**Jhen POV**
Wala ako sa mood na pumasok, at pag minamalas ka, wala pang teacher! Nakakainis! Kinuha ko na ang mga gamit ko at nag lakad palabas ng room, iniwan ko dun si carelle.
"Oh saan pupunta ang mahal nating prinsesa?" Sarkastikong sabi ni aizel, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Sa palasyo ko ikaw ba? ikaw sa barong barong mo?" at nag patuloy na akong nag lakad paalis, nasa hall way ako ng biglang may sumabunot ng buhok ko.
"Walangya ka talaga ang yabang mo!" Naalis ko ang pag kakahawak niya sa buhok ko.
Hinawakan ko siya sa wrist at sabay na umikot papuntang likod niya, ngayun ay namimilipit na siya sa sakit.
"Pag ako wala sa mood, pwede ba! Wag mo kong bwi bwisitin kase baka mamaya, mapatay kita ng biglaan" sabay bitaw ko sa sakaniya at dere deretsong nag lakad.
Malayu layu na ko sakaniya ng bigla nalang ako bumagsak sa sahig at namilipit sa sakit. Tumakbo papunta sakin si carelle ng makababa siya mula sa building namin na malapit sa hall way.
"Jhen... Sabi kase sayo wag ka ng pumasok..." Naiinis na sabi niya.
Hindi naman ako makagalaw dahil masakit talaga! Eto ang problema sakin pag may monthly visitor ako. Hindi ako makalakad, hindi ako makagalaw kase, sobra pa sa sobra pag sumakit at puson ko.
"Pano na to! Nakakainis nama--!" Hindi na natapos ni carelle ang sasabihin ng biglang may lalakeng nag lagay ng coat sa bandang binti ko at binuhat ako.
"Sa susunod pag hindi kaya wag kang papasok" tiningnan ko lang ang lalakeng may buhat buhat sakin, siya yung lalakeng nakausap ko nung malaglag si carelle sa man hole.
Nag lalakad na kame papuntang clinic ng biglang tumakbo si christof papunta samin.
"Bakit buhat mo ang girlfriend ko" matigas na sabi ni christof
"Masama ang pakiramdam niya, at wala ka naman sa tabi niya" maangas na sagot naman nung roel ata ang pangalan niya.
kinuha ni christof mula sa pag kakabuhat niya
"I can perfectly take care of my girlfriend" sabay alis niya
"Yeah I can see that, katatapos lang din niyang nakipag sabunutan, at wala kana naman dun" maangas na sagot ulit ni roel. Lalapit sana si christof pero, niyakap ko siya sa leeg at sinabing.
"Please I wanna Go home" tumingin siya sakin ng may pag aalala at tumango, lumingon ulit siya kay roel.
"We're not yet done" at umalis na kame.
Nakahiga na ako ngayun sa kama ko, at nag tatalo kame ni christof.
"Sana tinext mo manlang ako na masama ang pakiramdam mo, kesa yung makita kitang may kasamang iba!" Inis niyang in sabi.
"Ayoko lang naman na mag alala ka eh" pag papaliwanag ko naman sakaniya
"Tapos sumama ka sa iba!" Pagalit niyang sabi, na mediyo hindi ko na gustuhan
"Sumama! Bakit yan talaga ang tingin mo! Anong tingin mo sakin ha leem! Katulad ng ex girlfriend mo!" Pagalit na sabi ko, at natahimik siya dahil doon
"I'm sorry--" pag hingi niya ng tawad
"No! Wag mo naman akong pag isipan ng mga bagay na hindi ko gawain" naluluhang sabi ko.
"Baby I'm sorry" ulit niya
"Go, gusto ko mapag isa" naiinis na sagot ko sakaniya

BINABASA MO ANG
To the moon and back
General FictionPain changes people, but when you love, the word love will change the whole you, it will bring the best in you, or worst in you... love will lead you to best spot and to the best person, to be with.