Athena Sasha's Pov
Nagising ako dahil may naramdaman akong parang dumampi sa may gilid ng labi ko.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko para tingnan kung ano iyon, ngunit huli na. Nakarinig pa ako ng biglang pagsarado ng pinto.
Nang tuluyan ko ng naimulat ang mata ko.
Tumambad sa akin ang puting kisame. At alam kong wala ako sa bahay namin ngayon. Dahil ramdam ko ang malambot na kama na hinihigaan ko, at wala kaming ganito sa bahay.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Kung titingnan itong mabuti napaka-manly ng dating. Dahil black and white lang ang kulay ng loob nito.
At doon lang ako natauhan. Wala nga ako sa bahay namin. Pero nasaan ako? Hindi ko naman bahay ito at mas lalong hindi ko ito kwarto.
Halos wala na akong natandaan na nangyari kagabi. Ang alam ko lang pinalayas ako ni mama.
Naglalakad ako papuntang Heaven Night Club.
Biglang umulan.
Tapos...
Tama! Yung lalaki. Hindi kaya... No! Hindi pwede! Ayoko! Hindi kaya binaboy nya ko ... pinagsamantalahan. Ayoko! Hindi maaari!
Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko kaya dahil nanlalambot at medyo masakit ang katawan ko. Dahil na rin siguro sa nangyari samin ni mama kaya masakit ang katawan ko.
Pero bakit hindi naman masakit yung ano ko... di ba dapat kapag inano masakit yung ano..
"Don't force your self, humiga ka muna dyan at magpahinga."
Natigilan ako sa pagiisip ng biglang may nagsalita.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Papalapit sya sa akin habang may dala-dalang tray at wagas kung makangiti.
Agad ko naman hinapit yung kumot at tinakip sa katawan ko. Tiningnan naman nya ako na nakakunot ang noo.
"A--Anong ginawa mo sakin?" Hindi ko maiwasang hindi mautal. Yakap ko pa rin ang sarili ko habang nakatingin sa kanya. Punong-puno ng kaba at the same time galit ang dibdib ko dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko ng titigan ko sya at may naalala ako.
"Teka, Ikaw yung---Ikaw nga! Si Mr. Coffee shop."
Agad naman sumilay ang ngiti sa labi nya dahil sa sinabi ko. "Exactly. Now you remember me."

BINABASA MO ANG
Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOING
RomanceWARNING:(SPG) Itong story na ginawa ko ay para lamang sa mga open minded. Kung hindi ka ganon exit mo na lang:) READ AT YOUR OWN RISK. Jasper Caleb Buenavista Sex is the opposite of laugh. Because laugh is HAHAHA and sex is AH! AH! AH...