**School days**
"Good morning" nakangiting bati sakin ni carelle pag upo sa upuan ko
"Bakit nandito ka? Diba dapat nag papahinga ka sa bahay?" Tanung ko sakaniya habang nilalabas ang mga gamit ko para sa 1st period
"Oo nga, pero ang boring sa bahay e" tiningnan ko siya sa mata at umiling
"Baka makasama yan sa bata" mahinang sabi ko sakaniha
"Hindi, kinausap namin ni nicko si doc bago ako mag pa enroll" nakangiti niyang sabi
"Tsaka hindi mo naman ako pababayaan diba?" Tanung niya sakin, at inirapan ko lang siya
"Kamusta bakasyon jhen?" Sigaw ni aizel, tsk! FC hindi ko siya pinansin at inayos ko nalang ang gamit ko
Ramdam ko ang pag lakad niya at pag tigil niya sa harap ko.
"Balita ko... Muntik na kayong mag hiwalay ni christof a?" ngumiti ako sakaniya at tumayo
"Oo, pero hindi natuloy, hindi niya kase kayang wala ako e" at bumeso pa ako sakaniya
Nag lakad lang siya palabas ng room namin, weird bakit hindi lumalaban yun. Hmpft!
"Huy! Bakit di lumalaban yun?" Nilingon ko si carelle na kumakain sa tabi ko
"Alam mo hindi naman nabanggit ng doctor sakin na, nagiging chismosa ka pala pag buntis ka" sabay tawa ko ng mahina
"What! Sinong buntis!" Napatayo pa si diana ng sabihin niya yun, at lumingon sakin
"Sinong buntis!" Nginuso ko lang ang katabi kong si carelle at hinawakan naman niya ako sa kamay ng mediyo mahigpit na dahilan para masaktan ako
"Buntis ka? Don't tell me! Si nicko ang ama niyan!" Sigaw nanaman ni diana
"Pwedw diana wag sumigaw? Baka mabingi yung baby" asar ko sakaniya habang tumatawa pa, mas diniinan naman ni carelle ang hawak sa kamay ko.
"Malandi ka!" Busy ako sa pag tawa ng biglang inambaan ni diana si carelle ng sampal, mediyo na caught off guard ako sa nangyari at hindi agad naka pag react.
Nang sasampalin niya na ito, ay biglang may pumigil sa kamay niya, sabay sabay kameng tatlo nila diana at carelle na lumingon sa taong pumigil sa kamay ni diana
"Stop the nonsense scene" madiin na sabi ni aizel.
Namilog ang mata ni diana dahil sa sinabi ni aizel, pati ako ay nagulat sa inarte niya.
"What! Anong nagyayare sayo!" Inis na tanung ni diana
"Just stop, kung si nicko nga ang ama niyan, wala ka ng magagawa." Yun lang at lumabas na ulit ng room si aizel. Tiningnan lang ni diana si carelle ng masama at nag walk out rin.
"Ang weird ni aizel a? Anung masamang hangin ang sumapi sakaniya at biglang bumait?" Nag kibit balikat lang naman si carelle habang kumakain ng cake
"Saan galing cake mo?" Irita kong tanong
"Binili ni nicko" nakangiti niyang sabi
"Cake? In the morning?" Tumango siya at nilunok ang kinakain
"Kanina nga ang breakfast ko kankanin e" nakangiti niyang sabi
"Ugh!" Yun lang at nag basa na ako ng susunod na lesson namin.
Nasa cafeteria kame nila christof kasama si kuya, tapos na kame lahat kumain pero si carelle nakakatatlong slice na ng cake.
"Di Uso mabusog?" Tanung ni christof pero umiling lang si carelle at si kuya
"Mukha ngang mapapagastos ako ng todo dito" sabay tawa namin ni christof dahil sa sinabi ni kuya
**ring!!!ring!!!**
"Hello?" Napatingin kame nila carelle kay kuya ng may tumawag sakaniya
"Yes dad, bukas opo, wala naman kameng pasok namatay po yung anak ng may ari ng school e" sagot ni kuya sa tawag
"Yeah dad we will" at ibinaba na ni kuya ang phone
"Dad?" Tanung ko, tumango siya at tumingin kay carelle sabay hawak sa tiyan niya
"Tomorrow ma me'meet mo na si gradpa" nakangiting sabi ni kuya
"I can't go" sabi ni christof habang nilalaro niya ang pag kain niyang natira
"Why?" Sabay namin tatlo na tanung sakaniya
"Mag me'meet kame ng daddy k---"
"I will go with you" sabi ko dahilan para mapatigil siyang mag salita
"Pero pupunta kayong spain" sagot niya
"Dad will understand, you need me baby" sabay hawak ko sa pisngi niya
Tumango siya at hinalikan ako sa noo ng biglang umiyak si carelle, napalingon naman kameng tatlo sakaniya at nataranta
"Waaaa! Ayoko ng ganiyan ang sweet nila! Nicko!!!! Ayoko!!!" Tapos tuloy tuloy ang pag bagsak ng luha niya
"A... Stop crying na mahal, sweet din naman tayo" pag lalambing naman ni kuya kay carelle
"No ayoko!!!" Hindi namin mapakalma si carelle kaya napapunta kameng hospital, tinurukan siya ng doctor ng pampakalma hanggang makatulog siya
"Doc bakit siya ganun?" Tanung ni christof
"Mood swing eka nga, maselan ang pag bubuntis niya, at nag re'reflect yun sa attitude niya" napatango tango nalang kameng tatlo.
And weird niya!
BINABASA MO ANG
To the moon and back
General FictionPain changes people, but when you love, the word love will change the whole you, it will bring the best in you, or worst in you... love will lead you to best spot and to the best person, to be with.