KATATAPOS lang maligo ni Axel ng makarinig siya ng tila nag-uusap sa kanilang malaking sala. At dahil bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto niya kaya umaabot sa silid niya ang boses ng taong nag-uusap. Kaya agad siyang nagbihis at lumabas ng kwarto niya. Pagbungad pa lang niya sa kanilang hagdan ay nakita na niya ang kakambal na nakaupo habang kausap ang magulang niya. Kaya agad siyang napangiti ng makita ang kapatid. Mabilis siyang bumaba at nilapitan ang mga ito.
"Hey, Bro."
"Hey."
Agad na nagyakapan ang kambal na nakangiti. "Kuya?" Boses naman ng bunso nilang kapatid na si Aslea Dennisse. "Hey baby Princess." Agad din niyang niyakap ang makulit niyang kapatid sabay gulo niya ng buhok nito.
"Kumusta ang work. Nagpapasaway ka pa rin ba?" Tanong ni Alex dito. "Hindi na mawawala yang pagiging pasaway niya bro at pagiging possessive daughter niya. The possessive daughter of Aljhon Vergara one of business tycoon in the business industry." Ani Axel sa twin brother niya.
"So, may kalukuhan na naman siyang ginawa?" Nakangiting ani Alex sa kapatid. "Exactly bro." At inikwento nga ni Axel ang kalukuhang ginawa nito. Kaya halos humaba na ang nguso ng kapatid nila habang nakasimangot itong nakayakap sa kanilang ama. Habang nakaupo silang lahat sa couch kung saan ang malaki nilang sala. "Silly girl." Naisatinig naman ni Alex na naiiling.
Lumipas ang araw. Kagagaling lang ni Axel sa gym ng maabutan niyang naiiyak ang mommy niya. Alam nitong babalik na naman ang kakambal niya sa kanilang hacienda kaya nagiging emosyonal na naman ang kanyang ina. Kaya agad siyang lumapit sa mga ito.
"Hey! Anong drama ang meron dito?" Agaw ni Axel ng atensyon nila habang nakangiti siya. Tila nakahinga naman ang kapatid niya ng makita siya.
"Isa ka pang bata ka. Puro pambabae ang inaatupag mo." Biglang sita ni Weng kay Axel na agad napakamot ng batok. "Mom naman. Nagbago na kaya ako. I swear to God." Sabay taas niya ng isang kamay.
"Saan ang punta mo baby Princess at may dala kang maleta?" Agad na tanong ni Axel sa bunso nilang kapatid ng makita niya ito.
Nakangiti namang lumapit ito sa mga ito. "Sasama ako kay kuya Alex sa hacienda." Mabilis nitong sagot.
"What? No-no-no, manggugulo ka lang doon bunso. Kaya hindi ka pweding sumama sakin." Agad na tanggi ni Alex sabay iling nito ng ulo.
Dahil sa ayaw isama ni Alex si Aslea ay agad itong umiyak. "I hate you kuya." At agad itong yumakap sa mommy nila. "Mom. I hate kuya." Saad pa nitong kinailing ng mga kuya niya.
"Bakit umiiyak ang prinsesa ko?" Tanong ni Aljhon na kalalabas lang mula sa mini office niya.
"Dad, ayaw akong isama ni kuya sa hacienda." Agad nitong sumbong sa ama. Naiiling naman si Alex sa kapatid nila.
Si Axel naman ay natawa na lang ito sa inasta ng kapatid nila. At alam niyang hindi ito matatanggihan ng kapatid niya. Wala mang emosyon na nakikita sa mukha nito pero alam ni Axel na sa loob nito ay malambot naman pagdating sa kapatid nila. Nag-iisa lang nilang kapatid si Aslea Dennisse kaya spoild ito sa kanila ng kapatid niya. Kaya alam niyang minuto lang ang lilipas ay bibigay na kakambal niya sa gusto ni Aslea Dennisse. At hindi nga siya nagkamali ng huminga ito ng malalim.
"Fine. Sasama kana sa akin." Biglang pagsuko nito, tumigil lang sa pag-iyak ang bunso nilang kapatid.
"Talaga kuya?" Agad naman itong umaliwalas ang mukha at sabay punas ng luha niya sa mukha. Alam na alam talaga ng kapatid nila kung paano sila nito mapapasuko.
"Tst! Stubborn." Naisatinig ni Alex.
Kaya agad na inutos ni Alex sa mga katiwala nilang dalhin nila sa kotse niya ang gamit ng kapatid nila.
BINABASA MO ANG
HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)
General FictionOne of Vergara Siblings, the son of Aljhon Vergara. His a kind of playboy for short. Kaliwat kanan kung magkaroon ng fling girlfriend. But everything change ng makilala niya ang simpleng babae na nagpatibok ng kanyang puso. I don't know what I mean...