Chapter 20

31K 853 22
                                    

LUMIPAS ang araw at buwan ay hindi namalayan ng mag-asawang Axel at Jasmine na mag-iisang taon na pala ang bunso nilang anak na si Alesha Jane. Kaya naman pinaghandaan ng mag-asawa ang unang birthday nito.

Habang tumatagal ang pagsasama nila Jasmine at Axel bilang mag-asawa ay walang maipipintas si Jasmine sa asawa. Dahil makikita mo talaga dito ang pagbabago niya at ginagampanan talaga niya ang pagiging asawa at ama sa mga anak nila. Kaya masasabi mo talaga na the playboy change.

"Hon, tingnan mo ang bunso natin. Naihahakbang na niya ang mga paa niya mag-isa." Masayang tawag ni Axel sa asawa nito mula sa kusina. Agad naman napasugud si Jasmine kung saan ang mag-ama niya.

Pagdating nito sa kanilang sala ay doon nakita nitong naglalakad ng dahan-dahan si Asher Jade na tila sumasayaw habang nakasunod sa kanya ang kapatid na si Alesha Jane. Tuwang-tuwa itong ginagaya ang kuya niya habang kinukunan sila ni Axel ng video.

"D-dada."

Anang bunso nilang anak na mas lalong nagpangiti kay Axel. Si Asher Jade naman ay wala na atang kapaguran ito sa pagkanta ng tatlong bibe. Kaya nga minsan kapag kasama niya ang mga tito niya ay napapasayaw ang mga ito kapag nagsimula ng kumanta si Asher Jade.

🔊May tatlong Bibe akong nakita
Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,
Kwak, kwak, kwak.
Kwak, kwak, kwak.
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,

Habang kumakanta si Asher Jade ay umiindak ito at agad naman humawak sa kanya ang kapatid niyang si Alesha Jane.

"Mommy, marunong na maglakad si baby Alesha." Sumbong ni Asher Jade sa ina habang naglalakad ito at nakahawak sa kanya ang kapatid. "That's good baby." Anito.

Natatawa na lang na nakamata sa mag-ama niya si Jasmine. Ramdam nito kung gaano kamahal ni Asher Jade ang kapatid niya. Kaya nasisiguro na ni Jasmine kung pano nito protektahan si Alesha Jane. Nitong mga nagdaang araw kasi ay laging pinapasakit ni Asher Jade ang ulo ni Jasmine. Madalang na lang ito kung kumain dahil inuuna niya ang paglalaro sa tablet niya. Kaya lagi itong binibigyan ni Jasmine ng parusa. Pero pagdating ito sa kapatid niya ay wala itong kapaguran sa pakikipaglaro dito. Kapag umiyak na si Alesha Jane ay agad itong inaalo ni Asher Jade upang tumahan.

Kaya laking pasasalamat ni Jasmine at lumalaking mapagmahal na kapatid si Asher Jade. At ang asawa naman nito ay wala siyang masabi dito dahil talagang nagbago na ito. Tinalikuran na talaga nito ang pagiging playboy niya noon.

Kapag nagmahal ka ng playboy ay minsan ay hindi mo maiwasang magtanong sa sarili mo. 'Is there a possibility to change the certified playboy?' Pero para kay Jasmine kapag mahal mo talaga ang isang tao kahit gaano pa ito kababaero ay matatanggap mo. Dahil ika nga wag mo baguhin ang isang tao mahalin ka lang. Dapat kusa niya itong gagawin dahil mahal ka niya. At yun ang napatunayan ni Jasmine. Nagbago si Axel dahil mahal niya si Jasmine at ang mga anak nila.

"Hon ang layo ata ng iniisip mo?" Ani Axel. "Anong iniisip ng asawa ko?" Tanong muli ni Axel na nagpabalik ng diwa ni Jasmine mula sa malalim na pag-iisip.

"H-huh?"

"Sabi ko anong iniisip mo?" Pag-uulit ni Axel ng tanong sa asawa na agad niyang hinapit sa baywang at pinagdikit ang mga noo nila.

"Mmm. Wala hon, nagpapasalamat lang ako sa Poong Lumikha at ipinagkaloob Niya kayo sa'kin. Masaya kasi ako at meron akong mabait at mapagmahal na asawa. Dagdagan mo pa ng makukulit na mga anak na siyang nagbibigay insperasyon para sa'tin upang maging matatag pa tayong lalo." Anito kay Axel.

HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon