CHAPTER 13

75 12 0
                                    

Ikinagulat ko ang mabilis na pagbabalik ng lakas ni Rigo pero mas nakakabigla ang ginawa ng karamihan sa kaaway namin.

Instead of assuming a defensive stance or engaging us in a bloody war, they all threw away the weapons they were grasping. They were surrendering to us!

Biglang nagwala at nagsisisigaw ang puting dragon na nagsisilbing lider nila. "Anong ginagawa niyo?! Bakit kayo sumusuko?! Kunin niyo ang armas niyo at lumaban kayo!"

Umiling ang mga dating kakampi niya at nag-iwas ng tingin sa kanya. Makikita mo sa mukha nila ang pagsisisi dahil sa maling paniniwala nila.

When the furious white dragon realized that his hysterics would do him no good, he resorted to blackmail. "You must be forgetting my recently acquired skills in black magic." Naputol ng halakhak niya ang sinasabi niya. "Isang orasyon ko lang, habambuhay na kayong hindi makakapag-anyong dragon."

Bago pa niya masambit ang orasyon na sinasabi niya, kusang kumilos ang mga kamay ko para pigilan siya. I simply held my palm toward him and a bright beam of light rendered him unconscious.

Nakuyom ko ang aking kamay nang bumagsak siya sa lupa. Alam kong hindi ko siya pinatay pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko. I was able to use my power without even thinking about what to do. It was as if my body and my power remembers how to do it even if my mind has forgotten about it. Nakakatakot ang kaalamang ito pero hindi ko p'wedeng hayaang mabalot ang pagkatao ko ng kaduwagaan dahil sigurado akong kapag nangyari 'yun, mawawalan ng pag-asa ang kauri ko at maghahari ang kadiliman katulad nang sinabi ng mga magulang ko sakin noon. Hindi ko hahayaang mangyari 'yun kaya kailangan kong mas maging matapang, kailangan ko nang mabawi ang mga memorya ko sa mga nakaraan kong naging buhay. And the only person who can help me with recovering those memories is the one I've been avoiding. Si Rigo na kasama ko sa mga nakaraang buhay ko ang makakapagpaalala sakin. Dahil ngayon, alam ko nang kaming dalawa ang tinutukoy sa kwento ng mga magulang ko.

******

Bago kami bumalik sa palasyo na tinitirhan namin, bumuo si Rigo ng grupo na maghahatid sa mga nakalaban naming dragon sa kanilang pamilya. Kinausap din sila ni Rigo at sinabi niya sa kanila na hindi namin sila sinisisi sa mga nagawa nilang hindi maganda samin. Pinabatid niya na naiintidihan namin ang naging sitwasyon nila, na kaya lamang nila sinunod ang pinuno nila ay dahil sa takot at maling paniniwala. Ipinangako ni Rigo sa kanila na tutulungan namin sila sa sumpang bumabalot sa angkan nila pero humingi siya ng konting oras sa mga ito bago matupad ito. Kailangan muna naming tapusin ang problemang dulot ng naging pinuno nilang si Callixto.

Dahil sa mapanganib na iwan namin ang puting dragon na walang malay, napilitan kaming dalhin siya pauwi. I used my magic to make sure he'll be unconscious for a bit longer. Long enough to transport him to the dungeons in the palace in the sky.

Hinintay ko si Rigo na asikasuhin ang magiging kulungan ng aming preso. I even used magic to reinforce his prison cell. No magic, except mine, can penetrate the walls. Kahit na magising siya, hindi din siya makakapagmahika.

Nang makasiguro kaming hindi siya makakatakas kahit pa gumamit siya ng itim na mahika, niyaya ko si Rigo sa kwarto ko para makapag-usap kami.

Nakasunod lang siya sakin hanggang sa makapasok kami sa kwarto at hinintay akong magsalita. "There's something wrong about that white dragon. When I first met him, I felt his sincerity in helping me. He was cocky, but he was good underneath the arrogance. Pero kanina, parang iba ang aura na naramdaman ko sa kanya. The evilness I sensed in him isn't innately his." I told him my worries.

Marahang tumango si Rigo bago maupo sa paanan ng aking kama. "Nabanggit ng mga tauhan niya kanina na bigla siyang nagbago. Baka iyon ang tinutukoy nila. We might have another enemy who's controlling him. He might be under the influence of an evil spell castor."

Naupo rin ako sa kama pero may kaunting distansya sa pagitan namin. "Kung ganun nga, mawawala ang bisa ng mahika na 'yun paggising ng puting dragon. Because no magic can penetrate the walls of the room he is in. He'll be safe from the castor's spell as long as he stays in that room."

"Pero hindi p'wedeng habang buhay natin siyang ikulong, Lia. Kailangan nating hanapin kung sino ang kumokontrol sa kanya para maputol ang ugnayan nila." Sagot ni Rigo.

"Pareho tayo ng iniisip pero paano natin sisimulang hanapin ang nilalang na 'yun? At kapag nalaman na natin kung sino siya, pa'no natin puputulin ang mahika niya?" Tanong ko.

"Sigurado akong matatalo ng kapangyarihan mo ang kahit anumang mahika na ginagamit laban sa puting dragon na 'yun. Pagbutihin mo na lang ang training niyo ni Alaric para mabilis mong magamay ang kapangyarihan mo. And leave the rest to me and the knights. We'll talk to the white dragon and his men. Kailangan lang namin malaman kung kailan nagsimula ang pagbabago sa ugali ng dragon at kung nasaan sila nung mga panahong 'yun pati na kung sino ang mga nakasalamuha nila."

I noticed that he was still tired despite the sudden surge of power he experienced during the confrontation. Kaya niyaya ko na siyang magpahinga. "P'wede bang dito ka na matulog? May mga gusto pa kong sabihin pero alam kong pagod ka kaya p'wede namang ipagpabukas na lang. Gusto ko lang sanang mabantayan kita habang nagpapahinga ka." Nahihiya kong tanong. Siguradong namumula ang buong mukha ko sa hiya.

He gave me a small smile before nodding his head like an eager child. "Maghihilamos at magpapalit lang ako sa kwarto ko tapos didiretso ako dito pagkatapos."

Mabilis akong naligo at nagbihis pagkalabas niya dahil gusto kong matapos bago pa man siya makabalik. Humiga na ko sa kama at dun siya hinintay. Tanging ang ilaw na lang mula sa lamp sa bedside table ang natitirang liwanag sa kwarto.

Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw ang excitement sa nararamdaman ko. Ano kaya ang naisip niya sa request kong 'to? Kailangan masabi ko na sa kanya kung anong nararamdaman ko.

I was so lost in thought that I didn't hear him come in. Namalayan ko na lang na nakabalik na siya nang lumundo ang kama sa likuran ko, senyales na may umupo o humiga.

I was about to turn to him when I felt him hug me from behind. "Let's stay like this for a while, hm? Please. I just want to hold you tight." He murmured.

Hindi ko na nagawang kumilos kahit gusto ko pang humarap sa kanya para mapagmasdan ang mukha niya. Akala ko hindi ako makakatulog dahil ramdam na ramdam ko ang presensiya niya. Bawat hininga niya na tumatama sa batok ko, ang buhok niyang kumikiliti sa gilid ng leeg ko, ang mahigpit niyang braso na nakapulupot sa baywang ko, ang binti na nakatanday sakin, ang init na nagmumula sa katawan niya. I was too aware of all of those things to allow myself to fully relax. He was literally clinging to me like a vine. I wanted savor the feeling of being in his arms so much that I didn't want to fall asleep, but that's exactly what I did after a few minutes in his embrace.

__________
091316/0551P

A Dragon's Plight (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon