LUMIPAS ang araw na masayang pamilya at buo ang makikita mo sa pagsasama nila Axel at Jasmine kasama ang kanilang anak.
"Hey. Honey, anong ginagawa mo?" Tanong ni Axel kay Jasmine ng tawagan niya ito.
"Ito, nagbibihis at dadalhin ko sa mall ang anak mo. Nagpupumilit kasing gusto daw maglaro sa V-Mall." Anito kay Axel.
"Daddy, maglalaro ako dun sa play area sa mall ni lolo." Sigaw ni Asher Jade na dinig ni Axel. "Okay. Pero, magbehave ka dun at wag mong pagurin ang mommy mo, pupuntahan ko na lang kayo dun. May meeting pa kasi ako." Ani Axel.
"Okay, hon. Tawagan mo na lang ako kapag nandun kana." Ani Jasmine bago pinatay ang tawagan. "Baby, magbihis kana." Anito sa anak. Agad naman itong sumunod sa kanyang ina.
"Mommy, hindi po ba natin pwede isama si baby Dalton at baby Janella?" Inosente pang tanong ni Asher Jade kay Jasmine.
"Hindi pa pwede anak, baby pa lang kasi sila. Kapag big boy na si baby Dalton gaya mo ay saka siya pweding makipaglaro sa'yo." Paliwanag nito sa kanyang anak. "At anak, wag masyado magulo doon okay. Kailangan ni mommy mag-ingat para kay baby dito." Anito sabay hawak ng tiyan. Bigla naman napatakip ng bibig ang makulit nitong anak.
"Mommy, meron baby dito?" Nagniningning ang mga mata nitong tanong kay Jasmine.
"Yes baby, pero secret muna natin 'to okay." Nakangiti nitong aniya sa anak. "Aprob, Mommy." Anito sabay thumbs up sa ina.
Matapos nila magbihis ay agad silang nagpahatid ng kanilang driver sa V-Mall na pag-aari ng ama ni Jasmine. At bawat madaanan nilang nagtratrabaho sa V-Mall ay ngumingiti sa kanilang mag-ina. Dahil kilala na sila ng mga ito mula ng ipakilala siya kanyang ama.
Agad na dinala ni Jasmine sa play area ang kanyang anak. At masayang masaya naman itong nagtatalon na pumasok sa loob.
"Kami na po ang bahala magbantay sa kanya sa loob, Ma'am." Anang isa sa mga nagtratrabaho doon. Siyang siya kasi sila sa kakulitan ni Asher Jade.
"Mabuti pa nga miss, nakakapagud din kasi siyang sundan. Subrang kulit at magalawgaw masyado. Minsan e nahihilo na ako sa kanya." Nakangiti nitong turan sa kausap.
Kaya naupo na lang si Jasmine habang hinihintay niya ang anak na matapos maglaro sa loob ng play area. Makalipas ang halos kalahating oras ay natanaw na ni Jasmine ang kanyang anak na papalapit sa kanya.
"Mommy, I want water." Agad naman itong binigyan ni Jasmine ng tubig. Napapailing na pinunasan niya sa noo si Asher Jade dahil pawisan ito. Habang pinupunasan niya ng pawis ang anak ay bigla naman tumunog ang tawagan nito. Kaya mabilis pa sa alaskwatro kung sagutin ito ni Asher Jade.
"Hello. Daddy, nasaan kana? Meron ako surprise sa'yo, pero secret muna." Anito sabay hagikhik na kinakunot ng noo ni Jasmine.
"Anak, akin na muna." Sabay lahad nito ng kamay at inabot naman ni Asher Jade ang tawagan kay Jasmine. "Hon, nasaan ka?" Agad nitong tanong kay Axel.
"Ito, kapapasok ko lang sa V-Mall, nasaan kayo?" Anito. "Hintayin mo na lang kami doon sa fast food chain kung saan lagi tayo kumakain kapag dinadala natin dito si Asher Jade." Anito kay Axel.
"Okay, honey. See you then." Anito bago pinatay ni Jasmine ang tawagan. "Anak, basang basa na ng pawis ang damit mo. Magbihis ka muna at pupuntahan natin ang daddy mo." Anito.
"Mommy, ako na po maghuhubad ng damit ko. Big boy na po ako." Saad nito kay Jasmine na kinangiti niya. Agad ngang hinubad ni Asher Jade ang damit niya. Pinunasan muna ito ni Jasmine at nilagyan ng powder sa likod bago niya pinalitan ng bagong damit.
BINABASA MO ANG
HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)
General FictionOne of Vergara Siblings, the son of Aljhon Vergara. His a kind of playboy for short. Kaliwat kanan kung magkaroon ng fling girlfriend. But everything change ng makilala niya ang simpleng babae na nagpatibok ng kanyang puso. I don't know what I mean...