Chapter 11

32.1K 883 8
                                    

HALOS kararating lang nila Axel sa kanyang condo unit ng makatanggap siya ng tawag mula kay Flake. Kaya mabilis niyang sinagot ang tumatawag.

"Napatawag ka bro?" May pagtatakang tanong niya dito. "Bro, bumalik ka ng hospital. Si bunso kinidnap." Ani Flake habang patakbo silang pababa ng hagdan para sundan ang kumidnap kay AD.

"What? Okay. I'm coming." Sabay patay nito ng tawagan. "Honey, kailangan kong bumalik sa hospital. May kumidnap daw kay Princess." Anito kay Jasmine.

"My God. Sige, umalis kana at bilisan mo. Mag-ingat ka at tumawag ka agad." Ani Jasmine na natataranta narin dahil sa sinabi ni Axel.

Halos patakbong tinungo ni Axel ang elevator at agad niya itong pinindot ang button. Paikot-ikot siyang nasa loob ng elevator habang hinihintay niya ang pagbukas nito.

"Ting"

Tunog ng elevator ng bumukas ito. Kaya patakbo siyang pumunta sa nakapark niyang kotse. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng sasakyan at agad niya itong inistart.

Nang diinan ni Axel ang accelerator ay agad itong pumatak ng 80 kph. Ang guard kung saan ang condo unit ni Axel ay kunot noo itong napatingin sa sasakyan ni Axel na kaytulin ng takbo.

Habang binabaybay ni Axel ang daan patungong hospital ay bigla na namang tumunog ang tawagan niya.

"Hello. Yeah. I'm on the way now. Where? Copy." Anito sa kausap. Agad nitong pinaharurot ang kanyang sasakyan patungo sa address na itinawag ng mga kaibigan niya kung saan ang location ng mga tumangay kay AD.

Malayo pa lang ay tanaw na ni Axel ang sasakyan ng mga kaibigan niya. Maging ang chopper na nasa himpapawid ay tanaw niya ito.

"Fuck. Fuck." Panay mura niya habang mabilis niyang pinapatakbo ang sasakyan. "Don't ever hurt my sister asshole's. I swear i will kill you all." Anitong nag-igting ang mga ngipin sa galit na nararamdaman.


Makalipas ang ilang minutong pakikipag habulan sa mga taong hindi pa nila kilala ay bigla itong napahinto. Siguro nakita nilang wala na silang kawala pa dahil napapalibutan na sila ng mga autoridad at maging silang lahat na magkakaibigan ay naroon.

"Binibigyan namin kayo ng pagkakataon, sumuko na kayo ng maayos." Anang police. "God, please save my sister." Taimtim na dalangin ni Axel.

"Inuulit ko---

Hindi na natapos ang police sa pagsasalita ng agawin ni Yugene ang megaphone sa police.

"Kung sino man kayong nasa loob ng van ay matanong ko nga kayo. Wala ba kayong anak, asawa, kapatid o ina? Wala ba kayong mga puso, nag-aagaw buhay na ang tao ay tinangay niyo pa. Sana kinausap niyo na lang ako. Dahil hindi ko panghihinayangan ang perang mawawala sa'kin para ibigay sa'inyo. Dahil aanhin ko ang perang meron ako kung ang buhay ng mahal ko naman ang mawawala. Kaya parang awa niyo na ibalik niyo na ang mahal ko. I need her, kailangan ko pa siya. Gusto ko pa siyang makasama hanggang sa pagtanda ko." Makaawa ni Yugene sa mga ito.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto ng van at nakita nila ang isang lalaki. Binuhat ng naturang lalaki si AD at bumaba ito sa van sabay lakad niya patungo sa kinaroroonan nilang lahat.

Awa at habag ang naramdaman ni Axel ng makita nito ang kalagayan ng kanyang kapatid. Wala ng kulay ang mga labi nito dahil nangingitim na ito. "Patawad po, nagawa ko lang ang trabaho na ito dahil kailangan ko rin ipagamot ang anak ko. Pero kung kapalit naman ay buhay ng iba ay hindi ko matatanggap. Kaya maayos po akong susuko at handang tumistigo kung sino ang nag-utos sa'min. Ipangako niyo lang pong tutulongan niyo ang anak kong nakaratay din sa hospital ngayon." Makaawa ng lalaki sabay bigay nito kay Yugene ang walang malay na si AD.

HOW TO CHANGE THE PLAYBOY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon