Chapter 5

33.6K 936 20
                                    

Rated SPG

NANG makaalis sina Axel sa loob ng restaurant ay naisipan ng binata na iuwi na si Jasmine. Nag-aalala siya para sa dalaga dahil alam nitong pagud ito. Kaya agad niya itong dinala sa resthouse nila kung saan sila tumutuloy na magkakaibigan.

Nang marating nila ang resthouse ay biglang napakunot ang noo ni Jasmine at puno ng katanungan ang mga mata na agad nahulaan ng binata. Bahagya nitong pinisil ang ilong ni Jasmine na nakangiti.

"Your going to sleep here. Dahil malapit lang dito ang hospital at ayaw kong mag-isa ka dun sa bahay niyo baka mapaanu ka pa. At baka makapatay na ako ng tao." Ani Axel sa dalaga.

"Hindi ba nakakahiya sa kanila. Alam kong meron kang mga kasama?" Kinakabahan nitong aniya sa binata. Agad namang lumabas ng sasakyan si Alex at pinagbuksan si Jasmine ng pinto. "Don't be shy. Magtiwala ka lang sa akin. Okay." Anito sabay lahad ng kamay.

Bahagya namang ngumiti si Jasmine bago ito inakay ni Axel papasok sa loob ng resthouse. "Bakit ang tahimik. Wala ba dito ang mga kasama mo o natutulog na sila?" Nagtatakang tanong ni Jasmine kay Axel. Bahagya namang pinisil ni Axel ang hawak-hawak nitong kamay ng dalaga bago niya ito sinagot.

"Nandito lang silang lahat." At bigla naman bumukas ang isang pinto at lumabas doon si Flake. Saka narinig ni Jasmine ang hiyawan sa loob nito. Wall proof ang lahat ng kwarto kaya hindi mo maririnig sa labas ang ingay sa loob. Biglang pinukpuk ni Flake ang pinto kaya napailing na lang si Axel sa inasal ng pinsan niya. Kaya agad na nagsilabasan ang lahat ng nasa loob ng silid. Nang makita sila ng mga itong magkasama ni Jasmine ay biglang ngumisi ng mga itong kinailing ni Axel.

"Whoa. Vergara ang bilis mo." Ani Blake. "Shut up your mouth, fucker. Wag kang umaktong parang hindi isang Vergara kung ayaw mong upakan kita." Ani Axel dito kaya nagtawanan silang lahat.

Si Jasmine naman ay kung pwede lang lamunin ng lupa ay baka ginawa na niya dahil sa hiya. Nang mapansin ni Axel na nanlalamig ang mga kamay ng dalaga ay mabilis niya itong inakay patungo sa kanyang kwarto. Habang naglalakad sila ay bahagya niyang liningon ang mga siraulo niyang mga kasama sabay pukol niya sa mga ito ng nakakamatay na tingin. At nagtawanan naman ang ito.

"Where not yet done mga gago." Anito at tuluyan nilang tinalikuran ang mga ito.

Nang makaakyat sila sa hagdan ay sakto namang lumabas ng kwarto niya si Alex at nakapamulsa itong naglakad sa gawi nila. Agad itong huminto ng paglalakad ng matapat ito sa kanila. Pinagmasdan ito ni Jasmine at medyo kahawig ito ni Axel yun nga lang mukhang kabaliktaran niya ito ng ugali. Dahil napakaseryoso ng mukha nito.

"Hey bro, si Jasmine nga pala. Jas my twin brother Alex." Pakilala nito sa dalawa.

"Hi."

Isang tango lang ang sagot ni Alex sa kanya at bahagyang tinapik niya ang balikat ni Axel. "Be a good boy." Anitong kinakamot ng batok ni Axel.

Agad silang tinalikuran nito at bumaba ng hagdan kaya tanging likod na lang niya ang nakikita ni Jasmine. Maya't maya ay binalingan niya si Axel na puno ng kursyunidad ang kanyang mga mata na kinangiti ni Axel.

Agad niyang iginaya sa loob ng kwarto niya ang dalaga bago siya nagsalita. "Don't mind my brother. Dahil ganun talaga yun. Tahimik talaga siyang tao, opossite kaming dalawa." Saad nito kay Jasmine. Napatango naman ang dalaga sabay upo niya sa kama na agad naman tinabihan ni Axel.

"Dito ka matulog sa kama at doon ako sa couch." Ani Axel kay Jasmine.

"Huh! Baka mahirapan kang matulog dyan? Ako na lang sa couch dahil sanay naman ako, ikaw na lang dito sa kama." Nahihiya nitong aniya.

HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon