**Jhen POV**
Ilang oras na rin siguro akong nakatayo sa harapan ng bahay nila at hindi parin umaalis, haganggang sa kaya ko, sinisigaw ko ng paulit ulit na lumabas na siya, na mahal ko siya, na sana bumalik na siya. Nag didilim na ang langit at mukhang uula---
"umulan nga" tumingin ako sa harap ng bahay nila christof, hindi ako aalis christof ulan lang to.
"christof!!! Baby please, I'm begging you hindi ako aalis dito, ulan lang to. Mr. leem parang awa niyo na po... ibalik niyo na si christof" mas lalo akong napaiyak ng makita kong pinatay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay.
"christof please..." pahina ng pahina ang pag sabi ko, ramdam ko na ang pag lamig ng paligid at ramam ko na malapit narin bumigay ang katawan ko. Ramdam ko yun.... Mas lalo akong napaiyak ng hindi ko na magawang mas sumigaw pa ng malakas.
"christof mag hihintay ako... mahal na mahal kita, to the moon and back remember? Tayo hanggang huli walang bibitaw, suot ko pa ang singsing na to, at hindi ko to aalisin kahit kelan hanggang sa bumalik ka." Sabay hagulgul ko habang kinakalampag ang gate nila ng biglang may mag tapat ng payong sa likod ko.
"mag pahinga kana, para bukas, maipag laban mo pa siya" hindi ko na napigilan, niyakap ko siya at hinimatay sa mga bisig niya.
**Nicole POV**
Nakikita ko kung pano mag wala si christof sa harapan ko at harapan ng mga kaibigan niya pati sa harap ni daddy, kita ko kung pano niya pilit na kumakawala sa mga taong nakahawa sakaniya at pinipigilan siyang lumabas, at kita ko rin kung paano mag makaawa si jhen sa labas ng bahay namin, malakas ang ulan at malamig na hangin, iniinda niya ang lahat para kay christof. Naawa ako oo. Pero mahal ko si christof, katulad ni jhen ipag lalaban ko rin siya. Konting araw nalang at akin na si christof, hindi dapat ako maapektuhan sa mga ginagawa nila, sabi nga ni daddy, kung mag papaapekto ako sa iba paano ako sasaya. Gusto ko lang ding sumaya, mahal ko si christof, mahal ako ni christof noon at pwedeng maibalik yun pag kasal na kame, makakalimutan din niya si jhen. Kaya mag titiis ako katulad ni jhen mag titiis ako hanggang bumalik sakin si christof.
**Christof POV**
Bakit wala akong magawa, pilit akong lumalaban para mapuntahan si jhen sa labas, umuulan at malamig ang hangin ang pilit niyang nilalaban sa pag kakataong to, dahil sakin, kakayanin kong mabuhay ng hindi siya nakakasama pero hindi ko kayang mabuhay ng nakikitang nasasaktan siya. Pero ako mismo ang nanakit sakaniya, ako mismo walang magawa para matahinin siya sa pag iyak, ako mismo walang magawa para sakniya. Siya lahat ginawa na niya para mapatunayng mahal niya ako. Ako ang nag sabing walang bibitaw saaming dalawa. Pero ako mismo hindi ko magawang lumaban para sakaniya. Rinig ko lahat ng sinabi niya, at ang lahat ng yun ay nandito sa puso ko. Lahat ibinaon ko sa puso ko, dahil kung sakaling hindi na kame muling mag kakasama ang mga salitang yun ang lagging kong babaunin mula pag tulog hanggang pag gising ko. Kita ko kung paano siya mabasa ng ulan, kung pano siya unti unting manghina at kung pano siya binuhat ng kapatid niya pasakay sa kotse nila at inilayo siya sa bahay namin. Pakiramdam ko tuluyan na siyang mawawala, gusto ko siyang habulin, at sabihing nandito na ako. Pero hindi ko magawa, dahil nandito sila Nicole si daddy at pati ang mga securities nila, wala akong magawa para sakniya.
**Nicko POV**
Nang malaman ko kila juju na nadito sa canda ang kapatid ko dahil sa nangyari, dali dali akong pumunta dito. Kailangan niya ako, kailangan niya ako bilang kapatid niya. Nung mga panahong walang walang dereksyon ang buhay ko, siya ang nandiyan para magawa ko ang tama ang lahat ng desisyon ko sa buhay, siya ang bunso pero siya pa ang mas matured kung umasta kesa sakin. Sa panahong ito, ako naman. Ang tatayong kuya sakaniya, ang proprotekta sakniya habang wala pa si christof. At sana nga bumalik siya, dahil nag hihintay ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
To the moon and back
Ficción GeneralPain changes people, but when you love, the word love will change the whole you, it will bring the best in you, or worst in you... love will lead you to best spot and to the best person, to be with.