Lust: 10

118 6 0
                                    

Happy 300+ reads😂😂 ang saya ko! Salamat readers, kahit na sobrang bagal ko mag update may nagbabasa pa rin nitong story ko😁 So ayun thank you ulit😍 love you guys! *hugs and kisses*😘



Seff's Pov

"Asan na ba yun? Kanina pa dapat nandito yun eh."



Andito ako ngayon sa may labas ng Heaven Night Club at kasalukuyan kong kinakausap ang sarili ko dahil trip ko lang. Hehehe! Joke lang, hinihintay ko ngayon si Sasha.


Ang tagal kasi ni Sasha eh, kanina pa ako naghihintay dito sa may labas tapos kanina pa rin sya wala, kinukulit na rin ako ni Madam kung nasaan sya dahil magpeperform pa sya bilang Dark Angel.

"Seff wala pa ba si Dark Angel? Kanina pa hinahanap ni Madam eh."

"Wala pa pare eh, sabihin mo kay madam padating na."


"Sige, pare basta papuntahin mo na lang doon pag nandyan na."



Tinanguan ko na lang yung isa sa mga katrabaho ko dito sa Night Club at tuluyan na syang umalis.



"Shit!" Napamura ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad naman akong pumasok sa loob ng club.

Syempre! Alangan naman magpabasa ako sa labas no.



Sa loob ko na lang hihintayin si Sasha. Baka na-traffic lang yon.

*********

Athena Sasha's Pov

Naglalakad ako ngayon patungo sa Heaven night Club, wala kasi akong  pamasahe papunta doon, walang natira sa akin ni singkong duling, lahat kinuha ni mama.


Pati pera ko, na sana itatabi ko para sa pang bayad ko sa school na papasukan ko kinuha ni mama. Tanging damit ko lang ang natira sa akin na ibinigay ni mama at sa tingin ko bilang lang ang mga iyon.


Gusto ko sanang hindi muna pumasok kaya lang kakailanganin ko ng pera para sa bahay na titirahan ko dahil kung hindi, malamang palaboy-laboy na siguro ako sa kalsada.


Siguro dapat ko na rin ituloy ang pagtatrabaho doon lalo na ngayon na wala na ako sa puder ni mama, mas kakailanganin ko ng pera para sa sarili ko at sa pang araw-araw ko.


Labag man sa kalooban ko na umalis doon sa bahay ngunit wala rin akong magagawa, dahil yun ang desisyon ni mama, ang palayasin ako sa bahay. Ngayon, ang dapat ko ng gawin ay ang tumayo sa sarili kong mga paa, kailangan ko ng tanggapin na mag-isa na lang ako ngayon.


Pero ewan ko ba. Parang hindi pa rin tanggap ng sistema ko ang pagpapalayas sa akin ni mama, lalo na ang mga masasakit na salita na sinabi nya sa akin.

Drag Me To Heaven (SPG) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon