Lust: 18

171 9 6
                                    

James' Pov

Pagkatapos umalis ni JC agad kong pinakuha sa isang katulong ang susi ng kotse sa kwarto ko.

"Mang Ben paki handa ng kotse susundan ko si JC."

Agad naman sinunod ni Mang Ben ang utos ko. Wala pang ilang minuto ay naka labas na ang kotse ko mula sa garahe.


Kailangan kong sundan si JC para matigil na yung pinag gagagawa nya sa buhay nya. Hindi ko na kilala ang dating Jasper Caleb na 'anak' ko. Hindi ko na alam kung paano ko sya papatinuin.

Masyado nyang dinamdam ang nangyari noon. Well hindi ko naman sya masisisi. May kasalanan din ako. Kasalanan ko kung bakit nagkakaganito ngayon ang anak ko. Pero hindi ko rin naman ginusto iyon. Sino bang magulang ang gugustuhin na makita nilang napapariwara ang buhay ng mga anak nila. Nasasaktan din ako sa tuwing nakikta ko si JC, yung mga ginagawa nya sa buhay nya.



Pumasok ako sa kotse at pinag drive ako ni Mang Ben. Isa lang naman ang club na nabanggit ng isa sa mga kaibigan nya na pinupuntahan daw ni JC. Ang Heaven's night Club. Sinabi ko kay mang Ben kung saan at hinintay ko na lang na makarating kami doon.

*beeeeeeeep!*

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng biglang bumusina ng malakas si Mang Ben.

Muntik na akong mapasubsub sa may unahan ng kotse ko sa sobrang lakas ng pag preno ni Mang Ben.

"Mang Ben ano yun?" Napatingin ako sa may bintana sa harap ng kotse ko.

"Bigla na lang po may tumawid na babae sa may kalsada Sir." Agad naman akong bumababa para tingnan iyon.

At gulat ko na lang nang makita kong may nakahandusay na babae sa may sahig. Masyado akong nataranta kaya naman Agad ko iyong nilapitan at binuhat papasok ng kotse.

"Ako na mag mamaneho Mang Ben. We need to bring her in the hospital." Dali-dali ko syang hiniga sa may backseat ng sasakyan ko at mabilis na sumakay ng kotse papuntang hospital.

Seff's Pov

"Boss! may nakita po ba kayong babae sa loob?"


"Sorry Sir pero hindi pa namin natitingnan lahat. Pakihintay na lang po ang result." Sabi sakin ng isang pulis. Mariin akong napamura. Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

Nasaan ka na ba Sasha? Ugh! Tangna! Sino ba kasing may kagagawan nito?!


Wala akong nagawa kundi ang sundan lang ng tingin ang mga pulis na ngayon ay nandito sa Heaven's Night Club para imbestigahan ang nangyare kanina.

Nandito lang ako sa labas. Hinihintay si Sasha. Simula nung may sumabog sa heaven's mabilis na kumalat yung usok. Mabilis yung pangyayari. Basta ang alam ko lang nawawala na si Sasha.

"Bro ano..nakita mo na si Sasha?" Dahan-dahan akong tumingin kay Chris na kanina pa rin naghahanap kay Sasha. Umiling lang ako bilang sagot.

Lahat naman ng mga katrabaho ko nandito na sa labas. Ligtas naman silang lahat, pati mga costumer. At nakasisiguro akong Si Sasha na lang talaga ang wala kanina pa. Matapos nung nangyare sa loob syempre priority pa rin naman ang mga costumer ng club kaya naman isa-isa rin namin silang chineck kung ok lang at kung may nawawala ba, at naging ok naman yun dahil wala naman isa sa kanila ang nasaktan.

Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon