LUMIPAS ang mga araw at naging abala si Axel sa trabaho niya sa opisina. Kaya si Jasmine na lang ang nagpasyang umasikaso ng bagong gawa nilang bahay na pinatayo ng binata. Ito na rin ang nagdecide kung anong gusto niyang design ng bahay at mga kagamitan. Iniwan na lang ni Jasmine ang kanilang anak sa ina ni Axel na si Weng.
"Ma'am, saan po namin ilalagay ito?" Anang mga kaagapay ni Jasmine sa paglagay ng mga gamit sa loob ng malaki nilang bahay. "Pakilagay niyo na lang po dito." Anito.
"Ma'am, kinulang po tayo ng kurtina. At ang kwarto po ni baby Asher Jade ay kailangan ng isa pang kabinet para paglagyan ng mga laroan po niya. Ang playroom din po niya ay napuno na rin kasi ng mga laroan niya." Kakamot kamot na saad ng katiwalang kinuha nila.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko e, bawat mamahaling laroan e binibili ng mga tito niya. Kung i-save na lang nila ang pera e may mapupuntahan itong maganda. Hindi naman makakain ng anak ko ang laroan at hindi rin niya magagamit ang lahat yan. Inispoild nila masyado e paglaki niyan baka sakit na sa ulo." Anitong napabuntong hininga.
"First pamangkin po ata kasi, ma'am. Kaya kung ano-ano na lang ang binibili nila sa kanya." Kumento nila.
"Siguro nga," saad na lang nito. "Sige po, kayo na muna ang bahala dito at maghahanap na lang ako sa malapit na mall. Baka may makita ako doon." Saad niya sa mga ito.
"Sige po ma'am." Anang mga ito kay Jasmine.
"Teka! Ano palang gusto niyong kainin at magpapadilever na lang ako dito?" Maya ay tanong niya sa mga ito. "Naku! Ma'am kayo na po ang bahala kung ano ang gusto niyong bilhin para samin." Ang nahihiyang sabat ng nakakatanda sa mga ito.
"Manang Perla, wag po kayong mahiya. At wag niyo rin pong isiping iba kayo sa'min. Titira po kayong kasama namin dito sa bahay kaya para narin po namin kayong kapamilya. Kaya wag po kayong mahiyang magsabi sa'kin." Ang nakangiti nitong turan sa mga ito.
"Eh! Kasi naman po ma'am, kayo po ang boss namin." Ang kagat labi namang saad ng nakababata sa mga ito. "Kayo talaga, basta mula ngayon ay wag niyong isiping iba kayo sa'min." Aniya sa mga ito.
"Oh! Siya, ikaw ang may sabi e." Naisatinig ng nangingiting si Aling Perla. "Sige po, aalis na ako." Paalam niya sa mga ito bago lumabas ng bahay nila.
Agad na nagpahatid si Jasmine sa driver nila kung saan ang malapit na mall. Dali-daling pumasok sa loob ng mall si Jasmine ng hindi niya mapansin ang bulto ng nilalang na naglalakad palabas ng mall.
"Ouch!"
"Iha. Okay ka lang ba?" Tanong ng nabangga ni Jasmine. Para namang napako na ang mata niya sa kaharap. Hindi nito maikurap ang mga mata habang nakatitig sa ginoong nakasuot ng american suit.
Maging ang ginoo ay bigla itong napakunot ng noo habang tinititigan niya si Jasmine. Hindi nito maipaliwanag ang nararamdaman dahil hindi maikakailang kahawig niya ang nasa kanyang harapan ngayon.
Maya't maya ay bigla naman nahimasmasan si Jasmine kaya bigla itong napatayo ng tuwid.
"Pasensya na po kayo sir, nagmamadali po kasi ako kaya hindi ko kayo agad napansin. I'm so-sorry po." Hinging paumanhin niya dito.
"It's okay iha," nakangiti nitong sagot. "Are you okay?" Pag-uulit nitong tanong.
"Ayus lang po ako, salamat." Anito ditong nakangiti sa ginoo.
"Mabuti naman kung ganun," anang ginoo sabay tayo ng tuwid. "Oh siya mag-iingat ka iha." Saad nito kay Jasmine.
"Salamat po."
"Pwede ba kitang matanong kung anong pangalan mo?" Anang nagbabakasakaling ginoo na may makuha siyang impormasyon sa kaharap. Dahil hindi nito alam kung bakit ang gaan ng loob niya para dito. At isang tao ang agad niyang naalala habang nakatitig siya kay Jasmine.
BINABASA MO ANG
HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)
Ficción GeneralOne of Vergara Siblings, the son of Aljhon Vergara. His a kind of playboy for short. Kaliwat kanan kung magkaroon ng fling girlfriend. But everything change ng makilala niya ang simpleng babae na nagpatibok ng kanyang puso. I don't know what I mean...