Chapter 31

27 0 1
                                    

**TOUCH DOWN CANADA**

Inikot ko ang buong paligid at parang dito palang sa airport nawawalan na ako ng pag asa

"excuse me miss, do you know where is the leem's corporation here?" tanung ko sa babaeng nakita ko na bumababa ng taxi.

"No, but I think the taxi driver knew that" sagot niya saakin tumango lang ako in way of saying thank tou at sumakay sa taxi na pinag babaan niya

"Where will you do maam?"

"leem's corporation" sagot ko sa driver, tumango siya at nag drive na




Bumaba ako sa tapat ng isang napakaling building, sakto naman ang pag labas ng isang lalake sabay ng pag guhit ng ngting malungkot sa mga labi kk

Napatigil siya sa pag lalakad ng Makita niya ako, at kita ko sa mga mata niya na na miss niya ako, hindi ako pwedeng mag kamali, alam ko ang mga tingin na yan... Lumakad ako ng dahan dahan ng bigla siyang gumalaw at lumakad ng mabilis at nilagpasan ako. Napahinto ako dahil sa ginawa niya, huminga ako ng malalim at humarap sa likuran niya, dere deretso lang siya sa pag lalakad  tumakbo ako at yumakap mula sa likod niya, ramdam ko ang pag kagulat niya.

"I miss you"sabay tulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan, pero bigo ako dahil traydor ang mga luhang ito

"please christof, come back to me" nanatili lang siyang walang imik.

"akala ko ba dalawa tayong lalaban, bakit sumusuko kana, christof nandito ako, please dalawa tayo sa laban nato please... baby" dahan dahan siyang humarap sakin at tiningnan ako sa mata sabay iwas rin niya

"go home" sabi niya at tumalikod ulit sakin. Pero katulad ng ginawa ko kanina ay hinabol ko siya at niyakap ulit

"no! ayoko, please sabihin mo lalaban tayo pareho"pag mamakaawa ko sakaniya, humarap siya sakin at hinawakan ako sa balikat para malayo sakaniya

"please go home, wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo" kunot noong sabi niya

"bakit ka ba ganiyan!" sigaw ko sakaniya, dahil hindi ko alam kung bakit siya ganito

"tapos na tayo!"halos tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng sabihin niya ang mga salitang yun. Tuloy tuloy na tumulo ang mga luha sa mata ko, pinilit kong mag salita kahit nahihirapan na akong huminga

"why are you doing this to me! *sabay sampal* akala ko ba dalawa tayo lalaban sa lahat ng problema na dumating sating dalawa! Bakit ngayon sumusuko kana! Bakit! Ano to! *Pakita nung singsing* akala ko ba mag papaksal pa tayo? Akala ko ba tayo hanggang huli! Akala ko ba---"

"ano? Akala mo ano ano!" Putol niya sa sinasabi ko

"akala ko ba... mahal mo ako"kita ko ang pag babago ng reaksyon niya ng sabihin ko yun.

"wala na, game over na, ayoko na, at kung yang singsing lang nayan ang basehan mo..  Itapon mo na ikakasal na kame ni Nicole at siya ang gusto kong—" hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya ng bigla ko siya ng isang malakas na sampal

"maloloko mo ang ibang tao pero hindi ako! Alam ko christof! Ako parin! Ano bang problema at hindi mo ko magawang ipag laban!" sigaw ko sakaniya pero hindi siya sumsagot.

"kung akala mo, isusuko kita ng ganung kadali, nag kakamali ka! At nag kakamli ang daddy mo!" sigaw ko ng biglang may humawak sa mga kamay ko at pilit akong nilalayo kay christof

"let's go son" nakangising yaya sakaniya ng daddy niya habang nakatingin saakin

"ibalik mo sakin si christof!" sigaw ko sakaniya habang lumalaban ako sa mga lalakeng nakahawak sa braso ko

To the moon and backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon