**JHEN POV**
tapos na school hour pero ang kapatid ko at si carelle hindi parin nag papansinan.
"huy! Ang arte niyo ni kuya alam mo yun" sabi ko habang kumakain ng chocolate cake.
"mag sosorry na ko mamaya" simpleng sagot lang naman niya, habang tinutulungan yung katulung namin na mag saing.
Mag di'dinner na pero hindi parin lumalabas ng kwarto si kuya...
"jhen dalhan ko nalang ng pag kain si nicko para maka pag sorry narin ako okay lang ba? " tumango lang ako bilang sagot.
Mag sasandok na sana akong kanin ng bigla kong marinig na parang may nabasag mula sa taas
"sino ka! Mag nanakaw ka!" napatakbo ako papunta sa kwarto ng kapatid ko, ng makita ko si carelle at ang pag kaing dala niya na natapon sa paanan niya.
"hindi ako magnanakaw! Mukha ba akong mag nanakaw tanga" sagot ng babae sa harap lumapit pa ako ng konti at nakita ko si diana na nasa tabi ng kapatid kong tulog naka cover pasiya ng kumot.
"anong ginagawa mo sa kama at sa kwarto ng boyfriend ko!" napalingon ako kay carelle ng sabihin niya yun. anong trip ng babaeng to may balak pa ata tong gumawa ng part 2 ng pag papanggap namin ni christof
"bitch ako ang girlfriend niya" sigaw naman ni diana.
"ikaw? Sino ba satin ang nasa loob ng bahay nila na ang daan eh sa pinto at hindi sa bintana" nang hahamon na sabi ni carelle.
"kilala mo ba kung sino ako!" lumapit pa si diana para mag kaharap sila ni carelle, ng biglang dinampot ni carelle ang kanin at isinampal sa mukha ni diana, hmmm i like that
"get away from me and my boyfriend you crap!" sigaw ni carelle, pipigilan ko sana sila kaso mukhang mas mag eenjoy ako kaya pinanood ko nalang sila.
Hindi naman nag patalo si diana as I expect as always, nag sasabunutan na sila ngayun pero masasabi kong marunong na si carelle, she's totally different from the carelle before na umiiyak lang sa kalsada
Sinipa niya sa gitna niya si diana at sa tyan, pareho na silang may sugat ng biglang mag salita ang kababangon lang sa kama na kapatid ko.
"tumigil na nga kayo!" lumapit siya kay diana at carelle para pag hiwalayin.
Nang mag kahiwalay na ang dalawa yumakap si diana sa braso niya ng kapatid ko at nag paawa effect
"nicko ang sakit look oh may sugat na ako" kunwaring naiiyak iiyak pa na sabi ni diana.
tinanggal ng kapatid ko ang pag kakahawak sakaniya ni diana at pumunta kay carelle para tingnan kung may sugat ito
"ayus kalang ba? Jhen naman bakit hindi mo sila pinigilan!" inis na sabi ng kapatid ko.
"ano ba nicko! Hindi mo ko pwedeng balewalain nalang basta!!" pasigaw na sabi ni diana, dahilan para sigawan rin siya ni kuya nicko.
"pwede ba diana! Unang unan wala ka sakin! Pangalawa may girlfriend na ako nakikita mo!" sabay turo niya kay carelle.
"sinungaling!" sabay hablot niya sa buhok ni carelle, pero napigilan agad to ng kapatid ko.
"pwede ba! Umalis kana! Yang pagiging desperada mo walang mapupuntahan!" kita ko ang pangingilid ng luha ni diana bago siya tumakbo palabas ng pintuan namin
"saan ka dadaan? Diba galing ka sa bintana?"dahilan para mapatigil si diana sa pag lalakad
"were not yet done bitch!" yun lang at lumabas na sa bintana si diana.
"jhen kumuha ka nga ng alcohol tsaka bulak" tiningnan ko ang kuya ko at tinuro ang sarili ko.
"ako? Ako talaga inuutusan mo" nawala ang pag iinarte ko ng bigla niya akong batuhin ng mini alarm clock, buti nalang at hindi tumama saakin.
"okay fine! Di mo kailangan manakit!" padabog kong sabi sabay labas sa kwarto niya.
**NICKO POV**
NilinIsan namin ni jhen ang mga sugat ni carelle ng bigla nalang siyang himatayin.
"what the hell! Hoy! Gising wag mo kong daganan!" sigaw ng kapatid kong nag iinarte nanaman.
"Jhen! Ano ba! Pwede wag kang maingay?" Suway ko sakaniya, ang arte arte kase sigaw pa ng sigaw.
"ikaw rin wag mo kong sigawan!" mataray niyang sagot sakin
"Eh kase kung sana, pinigilan mo silang mag away, edi sana hindi nag kaginito si carelle" sabi ko habang pinupwesto si carelle sa kama ko.
"Wait, are you gonna let carelle sleep here? As in here in your room? And in your bed?" Nag tatakang tanong ng kapatid ko.
"Yeah, she'll stay here, and I'll sleep with you" nakangiti kong sabi, tinakpan niya ang bibig niya na parang gulat siya.
"Ano yan? Anong kaartehan yan ha?" Seryosong sabi ko sakaniya.
"Ikaw? Patutulugin siya sa kama mo? Seriously!!!! " Sabay yakap niya sakin.
"it must be love!!!!!" kumi kinang kinang pa ang mata na sabi niya
"Pwede ba jhen! Tigilan mo nga ako, pumunta ka na nga kwarto mo at ayusin ang tutulugan ko. Dali!" Sabay tulak ko sakaniya palabas ng kwarto ko
Nang makalabas na ang sobrang Oa kong kapatid, tiningnan ko si carelle, at hinawi ang buhok niya na napupunta sa mukha niya. Napatungo nalang ako at napailing...
Ganito.... Ganitong ganito rin ako sakaniya noon, parehong pakiramdam hindi ko alam kung kailangan pigilan o hayaan.
**DIANA POV**
"Sh*t! i hate you! you'll pay for this bitch! Mang aagaw!" Derederetso kong sabi habang papasok ako ng bahay ng biglang may nag salita mula sa likuran ko.
"What happen to you dear?" Napalingon ako at nakita ko si aizel na nakaupo sa sofa namin at gamit niya ang....
"What the hell!" Sabay agaw ko sa baso na iniinuman niya.
"Are you stupid! Diba sinabi ko na sayo, don't use this mug! Fuck it!" Pagalit na sigaw ko sakaniya.
"Hoy! Wag mo kong sigawan pwede ba!" Napatuyo pa si aizel ng sabihin niya sakin yon.
"Para ka naman kaseng tanga, sinabi na nga eh" pairap na sabi ko sakaniya.
"Okay fine! Sorry! Yan ang binigay ng katulong niyong bobo eh!" Sabi naman niya
"Oh ano bang masamang hangin at napadpad ka dito?" Tanong ko sakaniya.
"Well.... Aside from I want you to help me for something, hindi ko din kase ma contact ang cell mo, kaya pumunta na ako dito, and one more thing, anong nangyare sayo?" Sabay turo niya sa mga sugat ko sa sa braso na puro kalmot
"Yung bagong transferee sa school, yung friend ng ex friend mo!"pag papaliwanag ko
"Oh ano namang ginawa ng loser na yun?" walang emosyong tanong niya
"Seriously Aizel Corpuz! Your really asking me that freaking question!" Pasigaw kong sabi sakaniya.
"What ever bitch! Pano kaba kase napunta dun?" inis na sagot niya
"Eh--"
"Hulaan ko? Duma damoves ka nanaman kay nicko no? Haynako!" putol niya sa sasabihin ko
"Hmpft! Gaganti talaga ako adiyan sa busit na loser na yan! Makikita niya, pag sisisihan niyang naging girlfriend siya ni yhugo!" inis na sabi ko
"What! May girlfriend na si nicko! Seryoso!" Pasigaw na tanong ni aizel
"Maka sigaw, affected ka te!" sarkastikong tanong ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
To the moon and back
General FictionPain changes people, but when you love, the word love will change the whole you, it will bring the best in you, or worst in you... love will lead you to best spot and to the best person, to be with.