Chapter 9

32.2K 902 8
                                    

PAGDATING nila Axel sa kanilang mansyon ay biglang nanlamig ang kamay ni Jasmine. Kinakabahan ito ngunit wala na siyang magagawa pa upang magback out. Agad naman nahalata ng binata na kinakabahan si Jasmine. Kaya agad niya itong hinapit sa baywang sabay pinagdikit nito ang kanilang mga noo.

"Honey, relax. Walang mangyayari sa'yong masama sa loob. At isa pa kasama mo naman ako." Pampalakas loob nito sa nobya sabay gawad niya ng halik sa labi ng dalaga.

"Okay. Hindi ko lang kasing miwasang wag kabahan." Saad nito sabay hinga ng malalim. Bahagya namang natawa ang binata sa hitsura ng nobya. Halata kasi ang takot sa mukha nito.

"Honey, walang kakainin sayo sa loob. Kaya relax ka lang." Ani Axel na nakangiti. Agad naman napasimangot ang dalaga sa tinuran niya.

"Come on honey, let's get inside." Aya nito sa nobya sabay akay niya dito patungo sa malaking pinto kung saan ang papasok sa loob ng mansyon.

Agad na pinihit ni Axel ang pinto gamit ang kaliwang kamay ng marating nila ito, habang ang kanang kamay nito ay nakapulupot sa baywang ng dalaga.

Pagbukas ng pinto ay agad na naagaw ang pansin ng mag-asawang Aljhon at Weng na nag-uusap. Agad napangiti ang ina ni Axel ng makita sila nito. At habang papalapit sa mga ito sina Axel at Jasmine ay matamang nakatingin ang nakangiting ginang kay Jasmine.

"Morning, Mom." Ani Axel sabay halik sa ina.

"G-good morning po, ma'am." Magalang na bati ni Jasmine sa ginang.

"Morning too iha and please call me tita." Anang ginang na nakangiti.

"Hey Dad." Ani Axel sa ama na nakaupo habang nagbabasa ng news paper. Agad namang ibinababa ni Aljhon ang binabasa sabay tingin nito sa anak. "How are you hija?" Tanong nito kay Jasmine.

"I'm good, Sir." Ani Jasmine.

"Call me tito, hija." Anang ginoo na nakangiti. "Sige po t-tito, salamat po." Ang nahihiyang anang dalaga. "Kailangan na ba naming maghanda ng mommy niyo para sa kasal?" Makahulugang tanong ng ginoo. Agad naman napatingin si Axel sa dalaga na ngayon ay nakaupo sa pangdalawahang upoan na kaharap ng kinauupoan ng mag-asawa.

"I'll tell you, Dad. Dahil darating rin tayo dyan," anito sabay hawak niya sa kamay ni Jasmine. "I don't want to lose her again, Dad." Dagdag pa nitong kinailing ng ama na meron sinusupil na mga ngiti sa labi.

"Ma'am. Handa na po ang breakfast." Imporma ng isa sa mga kasambahay nila. "Sige, salamat iha." Anang ginang. "Oh siya, halina kayo at nang makapag almusal na tayo." Ang nakangiting yakag ng ginang sa kanila. Kaya agad naman silang nagsitayuan at dumulog sa hapagkainan.

Habang patungo sila sa dining area ay nakahawak naman ang isang kamay Axel sa baywang ng dalaga. Lihim namang napangiti si Aljhon sa kanyang binata sabay tingin niya sa asawang agad nakuha ang gustong iparating dito. Parang nakikita niya ang sarili noong binata pa siya sa anak.

Masaya nilang pinagsaluhan ang nakahandang almusal sa hapagkainan. At walang masabi si Jasmine sa pinapakitang kabaitan ng magulang ni Axel sa kanya. Agad na nakaramdam siya ng pagkakomportable sa mga ito. Nang matapos silang kumain ay muli silang bumalik sa malaking sala.

"Dad, sa makalawa nga pala ay magkakaroon ng business party sa tahanan ng mga Monte Silva and our family is invited." Biglang ani Axel sa ama.

Invited sila sa naturang ukasyon dahil malapit nilang kamag-anak ang mga Monte Silva. "Oo, nga pala. Muntik ko nang makalimutan." Anang ginoo.

"Hindi kayo dapat mawala doon, Dad. Baka magtampo naman si tito Nathaniel." Ang natawang ani Axel. "Pinagbantaan nga ako nun noong hindi kami makapunta sa birthday niya ng mommy niyo." Saad ng ginoo.

HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon