Prologue

71.3K 1.2K 18
                                    

HALOS lakad takbo na ang ginawa ni Jasmine matapos nitong masigurong maayos na ang kanyang ina. Dali-dali itong gumayak upang hindi mahuli sa kanyang trabaho. Isa siyang waitress sa isang coffee shop at one of the resort in Tagaytay. "Wag naman sana akong malate ngayon." Anito. Kahit na hindi nagsasalita ang boss niya ay nahihiya parin siya dito sa tuwing late siya kung makapasok sa trabaho niya.

At sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang isang grupo ng kalalakihan na kanyang makakasalubong. "Sana magiging okay na si Mama, pag-uwi ko mamaya." Kausap nito ang sarili.

Samantala nagkasundo naman sina Axel at ang mga kaibigan niya kasama ang mga pinsang maglalakad-lakad muna bago ang mga ito sumunod sa mga kasama nilang nauna ng umalis kanina mula sa resthouse nila.

"Mga bro, meron chicks oh!" Sabay turo ni Flake sa babaeng makakasalubong nila. Agad namang ngumisi si Axel ng makita niya ang tinuro ng pinsan niya sa kanya.

"Langya ka bro, sinumpong kana naman ng kamanyakan mo." Tatawa-tawang ani Mark. "Gago, hindi ako manyak. Sadyang pilyo lang ako." Sagot nito agad.

"Whatever. Vergara." Napailing ani Mark na nakangisi sa kanya. "Watch me. I'll show you what handsome can do." May pagmamalaking anito sa kanila.

"Hi, miss beautiful." Agad na ani Axel ng makalapit sa kanila ng babae. At dahil nakayuko ito ay hindi niya agad nakita ang mukha nito.

"Ay! Kabayong buntis." Bigla namang naibulalas ni Jasmine dahil sa gulat sabay hawak nito sa dibdib.

Halos humagalpak naman ang mga kasama ni Axel dahil sa naibulalas ng babae. "Fvck! Could you please shut up." Ani Axel sa mga ito.

Natutup naman bigla ni Jasmine ang bibig. Hiyang-hiya ito ngunit hindi na niya pweding bawiin ang lumabas na sa bibig niya.

"Miss nasaan ang kabayong buntis?" Tanong dito ni Axel. Agad naman hinawi ng babae ang buhok niya. At kung mahina lang siguro ang kapit ng puso niya ay baka nalaglag na ito bigla ng makita niya ang mukha ng kaharap. The girl is simple. Pero sapat na para sabihing masyado itong maganda kahit walang kaayos-ayos sa katawan. Matangkad, matangos ang ilong at ang kulay nitong nasisinagan ng araw ay bahagyang namumula sa kaputian.

Agad na tiningnan ni Jasmine ang lalaking nagsasalita sa harapan niya. Pinasandalan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. At masasabi niyang gwapo ang kaharap, ang kulay brown nitong mga mata, malantik nitong mga pilik mata, matangos nitong ilong, mapula-pula nitong labi at makinis na mukha ay maihahambing niya agad ito sa mga hollywood actor.

Nakakahiya tuloy dito dahil sa walang preno niyang bibig minsan. Bakit ba kasi kung nagugulat siya ay ganun ang lumalabas sa bibig niya. Napukaw lang ang pag-iisip niya ng biglang magsalita ang lalaki.

"I know I'm handsome right." Ang nakangising ani Axel at napaismid naman si Jasmine. "Gwapo nga, mukha namang mahangin." Anang isip niya.

"Ang lakas ng hangin," anito sa lalaki. "At pwede bang umalis ka sa dinadaanan ko. Dahil hindi mo pag-aari ang yang daan." Ani Jasmine dito. "Akala mo ha." Anang kabila niyang isip.

"I know miss na hindi ko pag-aari ang daan," sagot naman sa kanya ng lalaki. "I'm just here because I want to know your name?" Anito sa kanya sabay kindat nito. "Ay! Malandi rin." Saad pa ng isip ni Jasmine.

"Itanong mo kaya sa nanay ko. Hindi ko kasi dinadala ang pangalan ko sa gitna ng daan e. And if you don't mind could you please get out of my away. Dahil kapag nalate ako sa trabaho at nasesante ako ay babasagin ko yang mukha mo," nakapamaywang niyang aniya dito.

"At wala rin akong time para makipaglukuhan sa'yo dito sa gitna ng daan. Dahil kailangan kong magtrabaho dahil hindi ako anak mayaman na gaya niyong walang ginawa kundi magbulakbol. Anak mahirap lang ako na kailangan kumayod para matustusan ang pangangaylangan namin sa araw-araw ng nanay ko. At ng meron maipambili ng mga gamot niya. Kaya kung pwede ay umalis kana dyan sa dinadaanan ko." Ani Jasmine sabay hakbang nito at tinalikuran ang binatang hindi nakahuma sa kanyang tinuran.

"Aw! Bro, for the first time na hindi ata umubra ang charming mo." Ang nakangising ani Austin na tinawanan nina Mark, Tyrone, Blake at Flake.

Hatid tanaw naman ni Axel ang likod ng dalagang naglalakad. Aaminin niyang maganda talaga ang dalaga, kahit walang bahid ng kahit na anong kolorete ang mukha nito. At ang kurba ng katawan nito ay parang isang modelo kung maihahalintulad mo. Kaya lihim siyang napangiti sabay iling niya ng ulo.

"Let's go." Anito sa kanila sabay pamulsa ng dalawa niyang mga kamay. "Where?" Kunot naman ang noo na si Tyrone.

"Hey! Mga bro, meron daw malapit na coffee shop dito," si Blake na nakatingin sa cellphone niya. "Ano sa tingin niyo, pumunta kaya tayo dun? I'm sure maraming mga girls dun. At nandun na rin sina Alex, Rain, X at JB." Ani Blake sa mga ito.

"That's great. Doon pala pumunta ang mga gagong iyon." Ani Tyrone. "Yeah! Tara." Mabilis namang yakag ni Flake sa kanila.

Kaya nagkasundo ang mga itong pumunta sa coffee shop kung nasaan ang mga kasama nila. "Hey! Fuckers!" Nakangising ani Tyrone sa mga kaibigan nila ng makita nila ang mga ito.

"Hindi mo kami katulad, Javier." Biglang ani Alex kay Tyrone. "Yeah! Good boy kaya ako." Segunda naman ni X.

"Jasmine."

"Huh?"

"Pakikuha ang order nung mga bagong dating dun sa table sa dulo." Anang kasama ni Jasmine sa pinagtratrabahuan niyang coffee shop. Agad naman siyang tumango bilang pagtalima.

Agad siyang tumingin kung saan ang tinuro ng kasamahan niya sa kanyang mesa. At ng makita niya ang nakaupo sa naturang mesa ay bigla siyang napabuga ng hangin. "Grrrr. Sila na naman." Anito sa isip

At dahil ayaw naman niyang mawalan ng trabaho ay wala siyang nagawa kundi lapitan ang mga ito. "Calm down. Kailangan mo ang trabahong ito Jas. Kaya relax lang." Pagpapakalma nito ng sarili.

Nang makita naman ni Blake kung sino ang babaeng patungo sa gawi nila ay agad niyang siniko si Axel. Agad naman niyang nabasa ang ibig iparating ng pinsan sa kanya kaya agad niyang tiningnan kung saan nakatingin si Blake.

"Nakakainis. Bakit ba sila nakatingin sa akin. Bweset." Ani Jasmine sa isip.

"Mmm. Good afternoon. May I take your order?" Anito sa mga ito sabay ngiti niyang hindi naman umaabot sa mga mata niya.

Agad naman binigay ng mga ito kung anu ang order nila at ang huli ay si Axel. "Sir?" Pukaw ni Jasmine sa binatang nakatingin sa kanya na agad siniko ng katabi nitong lalaki.

"Huh?"

"Order niyo po, Sir?" Tanong niya dito ulit.

"Uhm! Pwede bang ikaw na lang ang i-order ko." Anitong nakatingin sa kanya. Agad namang nagkasalubong ang dalawang kilay ni Jasmine.

Napansin naman agad ni Axel ang naging reaction ng dalaga. "Hey, don't be mad. I'm just kidding. Just one cappuccino vanilla please." Anito. Nararamdaman niyang naiinis sa kanya ang dalaga dahil namumula ang tungki ng ilong nito. Kaya ayaw na niyang dagdagan ang inis nito sa kanya.

"Do you have more orders?" Tanong ni Jasmine sa mga ito.

"Wala na, Miss. Thank you." Ani Austin. "Okay. Pakihintay niyo na lang po ang mga orders niyo sandali. Maya't maya lang po ay i-seserve na sa inyo." Anitong nakangiti bago niya tinalikuran ang mga ito.

"Jasmine may isa pang table dun." Anang kasamahan nitong waitress habang naglalakad siya papunta sa counter. "Okay." Mabilis naman niyang sagot.

"Jasmine. The name sounds good." Ang nakangiting ani Axel. "Anong sabi mo?" Kunot naman ang noo na tanong sa kanya ni JB.

"Nothing." Nakangisi niyang sagot. Kaya napailing na lang sila sa kanya. Alam kasi nilang meron na namang kapilyohan itong binabalak.

TBC....!!!!

HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon