Chapter14

37 0 0
                                    

**Jhen POV**

Ilang araw ko na ring hindi kinikibo si carelle, hindi dahil sa naiinis ako or what kundi para makapag isip rin siya

"jhen" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si carelle na tumatakbo papunta sa direkayon ko, oras na ng klase at hindi ako pumasok kaya sarili ko ang lugar ngayon

"wag!" Pag sigaw ko sakaniya pero huli na

"SHIT! CARELLE!!!!!" Tumakbo ako papunta sakaniya.

hindi ba siya tumitingin sa dinadaanan niya, eto ang pinaka tanga sa lahat ng tanga na nakilala ko, ang laki na nga ng signage na caution nakalagay e! akala ba niya joke lang yan ugh!!!!

"CARELLE AYUS KALANG?" Sigaw ko habang nakatingin sa baba ng manhole.

"JHEN TULUNG MADILIM DITO!!!!" Sigaw naman niya

"OO WAIT LANG, KUNG DI KA BA NAMAN KASE TANGA! BAT DITO KA DUMAAN SHUNGA!" Sabi ko sakaniya habang natataranta akong dina dial ang number ng kapatid ko.

"WOW JHEN! SALAMAT!" Sagot pa niya inirapan ko lang siya.

"hi baby" napalingon ako sa biglang tumabi sakin, at sa sobrang pag kagulat ko na bitawan ko yung phone ko at nalaglag ito sa katabing manhole ng kinalaglagan ni carelle.

"oh baby na mumulta ka ayus ka lang? dalin kita sa clinic" sabay hila sakin ni christof.

"ah baby hindi kase pwede eh" hindi ko alam kung pano ko sasabihin sakaniya ang kalagayan ni carelle

"eh namumutla kapa eh hindi ka pa ata okay eh lika na" sabay hila ulit niya sakin... Mangiyak ngiyak na ko para lang pigilan siyang hilain ako... Dahil hindi ko masabi na nashoot si carelle sa butas.

"ILABAS NIYO AKO DITO!!!" Sigaw ni carelle mula sa baba, at napakunot naman ang noo ni christof.

"si carelle ba yun?" Tanung ni christof, lumapit ako sakaniya at sinunko siya sa sikmura.

"HILA KA NG HILA, HINDI KO TULOY MASABI NA SI CARELLE NA SHOOT SA BUTAS! AT PATI CELLPHONE KO NA SHOOT DIN SA KABILA!" Sigaw ko sakaniya, kumamot lang naman siya ng ulo at sinabing sorry.

"pano natin siya ilalabas dito eh ang lalim niyan" Pag tatanung ni christof na kanina ko parin iniisip.

"tawagan mo si kuya" sabi ko sakaniya.

Nilibas ni christof ang cellphone niya at nag simulang mag dial.

"BAKIT SI NICKO ANG TATAWAGAN NIYO? EH HINDI NAMAN SIYA ANG DAPAT NA TINATAWAGAN! TUMAWAG KAYO NG TEACHER!" Sigaw ni carelle.

Tumingin ako sa baba at sinagaw na..

"IKAW NAKAISIP IKAW GUMAWA! BAKIT BA MAS MAGALING KAPA SAKIN!"

"seryoso kaba jhen" yun lang ang sagot niya.

"ANO BA CHRISTOF! ANG TAGAL MO NAMANG TAWAGAN SI KUYA!" Maktol ko kay christof na kanina pa kalikot ng kalikot sa phone niya.

"eh baby na bura ko pala number ng kapatid mo, wala sa contact ko eh"  sinamaan ko siya ng tingin at tinuktukan sa ulo.

"SANA KANINA MO PA SINABI!" Sigaw ko sakaniya.

"carelle does your phone work?" tanong ko kay carelle

"BAKIT JHEN! KELAN BA AKO NAG KA CELLPHONE!" Sigaw niya, mas lalo lang tuloy akong nainis!

"BAKIT WALANG KAYONG KWENTA!" Sigaw ko.

"baby naman " suway sakin ni christof

"sorry" sabi ko naman sakaniya 

To the moon and backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon