Chapter 20

27 0 0
                                    

**third person POV**

Sabado ng umaga, nagising ng maaga si jhen kumpara sa karaniwan niyang gising, naisipan niyang mag jogging para narin maging pamilyar siya sa lugar o sa village nila ngayun.

Napalabas na ng village si jhen, at papunta itong park, naka ilang ikot siya at nag pahinga siya ng mga sandali, ng maramdaman niyang pagod na talaga siya inihiga niya lang sandali, ng bumangon siya ay tirik na ang araw, at medyo marami naring tao sa park. Nag lakad lakad siya para ikutin pa ng isang beses ang park bago siya umalis, nang makita niya si christof sa hindi kalayuan na lugar na may kasamang babae, hindi pamilyar sakaniya ang babae. Lalapitan sana ni jhen ang dalawa ng may lumapit na batang namamalimos kay jhen.

" ate palimus po" tiningnan ni jhen ang bata at kumuha ng pera sa bulsa niya

Pag tingin ni jhen sa kaninang kinatatayuan nila christof ay wala na sila, huminga lang siyang malalim at saka umalis.

Pag uwi niya sa bahay nila ay tinawagan niya si christof, tatlong ring at sinagot na niya ito.

" asan ka?" Bungad ni jhen wala ng hello o good morning manlang

"Sa park malapit sainyo, kasama ko yung friend kong balikbayan galing US bakit?" Sagot naman ni christof, napanatag ang loob ni jhen dahil hindi naman ito nag sainungaling.

" after mo diyan sunduin mo ako punta tayong mall, na mimiss na kita e" sagot  ni jhen, dahil naiinis siya sa sarili niya na bigla nalang nag gagalit dahil sa nakita niya

" sige baby, I'll see you later" masayang palam ni christof

"Jhen let's eat na" tawag ni carelle sakaniya.

Sinaluhan naman niya ang kapatid niya at si carelle sa umagahan, masayang nag uusap ang mga ito, habang tinutukso nila si carelle na hindi daw ito sanay matulog sa kutson, nang biglang may tumawag sa telepono.

" excuse me po ma'am sir, phone for señorito nicko" sabi ng katulong, tumayo si nicko at inexcuse ang sarli niya

Mga ilang sandali lang ay bumalik na si rin si nicko sa lamesa, pero iba na ang mood nito.

" who's the caller brother?" Simpleng tanong ni jhen, pero hindi sumagot si nicko. Hahawakan sana siya ni carelle ng bigla siyang tumayo at nag paalam

" excuse me, biglang sumama ang pakiramdam ko e " at tuloy tuloy na nag lakad si nicko.

"Anung nangyare dun?" Tanung naman ni carelle

" ewan ko, kita mong mag kasama tayo, tapos ako tatanungin mo?" Mataray na sagot ni jhen






**Jhen POV**

Weird, anong problema ni kuya, kanina okay lang siya tapos biglang mood swing !!!!

Mag lu'lunch na pero itong kaptid ko hindi parin lumalabas ng kwarto, nag aalala na si carelle kase kahit si carelle hindi kinakausap, ano bang nangyare, at sino bang nakausap niya. Bumaba ako ng kwarto at pumuntang kusina hinahanap yung katulong na sumagot ng tawag kanina.

" sino yung sumagot ng tawag kanina, nag aalmusal kame?" Tanong ko may lumapit naman babae

" ako po señorita" naka bow niyang sabi

" sino yung tunawag?" Tanung ko ulit sakaniya

" hindi ko po alam, pero parang narinig ko po na binanggit ni señorito na cha po ata ang kausap niya" hindi ako nakasagot sa sinabi niya, what! Cha? As in charilyn!!! Anong meron sakaniya, ano namang kailangan niya

Pinuntahan ko si carelle para mag paaLam, dahil nga sa may lakad pa kame ni christof

"Carelle aalis na ako, may lakad kame ni christof e" paalam ko sakaniya, tumango lang naman siya sakin, pero kita mo sa mukha niya ang pag aalala. Lumapit ako sakaniya at hinawakan siya sa balikat.

" chin up! Ayus lang yang kumag nayan, wag mo masiyadong iniisip si kuya a?" Ngumiti naman siya bilang sagot.

Tahimik lang si christof habang nasa sasakyan kame... Hindi ko alam pero pakiramdam ko talaga parang may mali e.

" christof may problema ba?" Tanung ko sakaniya pero tiningnan lang niya ako at ngumiti.

Hanggang sa natapos ang buong araw na mag kasama kame na walang umiimik, kahit ng manood kame ng movie walang umiimik. Walang nag sasalita, walang kumikibo. Hindi narin ako nag tanong dahil ayoko ng gulo, may problema ang kapatid ko kailangan niya ako, at ayokong may dumagdag pa na problema.

* text message*
From: baby
Sorry baby, alam kong naiinis ka, masama lang kase pakiramdam ko kanina, kaya hindi ako umiimik... Good night. Iloveyou

Tiningnan ko lang ang text ni christof, pero hindi ako nag reply.. Hindi ko alam pero malakas pakiramdam ko may mali sa mga nangyayare.

" ano bang problema mo! Kanina kapa ganiyan! Kung may problema pag usapan natin, hindi yung dinadaan mo ako sa hindi mo pag kibo, sa hindi mo pag pansin! Nicko hindi ako hangin! Na ma a' appreciate mo lang pag naiinitan ka!"

Rinig kong sigaw ni carelle, pero ng puntahan ko sila nakita ko ang kapatid ko, na naka upo lang sa sahig at nakayuko, parang hindi niya naririnig si carelle. Hanggang umalis si carelle at pumasok sa kwarto niya.

Ano bang nangyayare! Nag kakagulo sila at nararamdaman akong rin malapit na

To the moon and backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon