MULA ng maging presidente si Axel ng sarili nilang kumpanya ay itinuon na niya ang oras at panahon sa trabaho. At habang puspusan ang pag-aaral niya sa mga papeles na nakalatag sa ibabaw ng mesa niya sa opisina ay biglang naagaw ang atensyon niya. Bigla kasing tumunog ang tawagan niya. Agad naman niya itong tiningnan at ng mapagsino ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.
"Hello?"
"Hey! Are you busy?" Anang nasa kabilang linya. "Why?"
"Nothing. I'm just asking bro." Sagot ng nasa kabilang linya.
"Um. Meron kaming ka-meeting ni Daddy mamaya," ani Axel dito. "Bakit may problema ba?" Kunot noo niyang tanong.
"Wala naman. Invite ka lang kasi sana namin tonight. Bar hooping tayo." Anang kausap niya.
"Ganun ba?" Anito.
"Yeah!"
"Bakit para kang langtang gulay Blake sa tuno ng pananalita mo? Don't tell me na hindi ka na naman nakapag vitamin kagabi." Anito kay Blake. Bigla naman tumawa ang nasa kabilang linya sa tinuran niya.
"Gago ka talaga," ani Blake na siyang kausap niya. "Hindi kasi kita kagaya na biglang nagbago dahil tinamaan ni kupido ang puso. Ayaw kong matigang ang kaibigan ko. Ang hirap kaya kapag matagal na panahong natutulog yan." Ang natatawang anang kausap niya. Napailing naman siya sa tinuran nito.
"Kung hindi lang kita pinsan ay baka inupakan na kita. Magbago kana gago baka dumami ang panganay mo." Ang natatawa na lang niyang aniya dito.
"Ewan ko sa'yo bro, parang hindi tayo pareho ng liko ng bituka. Alam naman natin na mas matindi ka pa nga sa'kin ng kapilyohan." Ang natatawa rin ani Blake sa kabilang linya.
Tock. Tock. Tock.
"Come in." Ani Axel sa kumakatok ng pinto ng opisina niya. Agad naman bumukas ang pinto ng opisina niya at dumungaw doon ang taong kumakatok.
"Mister handsome, we need to go sabi ni Mr. CEO. Maghihintay na lang daw siya sa lobby." Anang PA ng ama niya.
"Okay, George." Sagot nito bago isinara ni George ang pinto. "Bro, I need to hang up the phone. Paalis na kami para makipagkita sa new client ng company sa labas ni Dad at George. I call you later kung makakasama ako sa inyo." Anito kay Blake.
"Okay, Bro."
At ng mawala sa linya ang pinsan niya ay agad niyang sinuot ang coat niya, pagkatapos ay binitbit niya ng ilang gamit at agad na lumabas ng opisina. Nang marating niya ang lobby ng kumpanya nila ay agad niyang natanaw ang amang nakaupo sa isang couch doon habang hinihintay siya.
"Dad."
Nang makita siya ng ama ay agad din itong tumayo. "Let's go, son." Aya nito kay Axel. "Yes Dad. Si George nasaan?" Anito sa ama.
"Nauna na doon sa sasakyan." Sagot ng ama niya. Agad naman siyang tumango at sumabay sa amang naglakad.
Paglabas nila ay siya namang pagdating ng sasakyan sa harapan nila. Kaya agad silang sumakay dito ng kanyang ama. Hindi rin naman nagtagal ay agad nilang narating ang restaurant kung saan sila magkikita ng ka-meeting nila.
"Good afternoon Mr. Vergara this way please." Anang babae na sumalubong sa kanila.
Napaismid naman si George na mas kilala sa tawag na Georgina dahil sa binabae ito. Agad silang dinala ng babae sa isang mesa na nakaserve para sa kanila. At dun naghihintay na ang dalawang lalaking kasing tanda rin siguro ng ama ni Axel.
Agad nakipagkamay ang mga ito sa ama ni Axel. "Harold De Leon." Pakilala ng isa. "Saimon Dela Cruz." Pakilala naman ng isa.
"Angelica Peneda." Pakilala ng babaing sumundo sa kanila sa bungad ng pinto ng restaurant na halatang nagpapacute kay Aljhon.
BINABASA MO ANG
HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)
General FictionOne of Vergara Siblings, the son of Aljhon Vergara. His a kind of playboy for short. Kaliwat kanan kung magkaroon ng fling girlfriend. But everything change ng makilala niya ang simpleng babae na nagpatibok ng kanyang puso. I don't know what I mean...