LUMIPAS ang araw at buwan. Hanggang sa kabuwanan na ni Jasmine. At sa mga buwan na dumaan ay hindi nakaligtas sa pang alaska ni Rain si Axel lalo pa ng malaman nila ang gender ng ipinagbubuntis ni Jasmine ay babae. Lalaki kasi ang ipinagbubuntis ni Raids kaya laging inaalaska ni Rain si Axel na liligawan ng anak niya paglaki nito ang prinsesa ni Axel.
Minsan ay natatawa na lang si Jasmine kay Axel kapag pikon na ito kay Rain. Ayaw daw kasi nitong paligawan ang anak niya hanggat hindi nakatapos ng pag-aaral niya. At ayaw daw nitong may magpapaluha sa kanyang prinsesa. Kaya sinisiguro niya ang maging seguridad ng mga anak niya. At kung ano man ang katweran nito ay hinahayaan na lang ni Jasmine. Dahil alam naman nito ang ginagawa dahil dumaan siya sa pagiging dakilang playboy noon kaya siguro ganun na lang ang takot nito para sa magiging prinsesa nila.
"Hon, wake up." Tawag ni Jasmine sa asawa ng makaramdam siya pananakit ng tiyan. Agad siyang napahawak sa tiyan niya ng muli na naman itong sumakit. At ng tingnan niya ang oras ay 12:45 am pa lang kaya alam niyang nasa kasarapan ng tulog ang asawa. "Axel. Ano ba, gising." Tawag niya dito ulit sabay yugyug niya sa balikat ng asawa.
"Hon, bakit?" Papungas-pungas nitong tanong sa asawa ng magising ito.
"Manganganak na ata ako." Anito. Para namang bumba yun na sumabog sa mukha ni Axel at napabalikwas ito ng bangon.
Nakasuot lang itong puting pants at walang pang itaas ng magmadali itong umalis sa kanilang kama. Agad dinampot ni Axel ang bag na nakahanda para sa panganganak ng asawa at susi ng sasakyan nito.
"Axel saan ka pupunta?" Tanong niya sa asawa ng palabas na ito. "Dadalhin ka sa hospital." Natataranta nitong sagot.
"Aaahhh! Bakit yang bag ang inuna mo. Ako ang manganganak hindi ang bag na yan letse ka." Sigaw nito kay Axel.
Bigla naman nailapag ni Axel ang bag at binalikan ang asawa niya sa kanilang kama. "Daddy, akin na tuti(susi) ng kot'te(kotse)." Anang anak nilang papungas-pungas dahil nagising. Agad naman yun ibinigay ni Axel kay Asher Jade. Kaya sinukbit ni Axel ang bag sa balikat niya bago niya binuhat si Jasmine palabas ng kanilang silid.
Nakasuot lang ng damit pantulog si Asher Jade na binuksan niya ang kotse ng ama. Tinuruan ito ni Axel at ang mga tito niya kung pano iistart ang sasakyan, kaya wag kana magtaka kung pano niya kayang buhayin ang isang sasakyan sa murang edad.
Agad inistart ni Asher Jade ang kotse bago niya binuksan ang pinto sa passenger seat. Kaya madali lang naisakay ni Axel ang asawa sa sasakyan. Matapos masigurado ni Axel ang lagay ng asawa ay saka ito gumawi sa driver seat.
"Buddy, set beside your mom." Utos nito kay Asher Jade na agad naman tumalima.
"Ummm. Axel, bilisan mo. Ang sakit-sakit na." Daing ni Jasmine habang hawak-hawak nito ang tiyan.
"Baby, wag kang malikot kasi iyak si Mommy niyan. Diba love natin si Mommy kaya be a good girl, please. Punta tayo ng hospital para ikaw labas. Tapos kita muna si Mommy at Daddy, tapos ako, tapos sina Papa, Mama. Tapos sina lolo at lola. Tapos sina tita papa at tita mama. Tapos sina tita mommy, tito daddy, tapos marami pang tita at tito natin. Kaya bait ikaw dyan baby Alesha Jane, okay." Kausap ni Asher Jade ang tiyan ng kanyang ina.
Kahit masakit ang tiyan ni Jasmine ay bahagya siyang napangiti. Dahil sa inasta ng anak niya habang hinihimas nito ang kanyang tiyan. Para namang narinig ng anak niya sa loob ng kanyang tiyan at tumigil ito sa kagagalaw. Maging si Axel na kanina ay natataranta ay napangiti rin na binalingan niya sa front mirror ang mag-ina niya.
-May tatlong Bibe akong nakita
Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,
Kwak, kwak, kwak.
Kwak, kwak, kwak.
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,
BINABASA MO ANG
HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)
Ficção GeralOne of Vergara Siblings, the son of Aljhon Vergara. His a kind of playboy for short. Kaliwat kanan kung magkaroon ng fling girlfriend. But everything change ng makilala niya ang simpleng babae na nagpatibok ng kanyang puso. I don't know what I mean...