. At alam ko na kilala naman ng mga pulis si JC dahil na rin sa Buenavista sya.

"Wag mo sabihing galit ka pa rin samin dahil niligtas ka namin?"

"I don't need your fvcking help!" Sigaw ni JC kay Ken.

Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon