Chapter 30

25 0 0
                                    


***Jhen POV***

Nakatitig lang ako sa mommy ko habang lumalakad siya ng mabagal papunta sakin

"jhen" mahinang bigkas ng mommy ko sa pangalan ko

Hindi ako nag salita tinitingnan ko parin siya habang dahan dahang bumabagsak ang mga luha ko

"anak" nang sabihin niya ang salitang iyon, ay hindi na nakapag pigil ang mga luha ko sa pag labas

"mommy!!" sabay takbo ko papunta sakaniya at sinalubong naman niya ako ng yakap

"anak patawarin mo ako, dahil sa hindi namin pag kakasundo ng daddy mo, sayo at sa kuya mo naibaling ko ang inis at galit, anak patawarin mo ako nag kulang ako patawad" umiiyak ng sabi ni mommy

"I missed you baby" dugtong niya pa

Hindi ako nag salita at tumatango lang sa lahat ng sinabi niya, ganito pala ang pakiramdam ng yakap ng isang ina, masarap sa pakiramdam.





Umuwi ako na nag iisa sa bahay namin, hindi na ako pinatulog ni mommy sa bahay niya dahil pupunta rin siya sa new york para sa trabaho. Tiningnan ko ang buong paligid ng bahay, tumayo ako sa may pintuan at umupo. Tiningnan ko ang dalawang pulang roses na tumubo sa tabi mismo ng hagdan sa may pinto.

**FLASHBACK**

"jhen tubig bilis" tawag sakin ni christof

"o eto na, mahirap kayang patubuin ang rosas, wag mo ng itanim" inis na sabi ko sakaniya dahil mapilit siya

"ano kaba, walang mahirap sa taong nag mamahal" nakangiting sabi ni christof sakin, tiningnan ko lang siya habang nag tatanim siya, lumapit siya sakin at humalik sa pisngi ng natapos siyang mag tanim.

"pag yang rosas na yan tumbuo ng dalawa na mag kasabay ibig sabihin--"

"dalawa talaga? E baka nga isa lang mahirapan na e" putol ko sa sinasabi niya

"patapusin mo muna kase ako" maktol naman niya

"o sige ano?" sagot ko sakaniya

"pag bumunga to ng dalawang rosas, ibig sabihin para talaga tayo sa isa't isa" pangiti ngiti niya pang sabi

**END OF FLASHBACK**

"namimiss na kita" pabulong kong sabi sabay ng mga luhang hindi na kinayang pigilan.






Nag lalakad ako ng Makita ako ni Diana sa daan

"hey bitch! What have you done to my bestfriend!" sigaaw niya sakin

"what? I don't know who your bestfriend is" inid na sagot ko sakaniya

"it's aizel dumb bitch!" pasigaw na sagot niya

Nakita ko si christof na sumakay ng kotse nag lakad na ako at iiwan sana si Diana ng bigla niya akong hawakan sa braso

"where do you think your going!" sigaw niya at dahil nakita kong nakaalis na ang kotse na sinakyan ni christof ay biglang namuo ang galit sa loob ko

To the moon and backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon