Lust: 6

145 8 2
                                    

Athena Sasha's Pov


Matapang na amoy ng alak. Malakas na tugtugan. Madilim at maraming tao. Nakabibinging sigawan ng mga tao. Lahat ay nagsasaya at maraming sumasayaw sa gitna. At pinagbabangga pa ang katawan nila habang sumasayaw.

Yan ang maiilarawan ko kung nasaan ako ngayon. Sa isang bar na sinasabing pag mamay-ari ng isang kilalang tao.

"Sasha! Bakit ka ba nandyan sa isang sulok? Halika nga dito."

Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni seff. Tumayo ako at dahan-dahan lumapit sa kanya.

"Bakit ka ba nandon sa isang sulok? Alam mo para kang pulubi don. Sa ganda mong yan? Hindi dapat isinasantabi yan. Dapat ibinabalandra yan!"

"Seff.. ano kasi eh..--ahm k-kinakabahan ako."

"Nako wag kang kabahan girl, keri mo yan, kung ganyan ba naman ang beauty, hindi dapat kabahan! Tsaka di ba sabi ko sayo si Steffy ako, wag mo nga akong tawaging Seff. Eww!"

Napatawa na lang ako. Sayang to si Seff. Gwapo pa naman sana kaya lang.. hindi daw kami talo. Nung una ko syang nakita nagwapuhan agad ako sa kanya pero nung bigla syang nagsalita. Biglang naglaho yung word na kagwapuhan sa isip ko. Hindi daw bagay sa kanya ang salitang gwapo.

Medyo nawala yung kaba sa dibdib ko na kanina pa nagwawala. Buti na lang andyan si Seff. Sya ang tumulong sakin para makapasok dito. Hindi kasi ito isang bar na basta-basta na lang, yun ang sabi ni Seff.

"Seff sigurado ka ba dito?"

"Oo naman no! Kesa naman dun ka magtrabaho sa sinasabi ng nanay mong mahadera!"

*Flashback*
 


    Wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang sa harapan ni mama, habang tinatakpan ko ang sarili ko ng mga kamay ko dahil punit punit ang mga damit ko.

Kasalan ko to, kung hindi lang ako nalibang at nakapaghanap ng trabaho hindi sana ako magkakaganito, hindi sana magagalit saken si mama.

"Anong pinagmamalaki mo ha? Yang gusto mong  makapag aral?! Ha?!"

"Eh wala ka ngang pera eh!"

Sinubukan ko naman eh. Sinubukan kong makahanap ng trabaho kaya lang minalas ako. Hindi ko naman ginusto yun. Syempre gusto ko rin makatulong.

"Hindi ka na nga makatulong! Dagdag palamunin ka pa!"

"Mama.. hindi naman po sa ganon." Pilit kong pinupunasan ang pisngi ko na kanina pa basa ng luha ko.

Ilang sandali akong tinitigan ni mama na para bang sinusuri ako. "Gusto mo talagang makatulong?" Tumango lang ako bilang sagot.

Biglang lumapit sa akin si mama. Inalis nya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa muka ko. Medyo natigilan ako dahil sa ginawa ni mama.

"Tamang-tama bukas sumama ka sakin sa Mariposa."

"Ma-Mariposa?" Naguguluhan kong tanong kay mama.

Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon