**Jhen POV**
Nakatingin lang ako sa bukid, hindi ko alam kung saang lugar to, dito ako dinala ni roel nung hinatak niya ko kanina, tiningnan ko lang siya pero nakatingin siya sa papalubog na araw
"Salamat" mahina kong sabi sakaniya, nakita ko siya ngumisi kaya mediyo nawala ang mood ko
"Akala ko hindi ka marunung para sa word na yan" pero hindi parin siya nakatingin sakin
"Kapatid ko yun" sabi niya na ikinakunot ng noo ko
"Kapatid ko si daph" pag lilinaw niya, tumingin siya saakin at ngumiti, pero ako still nakatingin parin ako sakaniya habang hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya
"4years ago, kung hindi ako nag kakamali, daph got an accident... Dahil kay christof at nicole, nakulong ako kase iniwan ako ni christof ng mag kahulihan sa illegal drug racing na sinasalihan namin" nakatingin parin ako sakaniya at wala paring rekasyon
"Bago mo makilala si christof, matagal na kameng mag kaibigan, may sister is obsessed with him, hanggang sa nag kagirlfriend si christof, of course no need to ask permission from daph kase hindi naman sila, pero pakiramdam ni daph niloko siya, sinundan niya ng sinundan niya si christof hanggang sa maksidente siya, nawala lahat ng memory niya" kwento niya
"So what are you trying to say?" Walang emosyong tanong ko sakaniya
"Umuwi kame dito, para gumanti kay christof, sabi ko aagawin kita kabayaran para sa pag kakakulong ko, at ipapakita ko na kung gano ka kasaya sakin kabayaran sa nangyare sa kapatid ko" lumingon siya sakin at tiningnan ako sa mata, hindi ko naman nagawang umiwas
"Pero nung unang araw na kita kita, sabi ko, talo nanaman ako... Kase wala kapang ginagawa, minahal na kita nung araw na yun, hindi ko itinuloy ang plano ko, kase nakita ko kung gano ka kasaya sakaniya, at ayokong alisin yun sayo, pero nagulat nalang ako nang biglang banggitin ng kapatid ko ang pangalan ni christof at sinabi sakin na aagawin niya yun sayo"
"It means kilala niya ako, at sadya ang nangyari kanina" nakatingin na ako sa nakalubug na araw
" wala akong nagawa, hindi ko siya napigilan, iba si daph mahirap siyang kontrolin, basta nandito lang ako jhen. Kaibigan mo" nilingon ko siya, at nginitian, hindi ko alam pero palagay ang loob ko kay roel, alam kong maasahan ko siya kahit ngayon ko palang siyang nakasama
Nakahiga na ako sa kama ko, at tinititigan ang kisame na may nakadikit na malaking picture namin ni christof, alam kong wala siyang kasalanan, alam kong hindi niya to gusto. Pero bakit niya itinago, bakit hindi niya sinabi sakin. Chineck ko ang phone ko pero wala parin siyang text or tawag. Tumayo ako at nag palit ng damit. Kung aagawin siya ni daph, fine makiki pag agawan ako. At nag simula na akong mag lakad papunta sa kotse ko.
Nandito na ako sa harap ng bahay nila christof, ng pipindutin ko na ang doorbell ay biglang may nag salita sa likod ko.
"Pumasok ka nalang! Pa doorbell doorbell pa!" Nilingon ko at nakita ko si juju na kasama si lester na nag gigitara sa tapat lang din ng daan nila. Tumango ako at lumakad na papasok.
Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto, akala ko makikita ko siya sa salas kase dun naman siya madalas tumatambay. Dumeretso ako sa kwarto niya, awkward nga e, hindi kase ako pumupunta sa kwarto niya lagi.
Binuksan ko ang kwarto niya, pero wala parin siya. Kainis! Asan kaya siya! Bakit pinapasok pa ako ni ju kung wala naman pala dito yung hinahanap ko! Patayo na sana ako ng kama niya ng biglang bumukas ang pintuan sa banyo at inilabas siya neto na top less, nagkatinginan kame sa mata ng biglang may kamay na yumakap sa dibdib niya, nakita ko sa mata niya ang pag iiba ng emosyon, nang tingnan ko kung sino yun. Nakita ko si daph na naka towel lang at pareho silang basa, pero si christof naka shorts. Hindi ko na nagawang pigilan ang pag patak ng luha ko at kasabay nun ay ang pag talikod ko sakanila at labas ng kwarto.
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan habang takip takip ng kamay ko ang mga bibig ko, hindi niya ako sinundan, that means tapos na kame.
BINABASA MO ANG
To the moon and back
Fiction généralePain changes people, but when you love, the word love will change the whole you, it will bring the best in you, or worst in you... love will lead you to best spot and to the best person, to be with.